30/11/2025
๐๐จ๐๐ฒ๐๐ฆ๐๐ซ๐ ๐๐ | ๐๐ง๐๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ก๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง
Ngayon ay ang Unang Linggo ng Panahon ng Pagdating ng Panginoon o mas kilala sa tawag na Adbiyento. Sinisimulan na natin ang apat na linggong paghahanda para sa Kapaskuhan, ang pagdating ng ating Panginoong Hesus bilang isang sanggol sa sabsaban.
Sa ating mga pagbasa, tayo ay binabalaan: Maghanda! Maghanda sapagkat hindi natin nalalaman ang pagdating ng Anak ng Tao at para hindi tayo matulad sa mga taong hindi handa sa pagdating ng baha noong panahon ni Noe.
Isa itong paalala na hindi lamang handa sa hapag o mga pangregalo ang dapat nating bigyang-pansin sa panahon ng Adbiyento. Higit lalo na ay ihanda natin ang ating mga kalooban sa pagdating ni Hesus. Ilaan natin ang ating Adbiyento sa pagkilala kung sino ba talaga Siyang darating, upang alam natin kung ano ang sa Kanya'y makalulugod at iyon ang ating ihain: mga pusong mapagpakumbaba, bukas sa paglingap sa kapwa, at sabik sa kaligtasang dulot ni Hesus.
Ad maiorem Dei gloriam!