𝙺𝙰†𝙾𝙻𝙸𝙺𝙾 γ‚·οΈŽ

𝙺𝙰†𝙾𝙻𝙸𝙺𝙾 γ‚·οΈŽ Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from 𝙺𝙰†𝙾𝙻𝙸𝙺𝙾 γ‚·οΈŽ, Catholic Church, Cagayan de Oro.

Earlier this week, I read an article written by a non-Catholic attacking the Church for believing that the THREE WISEMEN...
07/01/2022

Earlier this week, I read an article written by a non-Catholic attacking the Church for believing that the THREE WISEMEN were KINGS. He said,

"Hindi totoo na may dumayong Hari nang ipanganak si Cristo, Sapagkat mga pantas ang nakasaad sa Biblia. Si Gaspar, Melchor, at Balthazar ay mga fictional characters lang na gawa-gawa ng mga Katoliko."

First and Foremost, dapat nating malaman na ang pagtawag sa mga PANTAS bilang mga HARI ay ibinase lamang ng Simbahang Katolika sa Propesiya mula sa aklat ng Salmo 72:10-11 at sa aklat ng Isaias 60:6,

"The KINGS of Tarshish and of the isles shall BRING PRESENTS: the KINGS of Sheba and Seba shall OFFER GIFTS. Yea, ALL KINGS shall FALL DOWN BEFORE HIM (Jesus), and all nations shall serve HIM (Jesus)."-[Psalm 72:10-11]

"The multitude of camels shall cover thee, the dromedaries of Midian and Ephah; all they from Sheba shall come: they shall bring GOLD and INCENSE; and they shall shew forth the praises of the LORD."-[Isaias 60:6]

Ang nasabing Propesiya ay natupad nang si Cristo ay maipanganak, ito ay nakasaad mismo sa aklat ni San Mateo,

"Pagpasok sa bahay, nakita nila ang bata sa piling ni Maria na kanyang ina. NAGPATIRAPA SILA AT SINAMBA ANG BATA. Inihandog din nila sa kanya ang mga dala nilang GINTO, INSENSO at MIRA."-[Mateo 2:11]

Ang Tatlong Pantas na dumayo kay Kristo ay kinilalang sina GASPAR na HARI NG INDIA, si MELCHOR na HARI NG PERSIA (IRAN), at si BALTHAZAR na HARI NG ARABIA.

SI GASPAR

Batay sa pag-aaral ng mga Historian, maaaring ang tinutukoy na GASPAR ay si "GONDOPHARES I" na nagtatag ng INDO-PARTHIAN KINGDOM kung saan ang kanyang Pangalan ay isinasalin sa Armenian language bilang "GASTAPHAR."

Sinasabing si GONDOPHARES I ay namuno bandang 20 B.C-10 B.C sa SEITAN (Eastern Iran). Sa taon ring ito nilusob ng kanyang hukbo ang Indo-Scythian Kingdom matapos mamatay ang Haring si Azes. Dahilan kaya nakuha nito ang ilang bahagi ng PAKISTAN, AFGHANISTAN, at INDIA.

Ayon pa sa mga Historian, maaaring si GONDOPHARES I ang isa sa mga Pantas na dumayo sa batang Hesus sa taong 4 B.C o 1 A.D na nagmula sa INDIA para magregalo ng "INSENSO o FRANKINCENSE" (Ang Frankincense ay mula sa Frankincense Tree na kadalasang tumutubo sa lugar ng Africa at India).

Taong 20 A.D itinatag ni GONDOPHARES I ang INDO-PARTHIAN KINGDOM at tuluyang naging HARI NG INDIA.

Isa pa sa mga ebidensyang pinagbatayan ng ilang mga Historians ay ang 3rd century ACTS OF THOMAS (not inspired book). Bagamat hindi ito inspired book ng Biblia mababasa sa loob nito ang pangalan ni Gondophares I, na nangangahulugan lamang na NAG-EXIST ang Hari na ito sa panahon ng ANCIENT INDIA,

"And so saying he showed him Thomas afar off, and agreed with him for three litrae of silver unstamped, and wrote a deed of sale, saying: I, Jesus, the son of Joseph the carpenter, acknowledge that I have sold my slave, Judas by name, unto thee Abbanes, a merchant of GUNDAPHURUS, KING OF THE INDIANS."-[Acts of Thomas 1:2, Apocrypha]

Ayon naman sa Tradisyon ng India, ang Haring si Gondophares I ay na-iconvert ni Apostle Thomas bandang 35-50 A.D at naging katuwang nito sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa India. Ang haring ito ay pumunaw taong 55 A.D ng January 11 sa edad na 109 taong gulang.

SI MELCHOR

Si Melchor ay kinilalang HARI NG PERSIA, na kadalasan ay tinatawag na HARI NG ASSYRIA. Ang taong ito ang tinutukoy na nagdala ng GINTO sa batang Hesus noong 4-5 B.C. Bagamat walang gaanung impormasyon sa kanya, ang kanyang Pangalan naman ay nakatala sa isang Greek Manuscript na naisulat noong 500 A.D.

Ayon naman sa Medieval Saints Calendar, nakipagkita ang Hari sa iba pang mga Magi noong 54 A.D sa Kingdom of Armenia upang ipagdiwang ang Pasko bago ang kanyang kamatayan noong January 1, 55 A.D sa edad na 116.

SI BALTHASAR

Sa orihinal na Greek Manuscript, ang orihinal na pangalan ni Balthasar ay BITHISAREA na sinasabing Hari ng ARABIA. Ayon naman sa Ethiopian version ng Protoevangelium of Santiago, ang kanyang pangalan ay SISSEBA, na nagmula sa ETHIOPIA. Sinasabi ng mga Ethiopians na si Balthasar ay mula sa kanilang bansa, sapagkat ang kanilang Imperyo ay kinilalang pinakamayaman at pinakamakapangyarihang Imperyo sa panahon ng kapanganakan ni Cristo, ang kanilang bansa rin ay mayaman sa MIRA na inialay ni Balthazar sa batang Hesus.

Ayon sa tradisyon ng mga Ethiopians, si Balthasar rin ang nagpalakas ng Kristiyanismo sa Ethiopia bago ang kanyang kamatayan noong January 6, 55 A.D sa edad na 112 taong gulang.

Taong 4th Century A.D naman sa utos ni St. Helena (Mother of Emperor Constantine) natagpuan sa Persia ang mga labi ng TATLONG HARI at dinala sa Milan, Italy. Ngayon ay sinasabing nasa panganagalaga na ito ng Cologne Cathedral sa Germany.

Anu't-ano man ang maging resulta ng mga pag-aaral na ito, sa iisang bagay lang tayo NAKASISIGURO, HINDI NAGSISINUNGALING ANG PROPESIYA,

"The KINGS of Tarshish and of the isles shall BRING PRESENTS: the KINGS of Sheba and Seba shall OFFER GIFTS. Yea, ALL KINGS shall FALL DOWN BEFORE HIM (Jesus), and all nations shall serve HIM (Jesus)."-[Psalm 72:10-11]





Copied post from: Kuya CFD

Address

Cagayan De Oro

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 𝙺𝙰†𝙾𝙻𝙸𝙺𝙾 γ‚·οΈŽ posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share