28/03/2023
"LUMANG TIPAN NA ANG SAMPUNG UTOS""(Heb.8:13)
Heb.8:13 Doon sa sinasabi niya, Isang bagong tipan, ay linuma niya ang una. Datapuwat ang nagiging luma at tumatanda ay malapit ng lumipas.
A. Maling Argumento (Fallacy)
1. Lipas na at luma na ang sampung utos.
2. Niluma na ng bagong tipan ang sampung utos.
B. Mga Hamon na Tanong
1. Kaya ba tinawag na lumang tipan ang sampung utos dahil nakasulat ito sa aklat ng Exodo sa lumang tipan.?
2. Alin ba ang lipas na at niluma, ang sampung utos na nasa lumang tipan o ang mismong aklat ng lumang tipan ang niluma.?
3. Lahat ba nasa bagong tipan ay bagong utos, o lahat ba na utos sa aklat ng lumang tipan ay luma.?
4. Mababasa ba na ang sampung utos ay tinawag na lumang tipan.?
5. Sampung utos ba ang nasa Hebreo 8:13 na unang utos na niluma ng bagong tipan.?
C. Mga Gabay sa Pag-aaral ng Talata.
1. Pag-aralan ang pagkakaiba ng lumang tipan at aklat ng lumang tipan.
2. Tukuyin kung anong kautusan ang niluma at lipas na.
3. Alamin kung anong tipan ang bago na nasa talata.
D. Ang Tamang Interpretasyon ng Talata
1. Bago natin pag-aralan ang isyu sa talatang ginamit sa Hebreo 8:13, meron muna tayong dapat liwanagin sa mga terminology, technical words at biblical languages upang makatulong kung paano unawain ang tunay na kahulugan sa bawat salita o mensahe ng talata. Partikular ang ibat-ibang kahulugan ng salitang ""TIPAN"". Narito ang mga pagkakaiba ng kahulugan...
a.) Aklat ng Luma at Bagong tipan -- Ito ay tumutukoy sa English na old and new testaments o ""Ang Biblia"" na tinatawag din na Banal na Kasulatan. Ito ay nahati sa dalawa, ""OLD TESTAMENT"" and ""NEW TESTAMENT"". Ang tanong, paano naging ""TESTAMENT"" sa Ingles ang tipan.??? Na kung unawain natin ito sa Filipino ang kahulugan nito ay isang legal document o HABILIN ng isang taong malapit nang mamatay. Ang pangunahing dahilan nito ay ang pinag-hanguan ng mga English translators na salin ay mula sa salitang ""LATIN"". Ang salitang testament mula sa salitang latin na ""TESTAMENTUM"" na nakikita sa mga latin version ng Biblia (VULGATA) na nahati sa dalawa...
BAGONG TIPAN --- NOVUM TESTAMENTUM.
LUMANG TIPAN --- VETUS TESTAMENTUM.
Sa usaping ito, (letter a.) ang tinutukoy na luma at bagong tipan ay ang mga aklat na isinulat ng mga Patriarchs and Prophets, na kinasiyahan ng Banal na Espiritu. Ito ang mga collections ng mga aklat na nahati sa dalawa...
BAGONG TIPAN -- From Matthew to Revelation -- 27 Books.
LUMANG TIPAN -- From Genesis to Malachi -- 39 Books
TOTAL Book Collections ng mga Cristianong protestante --66 Books maliban sa mga Romano katoliko na may karagdagang anim na aklat at may kabuuhan na 72 books na ang tawag dito ay APOKRIPA o ""Deutero-canonical books"".
b.) Lumang Tipan -- Ang isang kahulugan ng tipan ay hango sa salitang Hebrew na (Berit) na ang ibig sabihin sa Ingles ay ""COVENANT"" ito ay tumutukoy sa mga PALATUNTUNAN AT KAHATULAN sa pagitan ng Dios at ng ating mga magulang na sina Noe, Abraham, Moses at iba pang lingkod ng Dios. Ang mga ito ay isinalin din sa Greek word na ""nomos"" na ang ibig sabihin ay kautusan sa wikang Filipino at common laws sa English.
C. Sampung utos -- Ang sampung utos ng Dios na isinulat sa dalawang tapyas na bato ay tinawag din na TIPAN sa Deut.4:13 at mababasa rin ito sa aklat ng Bagong Tipan sa Marcos 10:19 at Lucas 18:20. Ang salitang COMMANDMENTS of God ay nagmula sa Greek word na ""entole"" at ""entalma"" kung ito naman ay commandments of men Mateo 15:9. Ngunit dahilan sa kakulangan ng salitang Filipino ay ang lahat na ito ay isinalin sa Filipino na ""KAUTUSAN""
10 utos ng Dios --(Greek/entolê )-- (sa English/ Commandments of God) -- (sa Filipino/ Kautusan.)
Utos ng tao --(Greek/entalma) -- (sa English /Commandments of men) -- (sa Filipino/ Kautusan)
Palatuntunan at Kahatulan ni Moises -- (Greek/nomos) -- (sa English/ Common laws) -- (sa Fililino/ Kautusan)
d.) Ito ang dahilan kung bakit hindi lahat na mababasa na kautusan sa Biblia ay sampung utos agad, kundi kailangan natin ito alamin sa original word na pinanggalingan na gaya ng Hebrew or Greek. Kaya, tama ang isang kasabihan na ""bagamat ang Tulingan ay isda, ngunit hindi lahat na isda ay Tulingan"".
2. Ang Hebreo 8:13 ay pag-aralan natin kung anong kautusan ang niluma at anong kautusan ang bago sa pamamagitan nitong mga ilustrasyon sa taas na una nang pinag-aralan. Ang tanong, aling kautusan ang una at niluma ayon mismo sa konteksto ng talata.?
Hebreo 9:1 Ngayon, ANG UNANG TIPAN DIN AY NAGKAROON NG MGA PALATUNTUNAN NG PAGSAMBA SA DIOS, at ng kaniyang santuario, ang santuario ng sanglibutang ito.
3. Maliwanag na ang UNA na NILUMA ay ang mga palatuntunan sa pagsamba sa Dios sa santuario sa sanlibutang ito (Earthly Sanctuary). Ito ay may kinalaman sa mga paghahandog ng mga hayop para sa mga makasalanan bilang kabahagi sa pagsamba dito sa lupa. Ito ang nakasulat sa Hebreo 10:4-6
Hebreo 10:4-6 Sapagkat di maari na ang dugo ng mga baka at ng mga kambing ay makapag-alis ng mga kasalanan. Kayat pagpasok niya sa sanglibutan, ay sinasabi, Hain at handog ay hindi mo ibig. Ngunit isang katawan ang sa akin ay inihanda mo. Sa mga handog na susunugin at mga haing patungkol sa mga kasalanan ay hindi ka nalugod.
4. Kung ang palatuntunan ng pagsamba sa Dios ang una, matanda, lipas na at niluma, ano naman ang ISANG BAGONG TIPAN na binabanggit sa Hebreo 8:13 na lalong mabuti.? Narito ang mga talata na nagpapatunay ng isang bagong tipan...
Hebreo 8:8 Sapagkat sa pagkakita ng kakulangan sa kanila, ay sinabi niya, Narito, dumarating ang mga araw, sinasabi ng Panginoon, Na akoy gagawa ng isang bagong pakikipagtipan, sa sangbahayan ni Israel at sa sangbahayan ni Juda.
Hebreo 12:24 At kay Jesus na tagapamagitan ng bagong tipan, at dugong pangwisik na nagsasalita ng lalong mabuti....
Lucas 22:20 Gayon din naman ang saro, pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong itoy ang bagong tipan sa aking dugo, na nabubuhos nang dahil sa inyo.
5. Ang Bagong tipan ay nagsimula sa krus dahil ang luma ay nagtatapos din sa krus. Hindi ito tinawag na bago dahil nababasa sa aklat ng bagong tipan. Sa katunayan, hindi ito orihinal na isinulat sa aklat ng bagong tipan at ipinanukala kundi sa panahon pa ito ni Jeremias pinapasabi ng Panginoong Dios, na hinango lamang ni Apostol Pablo ang Hebreo 8:8 sa Jeremias 31:31.
Jeremias 31:31 Narito ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na akoy makikipagtipan ng panibago sa sambahayan ni Israel at sa sambahayan ni Juda.
Hebreo 8:8 .... Narito, dumarating ang mga araw, sinasabi ng Panginoon, Na akoy gagawa ng isang bagong pakikipagtipan, sa sangbahayan ni Israel at sa sangbahayan ni Juda.
6. Ang sampung utos ay nakasulat sa aklat ng Exodo sa lumang tipan (Old Testament) ngunit ito ay mababasa rin sa bagong tipan na iniutos ni Jesus na sundin. Sa katunayan, ito ang kanyang payo sa isang mayaman na nagtanong kung ano ang pinakamabuting gawin upang magkaroon ng buhay na walang hanggan. Mateo 19:16-19 Pls read this to your bible.
7. Maliwanag na ang sampung utos ay hindi ang niluma at lumipas, hindi rin ito tinawag na lumang tipan, kundi ang mga palatuntunan sa pagsamba sa santuario sa sanlibutang ito at ang paghahandog ng mga hayop, pagtutuli sa laman, mga palatuntunan sa pagka-saserdote at mga alitan sa pagitan ng mga Judio at mga Gentil.