13/02/2026
SITUATIONSHIP: Nakaka-glorify ba kay Lord?
HINDI.
Kabataan… hindi kita hinuhusgahan, nais lang kitang maliwanagan.
Situationship = may lambingan, may attachment, may benepisyo…
pero walang malinaw na commitment.
Biblically, hindi ginoglorify ni Lord ang malabong relasyon na parang “jowa perks na walang responsibility.”
Hindi dahil KJ si Lord, kundi dahil mahalaga sa Kanya ang linaw at gusto Niyang protektahan ang iyong puso.
Heto ang tanong…
Bakit hindi nakakaglorify kay Lord?
1. Walang malinaw na label
Kung walang label, kadalasan nalalabo rin ang boundaries.
Minsan nauuna ang feelings bago ang direction.
“Let all things be done decently and in order.”
1 Corinthians 14:40 (principle ng order)
2. Minsan nauuna ang desire kaysa sa God’s design
God’s design = malinaw: courtship → commitment → covenant.
Kapag minadali ang saya, kadalasan nasasaktan ang puso.
3. Nakakapagod sa puso (pati sa konsensya)
May binibigay kang affection sa taong
hindi pa handang manindigan.
Minsan akala natin love ‘yan, pero mas malapit sa emotional borrowing.
Emotional borrowing ay kapag kumukuha ka ng
emotional care, lambing, at attachment
na para sa committed relationship…
kahit wala namang malinaw na commitment.
4. Madaling gawing palusot ang “wala namang kami”
pero may obvious na lambingan.
Hindi nawawala ang mali dahil lang walang label.
Hindi ka nilikha para maging option.
Nilalang ka para piliin, panindigan, at mahalin nang may clarity.
Kung gusto ka niya, kaya niyang ilagay sa tama.
Kung mahal ka niya, kaya niyang manindigan.
Kung si Lord ang sinusunod, hangad Niya na malinaw at nasa liwanag ang relasyon.
Kung malabo ang direksyon, malinaw ang warning.
Hindi ka tinawag sa confusion, tinawag ka sa clarity.
-ctto-
Happy Hearts Day 🥰
Wag pauto 🤭