Redeemed Christian Church of Christ Ministry (RCCCM)

Redeemed Christian Church of Christ Ministry (RCCCM) Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Redeemed Christian Church of Christ Ministry (RCCCM), Religious organisation, Cabuyao.

Saan ka pupunta?Simpleng tanong pero napakalawak ng kahulugan.Pwedeng naglalakad ka at may nakasalubong kang kakilala, a...
06/02/2017

Saan ka pupunta?

Simpleng tanong pero napakalawak ng kahulugan.
Pwedeng naglalakad ka at may nakasalubong kang kakilala, ang una mong tanong, “Saan ka pupunta?” Sasagot naman ang kakilala mo, “Dyan lang. Ikaw, saan ka?” Sasagot ka naman ng “Pauwi na.” Tapos maglalakad na kayo papunta sa lugar na pupuntahan nyo.

Minsan ang tanong na, “Saan ka pupunta?” ay katumbas ng “Kamusta ka?” Kung kapit-bahay ang nakasalubong mo sa paglalakad at sinabi nyang, “Pupunta ako sa ospital, na-confine kasi ang anak ko.” Ang sagot mo naman ay, “Bakit? Anong nangyari? Anong sakit? Sinong doctor nya? Saang ospital?” At marami pang tanong na nagpapakita ng pagmamalasakit at pagdamay. Sa huli, sasabihin mong, “O, sige, ingat ka at pag may oras ako, sasaglit ako sa inyo para madalaw ko ang anak mo.”

May time naman na ang tanong na, “Saan ka pupunta?” ay nagpapakita ng pakikisama. Kung may nakasalubong o may nakasabay ka sa paglalakad na isang kaibigan tapos sasagot sya, halimbawa, “Pupunta ako sa palengke.” Sasabihin mo naman na, “Ah, dun din ako pupunta. Tara, sabay na tayo.” Ang kasunod na nyan ay mahabang kwentuhan sa daan at mga kamustahan tungkol sa buhay ng isat-isa.

Nakakatuwang isipin na ang simpleng tanong na, “Saan ka pupunta?” ay may ibat-ibang kahulugan depende sa sitwasyon natin. Pwedeng simpleng pagbati, o kaya naman ay pagpapakita ng malasakit at pagdamay, at minsan, pinapakita nito na may kasama ka sa paglalakad sa buhay.

Anong direksyon ng buhay mo ngayon? Anong mga pagsubok at problema ang hinaharap mo? Gusto mo ba ng kasama sa paglalakbay?

Ang buhay natin ay isang mahabang biyahe. Kaya ang tanong na, “Saan ka pupunta?” ay pwede rin na maging tanong tungkol sa buhay. Saan papunta ang buhay mo ngayon? Anong mga pangarap ang gusto mong maabot? Kailangan mo ba ng kasama sa biyahe? Gusto ka naming samahan.

Sinabi sa Biblia,
“Pumasok kayo sa makipot na pintuan. Sapagkat maluwang ang pintuan at malapad ang daang papunta sa kapahamakan, at ito ang dinaraanan ng marami. Ngunit makipot ang pintuan at makitid ang daang papunta sa buhay, at kakaunti ang nakakatagpo niyon.” (Mateo 7:13-14, Magandang Balita Biblia)

Sa buhay natin, dalawa ang daan na pwede nating lakaran. May maluwang at madaling daan pero ang dulo pala ay kamatayan. Meron namang masikip at mahirap na daan pero ang dulo pala ay buhay. Anong daan ang dapat natin lakaran? Gusto mo ba dun sa madali pero ang dulo ay mapapahamak ka lang o sa mahirap pero ang dulo naman ay maayos at masayang buhay?

Ito ang sinabi ni Jesus sa Biblia,
“Dumarating ang magnanakaw para lamang magnakaw, pumatay, at manira. Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, buhay na masaganang lubos.” (Juan 10:10, Magandang Balita Biblia)

Sinabi pa ni Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa [Diyos] Ama kundi sa pamamagitan ko.” (Juan 14:6, Magandang Balita Biblia)

Ang Diyos, sa tulong ni Jesus, ang Maylikha sa atin at sya ang nakakaalam kung saan papunta ang buhay natin. Pakinggan at sundin natin sya.

Mahirap ang naging buhay ni Jesus. Pinakita nya ang tama at matuwid na pamumuhay. Gumawa din sya ng maraming mabubuting bagay at madami syang tinulungang tao pero madami din ang nagalit at ayaw maniwala sa kanya kaya pinako sya sa krus at namatay. Pero hindi natapos sa kamatayan ang buhay nya, kasi pagkalipas ng tatlong araw, binuhay sya ulit ng Diyos at dinala sya sa langit. Ngayon, buhay si Jesus at nakaupo sya sa tabi ng Diyos at nakatingin sya sa atin. Nakikita nya ang mga pinagdadaanan natin at gusto nya rin tayong samahan.

Nakakalungkot na maraming tao sa mundong ito na lumalakad sa daan na madali pero kamatayan ang dulo. Ang mas nakakalungkot, maraming nahihirapan sa buhay nila ngayon pero kamatayan din ang pupuntahan. Paano tayo maliligtas sa ganitong klaseng buhay? Paano natin mararanasan ang buhay na mapayapa at masaganang lubos? Isa lang ang dapat nating gawin, magtiwala tayo kay Jesus at sundin natin ang mga utos nya.

Gusto mo bang makasama si Jesus sa biyahe mo? Mag-pray ka ngayon at hilingin mo sa Diyos na ipakilala nya sa iyo si Jesus. Humanap ka ng mga taong tutulong sa iyo para mas makilala mo pa si Jesus at matulungan ka sa pagharap mo sa mga problema at pagsubok sa buhay.

The Redeemed Christian Church of Christ Ministry in Cabuyao, Laguna will be celebrating its 17th founding anniversary. W...
18/01/2017

The Redeemed Christian Church of Christ Ministry in Cabuyao, Laguna will be celebrating its 17th founding anniversary. We are inviting everyone who can come on January 29, 2017 at 3:00 PM at the Third floor of Serafin Business Center, Brgy Banlic, Cabuyao City, Laguna.

New worship center of RCCCM Cabuyao.
05/07/2016

New worship center of RCCCM Cabuyao.

13/12/2013

An American blogger based in Nashville lists down his thoughts on how Pope Francis (Time Magazine's "Person of the Year") is a living testament of Jesus’ love and how "He is walking the walk." Musing on probable conversion, Mr. Boeskool writes: "We may have very different theologies and views on som...

"The kingdom of God is defined not as a place for power, popularity and material prosperity but the presence of God in h...
27/11/2013

"The kingdom of God is defined not as a place for power, popularity and material prosperity but the presence of God in humanity. We experience the Kingdom every time we let God rule in our hearts and use our hands to serve others more than our selves."

What is the WAY to the KINGDOM? How do we get there? By knowing the Gospel about Jesus Christ – The KingIn verses 32-34 we see Jesus telling his disciples about what will happen to him. He will go ...

A pastoral leadership forum for every Filipino Pastors, Church Workers and Leaders who desire to rekindle their minister...
15/01/2013

A pastoral leadership forum for every Filipino Pastors, Church Workers and Leaders who desire to rekindle their ministerial passion.

Address

Cabuyao
4025

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Redeemed Christian Church of Christ Ministry (RCCCM) posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share