Diocesan Shrine of San Vicente Ferrer - Mamatid

Diocesan Shrine of San Vicente Ferrer - Mamatid Home of the Miraculous San Vicente Ferrer de Mamatid • Cabuyao, Laguna • Roman Catholic Diocese of San Pablo

26/08/2026
𝐓𝐈𝐌𝐄𝐓𝐄 𝐃𝐄𝐔𝐌 | 𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐋𝐈𝐓𝐀 𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐘𝐎𝐒Tandaan ninyo ito: kung alam lamang ng puno ng sambahayan kung anong oras ng gabi darat...
26/08/2026

𝐓𝐈𝐌𝐄𝐓𝐄 𝐃𝐄𝐔𝐌 | 𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐋𝐈𝐓𝐀 𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐘𝐎𝐒
Tandaan ninyo ito: kung alam lamang ng puno ng sambahayan kung anong oras ng gabi darating ang magnanakaw, siya’y magbabantay at hindi niya pababayaang pasukin ang kanyang bahay. Kaya maging handa kayong lagi, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na di ninyo inaasahan.
_________________
𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗦𝗔 | 1 Corinto 1, 1-9
Ang simula ng unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto
Mula kay Pablo na tinawag ng Diyos upang maging apostol ni Kristo Hesus, at mula sa ating kapatid na Sostenes –
Sa simbahang nasa Corinto – sa mga hinirang ng Diyos upang maging kanya sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Kristo Hesus kasama ng mga hinirang sa lahat ng dako, na tumatawag sa pangalan ng Panginoong Hesukristo, ang Panginoon nating lahat:
Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Hesukristo.
Lagi akong nagpapasalamat sa Diyos dahil sa mga pagpapala niya sa inyo sa pamamagitan ni Kristo Hesus. Sapagkat sa inyong pakikipag-isa sa kanya, kayo’y umunlad sa lahat ng paraan, maging sa pananalita at kaalaman. Ang katotohanang ipinangaral namin tungkol kay Kristo ay malinaw na nakikita sa inyo anupat hindi kayo nagkulang sa anumang kaloob na espirituwal, habang hinihintay ninyong mahayag ang ating Panginoong Hesukristo. Kayo’y aalalayan niya hanggang sa wakas upang matagpuan kayong walang kapintasan sa Araw ng ating Panginoong Hesukristo. Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo upang kayo’y makipag-isa sa kanyang Anak na si Hesukristong ating Panginoon.
Ang Salita ng Diyos.
_________________
𝗦𝗔𝗟𝗠𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗚𝗨𝗡𝗔𝗡 | Salmo 144, 2-3. 4-5. 6-7
Pupurihin ko ang ngalan
ng P**n magpakailanman.
Pupurihin ko’t pasasalamatan ang Diyos araw-araw,
di ako titigil ng pasasalamat magpakailanman.
Dakila ang P**n, at karapat-dapat na siya’y purihin;
ang kadakilaan niya ay mahirap nating unawain.
Pupurihin ko ang ngalan
ng P**n magpakailanman.
Sa alinmang lahi, ang iyong ginawa ay papupurihan,
ihahayag nila ang mga gawa mong makapangyarihan.
Ang karangalan mo at pagkadakila’y ipamamalita,
at isasaysay ko ang mga gawa mo na kahanga-hanga.
Pupurihin ko ang ngalan
ng P**n magpakailanman.
Ang mga gawa mong makapangyariha’y ipamamalita;
sa lahat ng tao’y aking sasabihing ikaw ay dakila.
Ihahayag nila ang lahat ng iyong mga kabutihan,
aawitin nila ang kabutihan mo’t iyong kabaitan.
Pupurihin ko ang ngalan
ng P**n magpakailanman.
ALELUYA
Mateo 24, 42a. 44
Aleluya! Aleluya!
Lagi tayong magtanod
sapagkat di natin talos
ang pagbabalik ni Hesus.
Aleluya! Aleluya!
_________________

𝗠𝗔𝗕𝗨𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔 | Mateo 24, 42-51
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam kung anong araw paririto ang inyong Panginoon. Tandaan ninyo ito: kung alam lamang ng puno ng sambahayan kung anong oras ng gabi darating ang magnanakaw, siya’y magbabantay at hindi niya pababayaang pasukin ang kanyang bahay. Kaya maging handa kayong lagi, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na di ninyo inaasahan.
“Ang tapat at matalinong alipin ang siyang pinapamahala ng kanyang panginoon sa ibang mga alapin, upang bigyan sila ng kanilang pagkain sa karampatang panahon. Mapalad ang aliping iyon, kapag dinatnan siyang gumagawa ng gayun sa pagbabalik ng kanyang panginoon! Sinasabi ko sa inyo: pamamahalain siya ng kanyang panginoon sa lahat ng kanyang ari-arian. Ngunit kung masama ang aliping iyon, sasabihin niya sa sarili, ‘Matatagalan pa bago magbalik ang aking panginoon,’ at sisimulang bugbugin ang kanyang mga kapwa alipin, at makipagkainan at makipag-inuman sa mga lasenggo. Babalik ang panginoon ng aliping iyon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam. Buong higpit na parurusahan siya ng Panginoon, at isasama sa mga mapagpaimbabaw. Doo’y tatangis siya at magngangalit ang kanyang ngipin.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
______________________
VINCENTIUS MEDIA - COMMISSION ON SOCIAL COMMUNICATIONS
Support, Like, and Share our page: https://www.facebook.com/SanVicenteFerrerMamatid

26/08/2026

𝐕𝐈𝐀𝐉𝐄 𝐃𝐄 𝐒𝐀𝐍 𝐕𝐈𝐂𝐄𝐍𝐓𝐄 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐊𝐈𝐋

Sa darating na ika-31 ng Agosto, araw ng Lunes ay dadalaw sa ating Parokya at Dambana ang Mapaghimalang imahen ni San Vicente Ferrer mula sa kaniyang Dambana sa Mamatid, Cabuyao, Laguna, kasamang maglalakbay ng imahen ang mga relikya ng nasabing Santo na mula sa kaniyang buto at alba.

Talaan ng mga gawain para sa Viaje de San Vincente Ferrer

9:00 N.U. - Pagsalubong sa Imahen at Relikya ni San Vicente Ferrer de Mamatid sa Highway (Liceo de Pakil)

9:20 N.U. - Sayaw Pagbati sa Harapan ng Simbahan

9:30 N.U. - Rito ng Pagtanggap

10:00 N.U. - Veneration

1:00 N.H. - Pag-alis ng Imahen at Relikya ni San Vicente Ferrer de Mamatid sa Pakil

Ang lahat ng mga mananampalataya ay inaayayahang makiisa sa gawaing ito.

Viva San Vicente Ferrer de Mamatid!
Turumba, Sa Birhen!

Turumba Media
Social Communications Commission




𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖 𝐍𝐀𝐙𝐀𝐑𝐄𝐍𝐎 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐌𝐀𝐓𝐈𝐃𝗦𝗛𝗥𝗜𝗡𝗘 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗠𝗘𝗥𝗖𝗛𝗔𝗡𝗗𝗜𝗦𝗘Mga ka-Dambana at ka-deboto, narito na ang ating OFFICIAL SHIRT at B...
26/08/2026

𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖 𝐍𝐀𝐙𝐀𝐑𝐄𝐍𝐎 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐌𝐀𝐓𝐈𝐃
𝗦𝗛𝗥𝗜𝗡𝗘 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗠𝗘𝗥𝗖𝗛𝗔𝗡𝗗𝗜𝗦𝗘

Mga ka-Dambana at ka-deboto, narito na ang ating OFFICIAL SHIRT at BANDANA na ating isusuot sa DALAW NAZARENO SA MAMATID na gaganapin sa Setyembre 4–8!

🔥 SPECIAL BUNDLE PRICE: ₱300 na lang kung bibili ng OFFICIAL SHIRT + BANDANA

📍 Paano umorder?
Magkakaroon ng ORDERING BOOTH sa harap ng Simbahan ng Mamatid sa Linggo, Agosto 30, sa lahat ng oras ng Misa.

Para naman sa ating mga kasapi ng CHURCH MINISTRIES, maaari nang magpalista sa inyong mga Ministry Coordinators at magchat sa ating PPC group chat.

Sama-sama nating ipakita ang ating pananampalataya at debosyon bilang paghahanda sa pagdating ng ating minamahal na NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO!

VIVA POONG JESUS NAZARENO! 🙏
𝘛𝘜𝘓𝘖𝘠 𝘗𝘖 𝘒𝘈𝘠𝘖 𝘚𝘈 𝘋𝘈𝘔𝘉𝘈𝘕𝘈 𝘕𝘐 𝘚𝘈𝘕 𝘝𝘐𝘊𝘌𝘕𝘛𝘌 𝘚𝘈 𝘔𝘈𝘔𝘈𝘛𝘐𝘋, 𝘈𝘕𝘎 𝘋𝘈𝘔𝘉𝘈𝘕𝘈𝘕𝘎 𝘏𝘐𝘕𝘈𝘓𝘐𝘒𝘈𝘕 𝘕𝘎 𝘋𝘐𝘠𝘖𝘚! 🖤🤍

𝐓𝐈𝐌𝐄𝐓𝐄 𝐃𝐄𝐔𝐌 | 𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐋𝐈𝐓𝐀 𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐘𝐎𝐒Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ang katulad ninyo’y mga l...
25/08/2026

𝐓𝐈𝐌𝐄𝐓𝐄 𝐃𝐄𝐔𝐌 | 𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐋𝐈𝐓𝐀 𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐘𝐎𝐒
Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ang katulad ninyo’y mga libingang pinaputi, magaganda sa labas, ngunit sa loob ay puno ng kabulukan at buto ng mga patay. Ganyang-ganyan kayo! Sa paningin ng tao’y mabubuti kayo, ngunit ang totoo, punung-puno kayo ng pagpapaimbabaw at kasamaan.
_________________
𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗦𝗔 | 2 Tesalonica 3, 6-10. 16-18
Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Tesalonica
Mga kapatid, iniuutos namin sa inyo sa pangalan ng Panginoong Hesukristo, na layuan ang mga tamad at ayaw mamuhay ayon sa mga tagubilin namin sa inyo. Alam naman ninyo na dapat ninyong tularan ang aming ginawa. Hindi kami nahiyang magtrabaho nang kami’y nariyan pa. Hindi kami tumanggap ng anumang bagay kaninuman nang hindi namin binabayaran. Nagpagal kami araw-gabi upang hindi maging pasanin ng sinuman sa inyo. Ginawa namin ito hindi dahil sa wala kaming karapatang maghintay ng inyong tulong kundi upang kayo’y bigyan ng halimbawang dapat sundan. Nang kasama pa namin kayo, ito ang tagubiling ibinigay namin sa inyo: “Huwag ninyong pakanin ang sinumang ayaw gumawa.”
Ang Panginoon na bukal ng kapayapaan ang siya nawang magkaloob sa inyo ng kapayapaan sa lahat ng pagkakataon. Nawa’y sumainyong lahat ang Panginoon.
Akong si Pablo ang sumulat ng pagbating ito: Binabati ko kayo. Ito ang aking lagda sa lahat ng sulat ko. Ganito ako sumulat.
Nawa’y sumainyong lahat ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo.
Ang Salita ng Diyos.
_________________
𝗦𝗔𝗟𝗠𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗚𝗨𝗡𝗔𝗡 | Salmo 127, 1-2. 4-5
Mapalad ang sumusunod
na taong may takot sa D’yos.
Mapalad ang bawat tao na sa Diyos ay may takot,
ang maalab na adhika’y sumunod sa kanyang utos.
Hindi siya magkukulang sa anumang kailangan,
ang buhay ay maligaya’t uunlad ang kanyang buhay.
Mapalad ang sumusunod
na taong may takot sa D’yos.
Ang sinuman kung ang Diyos buong pusong susundin,
buhay niya ay uunlad at laging pagpapalain.
Mula sa Sion, pagpapala nawa ng Diyos ay tanggapin,
at makita habang buhay, pag-unlad ng Jerusalem.
Mapalad ang sumusunod
na taong may takot sa D’yos.
ALELUYA
1 Juan 2, 5
Aleluya! Aleluya!
Lubos na magtatamasa
ng pag-ibig ng D’yos Ama
ang sumunod sa Anak n’ya.
Aleluya! Aleluya!
_________________

𝗠𝗔𝗕𝗨𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔 | Mateo 23, 27-32
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ang katulad ninyo’y mga libingang pinaputi, magaganda sa labas, ngunit sa loob ay puno ng kabulukan at buto ng mga patay. Ganyang-ganyan kayo! Sa paningin ng tao’y mabubuti kayo, ngunit ang totoo, punung-puno kayo ng pagpapaimbabaw at kasamaan.
“Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ipinagtatayo ninyo ng mga libingan ang mga propeta at ginagayakan ang mga puntod ng mga taong namuhay nang matuwid. At sinasabi ninyo, ‘Kung kami sana’y nabuhay sa kapanahunan ng aming mga ninuno, hindi namin ipapapatay ang mga propeta.’ Sa sinabi ninyong iyan, inaamin ninyong kayo’y mga anak ng mga nagpapatay sa mga propeta! Sige! Tapusin ninyo ang pinasimulan ng inyong mga ninuno!”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
______________________
VINCENTIUS MEDIA - COMMISSION ON SOCIAL COMMUNICATIONS
Support, Like, and Share our page: https://www.facebook.com/SanVicenteFerrerMamatid

𝐓𝐈𝐌𝐄𝐓𝐄 𝐃𝐄𝐔𝐌 | 𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐋𝐈𝐓𝐀 𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐘𝐎𝐒Nililinis ninyo ang labas ng tasa at ng pinggan ngunit ang loob nito’y puno ng mga nahu...
24/08/2026

𝐓𝐈𝐌𝐄𝐓𝐄 𝐃𝐄𝐔𝐌 | 𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐋𝐈𝐓𝐀 𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐘𝐎𝐒
Nililinis ninyo ang labas ng tasa at ng pinggan ngunit ang loob nito’y puno ng mga nahuthot ninyo dahil sa kasakiman at pagsasamantala. Bulag na Pariseo! Linisin mo muna ang mga nasa loob ng tasa at ng pinggan, at magiging malinis din ang labas nito!
_________________
𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗦𝗔 | 2 Tesalonica 2, 1-3a. 14-17
Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Tesalonica
Tungkol naman sa pagparito ng ating Panginoong Hesukristo at sa pagtitipon niya sa atin, ipinamamanhik namin sa inyo, mga kapatid, na huwag kayong magugulat agad o mababahala sa balitang dumating na ang Araw ng Panginoon. Huwag kayong maniniwala kahit sabihin nilang ito’y hula o pahayag, o kaya’y sulat na galing sa amin o sa anumang paraan, huwag kayong padadaya kaninuman.
Tinawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahayag namin sa inyo upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Hesukristo. Kaya nga, mga kapatid, manatili kayong matatag sa mga katotohanang itinuro namin sa inyo, maging sa salita o sa sulat.
Aliwin nawa kayo ng ating Panginoong Hesukristo at ng ating Diyos at Ama na umibig sa atin at sa kanyang habag ay nagbigay sa atin ng walang pagbabagong lakas ng loob at matibay na pag-asa. Bigyan nawa kayo ng matatag na kalooban upang inyong maipahayag at maisagawa ang lahat ng mabuti.
Ang Salita ng Diyos.
_________________
𝗦𝗔𝗟𝗠𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗚𝗨𝗡𝗔𝗡 | Salmo 95, 10. 11-12a. 12b-13
Panginoo’y paririto
upang hatulan n’ya tayo.
“Panginoo’y siyang hari,” sa daigdig ay sabihin,
“sanlibuta’y matatag na, kahit ito ay ugain;
sa paghatol sa nilikha, lahat ay pantay sa paningin.”
Panginoo’y paririto
upang hatulan n’ya tayo.
Lupa’t langit ay magsaya, umugong ang kalaliman,
lahat kayo na nilikhang nasa tubig ay magdiwang.
Ang bukirin at ang lahat ng naroon ay sumisigaw.
Panginoo’y paririto
upang hatulan n’ya tayo.
Pati mga punongkahoy sa galak ay mag-awitan.
Ang P**n ay pupurihin, pagkat siya ay daratal,
paririto sa daigdig, upang lahat ay hatulan.
Tapat siya kung humatol at lahat ay pantay-pantay.
Panginoo’y paririto
upang hatulan n’ya tayo.
ALELUYA
Hebreo 4, 12
Aleluya! Aleluya!
Buhay ang salita ng D’yos,
ganap nitong natatalos
tanang ating niloloob.
Aleluya! Aleluya!
_________________

𝗠𝗔𝗕𝗨𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔 | Mateo 23, 23-26
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ibinibigay ninyo ang ikapu ng gulaying walang halaga ngunit kinaliligtaan ninyong isagawa ang lalong mahahalagang aral sa Kautusan: ang katarungan, ang pagkahabag, at ang katapatan. Tamang gawin ninyo ang mga ito, ngunit huwag naman ninyo kaliligtaang gawin ang iba. Mga bulag na taga-akay! Sinasala ninyo ang niknik sa inyong inumin, ngunit nilulunok ninyo ang kamelyo!
“Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Nililinis ninyo ang labas ng tasa at ng pinggan ngunit ang loob nito’y puno ng mga nahuthot ninyo dahil sa kasakiman at pagsasamantala. Bulag na Pariseo! Linisin mo muna ang mga nasa loob ng tasa at ng pinggan, at magiging malinis din ang labas nito!”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
______________________
VINCENTIUS MEDIA - COMMISSION ON SOCIAL COMMUNICATIONS
Support, Like, and Share our page: https://www.facebook.com/SanVicenteFerrerMamatid

24/08/2026

𝗩𝗜𝗔𝗝𝗘 𝗡𝗔! | Tara na’t ating salubungin si 𝗦𝗮𝗻 𝗩𝗶𝗰𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗙𝗲𝗿𝗿𝗲𝗿 𝗱𝗲 𝗠𝗮𝗺𝗮𝘁𝗶𝗱 kasama ang kaniyang mga deboto at mga peregrino mula pa sa Diocesan Shrine and Parish of San Vicente Ferrer, Mamatid, Cabuyao City para sa isang espesyal na Viaje de San Vicente Ferrer sa ating Parokya sa darating na 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼 31, 2026.

2:00 𝗻.𝗵. – Rito ng Pagsalubong
(𝑀𝓊𝓁𝒶 𝐵𝒶𝓎𝒶𝓃𝒾𝒽𝒶𝓃 𝐵𝒶𝓃𝓀 𝓅𝒶𝓉𝓊𝓃𝑔𝑜𝓃𝑔 𝓈𝒾𝓂𝒷𝒶𝒽𝒶𝓃 𝓋𝒾𝒶 𝐼𝓈𝓁𝒶-𝒜𝓃𝓃𝑒𝓍, 𝐿𝒾𝓌𝒶𝓃𝒶𝑔 𝒮𝓉𝓇𝑒𝑒𝓉 𝒶𝓉 𝒩𝒶𝓉𝒾𝓋𝒾𝒹𝒶𝒹 𝒮𝓉𝓇𝑒𝑒𝓉)
4:00 𝗻.𝗵. – Pagdarasal ng Santo Rosaryo at Nobenaryo
5:00 𝗻.𝗵. – Ikalawang Araw ng Misa Novenario alay sa Karangalan ng ating Patrona - La Natividad de Nuestra Señora
Tagapagdiwang: 𝗥𝗘𝗩. 𝗙𝗥. 𝗚𝗢𝗠𝗘𝗥 𝗥. 𝗧𝗢𝗥𝗥𝗘𝗦, 𝗦𝗧𝗵𝗟
𝙎𝙝𝙧𝙞𝙣𝙚 𝙍𝙚𝙘𝙩𝙤𝙧 𝙖𝙣𝙙 𝙋𝙖𝙧𝙞𝙨𝙝 𝙋𝙧𝙞𝙚𝙨𝙩
Diocesan Shrine and Parish of San Vicente Ferrer
Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna
6:00 n.g. – Banal na Prusisyon kasama si San Vicente Ferrer de Mamatid, ating Patrona - La Natividad de Nuestra Señora, at Pintakasing Nuestra Señora de la O at Santo Niño de la O)
(𝒢𝓊𝒶𝓁𝒷𝑒𝓇𝓉𝑜 𝑅𝑜𝒶𝒹 – 𝒩𝒶𝓉𝒾𝑜𝓃𝒶𝓁 𝑅𝑜𝒶𝒹 – 𝒮𝒶𝓃 𝒥𝑜𝓈𝑒 𝒮𝓉𝓇𝑒𝑒𝓉 –
𝒢𝒶𝓁𝒾𝓁𝑒𝒶 – 𝒩𝒶𝓉𝒾𝓋𝒾𝒹𝒶𝒹 𝒮𝓉𝓇𝑒𝑒𝓉)

𝐕𝐈𝐀𝐉𝐄 𝐃𝐄 𝐒𝐀𝐍 𝐕𝐈𝐂𝐄𝐍𝐓𝐄 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐊𝐈𝐋 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐈𝐋Agosto 31, 2026 | Lunes | HolidayMga ka-deboto at peregrino ni San Vicente Ferrer...
24/08/2026

𝐕𝐈𝐀𝐉𝐄 𝐃𝐄 𝐒𝐀𝐍 𝐕𝐈𝐂𝐄𝐍𝐓𝐄 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐊𝐈𝐋 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐈𝐋
Agosto 31, 2026 | Lunes | Holiday

Mga ka-deboto at peregrino ni San Vicente Ferrer de Mamatid, handa na ba kayo sa ating Viaje de San Vicente?

Sa darating na Agosto 31, sama-sama tayong maglalakbay bilang isang pamayanang deboto tungo sa dalawang makasaysayang simbahan sa Laguna: ang Dambana ng Birhen ng Turumba sa Pakil, Laguna at ang Simbahan ng Birhen ng De La O sa Pangil, Laguna.

Sa mga nais sumama na may sasakyan, mangyaring magpalista na sa Parish Office. Para naman sa mga walang sariling sasakyan, mayroong inilaang van ang simbahan, kaya't magpalista agad upang makapag-reserve ng inyong slot.

Tara na! Sama-sama nating ipakilala ang ating Mahal na Lolo Enteng!
VIAJE NA! VIVA SAN VICENTE FERRER DE MAMATID!

𝐓𝐈𝐌𝐄𝐓𝐄 𝐃𝐄𝐔𝐌 | 𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐋𝐈𝐓𝐀 𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐘𝐎𝐒Tandaan ninyo: makikita ninyong bukas ang langit, at ang mga anghel ng Diyos ay manhik-...
23/08/2026

𝐓𝐈𝐌𝐄𝐓𝐄 𝐃𝐄𝐔𝐌 | 𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐋𝐈𝐓𝐀 𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐘𝐎𝐒
Tandaan ninyo: makikita ninyong bukas ang langit, at ang mga anghel ng Diyos ay manhik-manaog sa kinaroroonan ng Anak ng Tao!
_________________
𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗦𝗔 | Pahayag 21, 9b-14
Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag
Wika ng anghel sa akin, “Halika, at ipakikita ko sa iyo ang Babaing makakaisang-dibdib ng Kordero.” Nilukuban ako ng Espiritu, at inihatid ako ng anghel sa ibabaw ng isang napakataas na bundok. Ipinakita niya sa akin ang Jerusalem, ang Banal ng Lungsod, na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos. Nagliliwanag ito dahil sa kaningningan ng Diyos; kumikislap na gaya ng hiyas na haspeng sinlinaw ng kristal. Ang pader nito’y makapal at mataas at may labindalawang pinto, bawat isa’y may bantay na anghel. Nakasulat sa mga pinto ang pangalan ng labindalawang lipi ng Israel. Tatlo ang pinto ng bawat panig: tatlo sa silangan, tatlo sa timog, tatlo sa hilaga, at tatlo sa kanluran. Ang pader ng lungsod ay may labindalawang saligang-bato at nakasulat dito ang pangalan ng labindalawang apostol ng Kordero.
Ang Salita ng Diyos.
_________________
𝗦𝗔𝗟𝗠𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗚𝗨𝗡𝗔𝗡 | Salmo 144, 10-11. 12-13ab. 17-18
Talastas ng mga tao
dakilang paghahari mo.
Magpupuring lahat sa iyo, O Panginoon, ang iyong nilalang;
lahat mong nilikha ay pupurihin ka’t pasasalamatan.
Babanggitin nilang tunay na dakila ang ‘yong kaharian,
at ibababalitang tunay kang dakila’t makapangyarihan.
Talastas ng mga tao
dakilang paghahari mo.
Dakila mong gawa’y upang matalastas ng lahat ng tao,
mababatid nila ang kadikalaan ng paghahari mo.
Ang paghahari mo’y sadyang walang hanggan, hindi magbabago.
Talastas ng mga tao
dakilang paghahari mo.
Matuwid ang Diyos sa lahat ng bagay niyang ginagawa;
kahit anong gawin ay kalakip doon ang habag at awa.
Siya’y nakikinig at handang tumulong sa lahat ng tao
sa sinumang taong pagtawag sa kanya’y tapat at totoo.
Talastas ng mga tao
dakilang paghahari mo.
ALELUYA
Juan 1, 49b
Aleluya! Aleluya!
G**o, Anak na Butihin
ng Diyos Amang masintahin,
ika’y hari ng Israel.
Aleluya! Aleluya!
_________________

𝗠𝗔𝗕𝗨𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔 | Juan 1, 45-51
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Noong panahong iyon, hinanap ni Felipe si Natanael, at sinabi rito, “Natagpuan namin si Hesus na taga-Nazaret, ang anak ni Jose. Siya ang tinutukoy ni Moises sa kanyang sinulat sa Kautusan, at gayun din ng mga propeta.” “May magmumula bang mabuti sa Nazaret?” Tanong ni Natanael. Sumagot si Felipe, “Halika’t tingnan mo.”
Nang malapit na si Natanael ay sinabi ni Hesus, “Masdan ninyo ang isang tunay na Israelita; siya’y hindi magdaraya!” Tinanong siya ni Natanael, “Paano ninyo ako nakilala?” Sumagot si Hesus, “Bago ka pa tawagin ni Felipe, nakita na kita nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos.” “Rabi, kayo po ang Anak ng Diyos! Kayo ang Hari ng Israel!” wika ni Natanael. Sinabi ni Hesus, “nanampalataya ka ba dahil sa sinabi ko sa iyong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos? Makakikita ka ng mga bagay na higit kaysa rito!” At sinabi niya sa lahat, “Tandaan ninyo: makikita ninyong bukas ang langit, at ang mga anghel ng Diyos ay manhik-manaog sa kinaroroonan ng Anak ng Tao!”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
______________________
VINCENTIUS MEDIA - COMMISSION ON SOCIAL COMMUNICATIONS
Support, Like, and Share our page: https://www.facebook.com/SanVicenteFerrerMamatid

23/08/2026

LIVE MASS •Twenty-first Sunday in Ordinary Time• August 23, 2026

Diocese of San Pablo
Diocesan Shrine of San Vicente Ferrer
Brgy. Mamatid, City of Cabuyao, Laguna
Support, like, and share our page:
https://www.facebook.com/SanVicenteFerrerMamatid

Address

Mamatid Road , Mamatid
Cabuyao
4025

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Diocesan Shrine of San Vicente Ferrer - Mamatid posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Diocesan Shrine of San Vicente Ferrer - Mamatid:

Shortcuts

Share