07/02/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Diocesan Shrine of San Vicente Ferrer - Mamatid
Mula pa noon ay magkasabay nang pinararangalan ang dalawang mahalagang patron ng Nayon ng Mamatid: si San Vicente Ferrer de Mamatid, na may pagmamahal na tinatawag ng mga deboto bilang Lolo Enteng, at ang Mahal na Birhen ng Nuestra Seรฑora del Rosario de Mamatid.
Batay sa mga sinaunang tala, pagsusuri ng mga imahen, at mga lumang larawan at salaysay na naipapasa sa bawat henerasyon, makikita na magkatuwang na sa debosyon ang dalawang banal na imaheng ito sa loob ng mahabang panahon.
Ang imahen ni Lolo Enteng ay tinatayang may mahigit dalawang daang (200) taon na ang tanda, isang patunay ng malalim at matibay na ugat ng debosyon kay San Vicente Ferrer sa Mamatid. Samantala, ang Mahal na Birhen ng Del Rosario ay tinatayang may mahigit isang daang (100) taon na ring ginagalang at minamahal ng mga mamamayan.
Sa kasalukuyan, bukod sa Parokya ni San Policarpo, tanging sa Mamatid lang mayroong dalawang garing na imahen ang nakadambana sa simbahan dito sa Cabuyao. Karamihan ng mga orihinal at garing na imahen sa mga karatig barangay ay nawala na o di kaya'y napunta na sa mga pribadong pag-mamay-ari.
Hindi lamang sila mga imahen ng garing at pintura, kundi buhay na saksi sa kasaysayan ng pananampalataya ng Mamatid, mula sa panahon ng mga ninuno, sa mga unos at pagsubok ng nayon, hanggang sa patuloy na paglalakbay ng Simbahan sa kasalukuyan.
Sa kanilang presensya, hinubog ang pagkakakilanlan ng nayon bilang isang pamayanang nakaugat sa panalangin, rosaryo, at tiwala sa Diyos.
Kayaโt bilang mga tagapagmana ng mayamang espiritwal at kultural na pamana ng Mamatid, inaanyayahan tayong pangalagaan, igalang, at ipagmalaki ang ating dalawang patronโang natatanging yaman ng ating nayon, ang ating gabay at tanglaw sa araw-araw.
Viva Nuestra Senora del Rosario de Mamatid,
Viva La Virgen de Mamatid!
Viva San Vicente Ferrer de Mamatid, Viva!