Nuestra Señora del Rosario de Mamatid

Nuestra Señora del Rosario de Mamatid Ang antigong garing na imahen ng Mahal na Birhen na kasa-kasama ng milagrosong San Vicente Ferrer de Mamatid sa kanyang simbahan mula pa noong unang panahon.

29/05/2026

𝐅𝐋𝐎𝐑𝐄𝐒 𝐃𝐄 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔
𝘛𝘢𝘱𝘶𝘴𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘍𝘭𝘰𝘳𝘦𝘴 𝘥𝘦 𝘔𝘢𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘔𝘢𝘮𝘢𝘵𝘪𝘥

Halina, mag-alay ng bulaklak at magbigay pugay sa nag-iisang marikit at mahalimuyak na bulaklak ng kalangitan, ang Mahal na Birheng Maria, ang Birhen ng Del Rosario ng Mamatid.

Sa pagtatapos ng ating Flores de Mayo, narito ang mga gawain sa Sabado, ika-30 ng Mayo. Samahan natin ang mga naggagandahang Reyna sa kanilang pagpaparangal sa Mahal na Birhen!

Tara na sa Mamatid! Viva Nuestra Señora del Rosario de Mamatid!

18/05/2026
𝐕𝐈𝐕𝐀 𝐋𝐀 𝐕𝐈𝐑𝐆𝐄𝐍 𝐃𝐄 𝐌𝐀𝐌𝐀𝐓𝐈𝐃!Bilang pagpapatuloy ng ating pagpapakilala sa ating marikit na Segunda Patrona, ang Mahal na B...
11/05/2026

𝐕𝐈𝐕𝐀 𝐋𝐀 𝐕𝐈𝐑𝐆𝐄𝐍 𝐃𝐄 𝐌𝐀𝐌𝐀𝐓𝐈𝐃!

Bilang pagpapatuloy ng ating pagpapakilala sa ating marikit na Segunda Patrona, ang Mahal na Birhen Del Rosario, ikinagagalak po naming ianunsyo na siya ay lalahok sa GRAND MARIAN PROCESSION ng Our Lady of Fatima Parish - Lawa.

Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa at samahan ang ating Mahal na Ina sa banal na pagdiriwang na ito.

Magkita-kita na po tayo sa PUNTA COVERED COURT ng Brgy. Lawa ngayong ika-12 ng Mayo, sa ganap na 3:30 ng hapon para sa assembly.

Hinihiling din po namin ang pagsusuot ng kulay light blue na kasuotan bilang tanda ng ating pagkakaisa at debosyon sa Mahal na Birhen Del Rosario.

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗖𝗔𝗥𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗥𝗛𝗘𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗠𝗔𝗧𝗜𝗗Sa pagsapit ng Buwan ng Mayo, ang buwan ng Flores de Maria, muli nating mas...
30/04/2026

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗖𝗔𝗥𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗥𝗛𝗘𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗠𝗔𝗧𝗜𝗗

Sa pagsapit ng Buwan ng Mayo, ang buwan ng Flores de Maria, muli nating masisilayan ang ating mahal na Segunda Patrona, ang Nuestra Señora del Rosario de Mamatid bilang ating Birheng Festejada.

Sa ating paghahanda, buong pusong nag-alay ng kanyang talento at panahon ang isang pintor upang lalong pagandahin at buhayin ang marikit na mukha ng ating Mahal na Birhen at ng Niño Hesus. Ang naunang pinta na gawa din sa pinturang langis, bagamat kahanga-hanga, ay kumupas na sa paglipas ng panahon kaya’t kinakailangan nang isaayos.

Sa pangunguna ng Shrine Council at sa mabuting kalooban ng pintor na kusang loob na nagsabi sa kanyang pagnanais na pintahan ang Birhen, naisakatuparan ang maingat na pagpapanumbalik at pag-aayos ng banal na imahen.

Isang taos-pusong pasasalamat po sa pintor na ito na tumangging ibigay ang pagkakakilanlan. Mula po sa amin dito sa Dambana ni San Vicente Ferrer, kaisa ang ating kura paroko at buong sambayanan, nagpapasalamat po kami para sa alay-sining na ito na muling nagbibigay ningning sa ating debosyon.

Viva la Virgen de Mamatid!
Mabuhay ang Birhen ng Del Rosario ng Mamatid!

𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐓𝐑𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐘𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐌𝐀𝐓𝐈𝐃 Diocesan Shrine of San Vicente Ferrer - MamatidMula pa noon ay magkasabay nang pinar...
07/02/2026

𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐓𝐑𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐘𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐌𝐀𝐓𝐈𝐃
Diocesan Shrine of San Vicente Ferrer - Mamatid

Mula pa noon ay magkasabay nang pinararangalan ang dalawang mahalagang patron ng Nayon ng Mamatid: si San Vicente Ferrer de Mamatid, na may pagmamahal na tinatawag ng mga deboto bilang Lolo Enteng, at ang Mahal na Birhen ng Nuestra Señora del Rosario de Mamatid.

Batay sa mga sinaunang tala, pagsusuri ng mga imahen, at mga lumang larawan at salaysay na naipapasa sa bawat henerasyon, makikita na magkatuwang na sa debosyon ang dalawang banal na imaheng ito sa loob ng mahabang panahon.

Ang imahen ni Lolo Enteng ay tinatayang may mahigit dalawang daang (200) taon na ang tanda, isang patunay ng malalim at matibay na ugat ng debosyon kay San Vicente Ferrer sa Mamatid. Samantala, ang Mahal na Birhen ng Del Rosario ay tinatayang may mahigit isang daang (100) taon na ring ginagalang at minamahal ng mga mamamayan.

Sa kasalukuyan, bukod sa Parokya ni San Policarpo, tanging sa Mamatid lang mayroong dalawang garing na imahen ang nakadambana sa simbahan dito sa Cabuyao. Karamihan ng mga orihinal at garing na imahen sa mga karatig barangay ay nawala na o di kaya'y napunta na sa mga pribadong pag-mamay-ari.

Hindi lamang sila mga imahen ng garing at pintura, kundi buhay na saksi sa kasaysayan ng pananampalataya ng Mamatid, mula sa panahon ng mga ninuno, sa mga unos at pagsubok ng nayon, hanggang sa patuloy na paglalakbay ng Simbahan sa kasalukuyan.

Sa kanilang presensya, hinubog ang pagkakakilanlan ng nayon bilang isang pamayanang nakaugat sa panalangin, rosaryo, at tiwala sa Diyos.

Kaya’t bilang mga tagapagmana ng mayamang espiritwal at kultural na pamana ng Mamatid, inaanyayahan tayong pangalagaan, igalang, at ipagmalaki ang ating dalawang patron—ang natatanging yaman ng ating nayon, ang ating gabay at tanglaw sa araw-araw.

Viva Nuestra Senora del Rosario de Mamatid,
Viva La Virgen de Mamatid!
Viva San Vicente Ferrer de Mamatid, Viva!

23/12/2025
16/12/2025
Viva La Virgen de Mamatid! Magkita-kita po tayo mamaya!
29/10/2025

Viva La Virgen de Mamatid! Magkita-kita po tayo mamaya!

𝗩𝗜𝗔𝗝𝗘 𝗱𝗲 𝗦𝗔𝗡 𝗩𝗜𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘 𝘆 𝗟𝗔 𝗩𝗜𝗥𝗚𝗘𝗡
Ang Pagdalaw nina San Vicente Ferrer de Mamatid at Nuestra Señora del Rosario — La Virgen de Mamatid sa Baclaran Church

Mga kadeboto at kadambana, samahan natin ang ating mga patron sa kanilang paglalakbay sa Oktubre 29 (Miyerkules), magaganap ang VIAJE DE SAN VICENTE Y LA VIRGEN sa National Shrine of Our Lady of Perpetual Help (Baclaran Church).

Sa kauna-unahang pagkakataon, lalabas na magkasama ang dalawang orihinal na imahen ng ating mga patron - ang Milagrosong San Vicente Ferrer de Mamatid at ang pinakamamahal nating Ina, Nuestra Señora del Rosario de Mamatid.

Halina’t samahan natin sila sa kanilang paglalakbay. Sama-sama nating ipalaganap ang debosyon at ang himala at pagpapala ng Diyos sa pamamagitan ng pamimintuho sa ating mga patron.

25/10/2025

𝗩𝗜𝗔𝗝𝗘 𝗱𝗲 𝗦𝗔𝗡 𝗩𝗜𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘 𝘆 𝗟𝗔 𝗩𝗜𝗥𝗚𝗘𝗡
Ang Pagdalaw nina San Vicente Ferrer de Mamatid at Nuestra Señora del Rosario — La Virgen de Mamatid sa Baclaran Church

Mga kadeboto at kadambana, samahan natin ang ating mga patron sa kanilang paglalakbay sa Oktubre 29 (Miyerkules), magaganap ang VIAJE DE SAN VICENTE Y LA VIRGEN sa National Shrine of Our Lady of Perpetual Help (Baclaran Church).

Sa kauna-unahang pagkakataon, lalabas na magkasama ang dalawang orihinal na imahen ng ating mga patron - ang Milagrosong San Vicente Ferrer de Mamatid at ang pinakamamahal nating Ina, Nuestra Señora del Rosario de Mamatid.

Halina’t samahan natin sila sa kanilang paglalakbay. Sama-sama nating ipalaganap ang debosyon at ang himala at pagpapala ng Diyos sa pamamagitan ng pamimintuho sa ating mga patron.

Address

Cabuyao
4025

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nuestra Señora del Rosario de Mamatid posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share