03/11/2025
MASAMA BA AT MALI ANG MAKINIG AT KUMUHA NG KAALAMAN MULA SA HINDI KAPANANAMPALATAYA?
MAY MGA IBAT-IBANG OPENYON ANG BAWAT ISA NA KAILANGAN DIN IRESPITO.
Bakit maraming mga kaanib ng SDA ang nagaalala ngayon dahil sa may none SDA na invited ng AIIAS para sa isang Colloquium may kinalaman sa textual criticism?
Ayon sa paniniwala ng ilan, ito ay isang maling pasiya, ang dapat lang diumano na magturo ay mga galing din sa loob ng SDA Church. Ang sabi naman ng iba ay nakikiinom na daw sa alak ng pakikiapid, kaya itinuturing nila ito na pakikibahagi
sa Salot! Ang mga ganitong damdamin ay dapat din respituhin, magbibigay lang ako ng ipang information mula sa aking mga natutunan mula sa history ng ating Iglesia.
Kaya ko ito gagawin para kahit paano ay malatulong upang maging balanse ang pananaw ng bawat isa.
Narito ang ilang halimbawa hango sa history ng SDA Church. Kukuha lamang tayo ng ilan sa halimbawa hango sa history kung paano lumago sa kaalaman ang ating mga pioneer kasama na ang mga founder.
Paano ba nagsimula at paano natatag ang pananampalatayang Adventista?
Kung babalikan natin ang pasimula ng SDA, ang mga pioneer natin ay nagmula sa ibat-ibang pananampalataya at karamihan ay galing sa Christian Connection. Kung ating babalikan ang mga paraan na ginawa ng ating mga founder kasama na ang ibang pioneer ay hayagan na sila ay nagkaroon ng kaalaman mula sa ibang pananampalataya.
Bakit?
Dahil marami silang binabasang book na galing sa ibat-ibang denomination.
PAANO NATIN NASABI?
UNAHIN NATIN MISMO SI EGW:
Inaamin ng GC noon paman na si Mrs White ay napatunayan na nagkaroon ng mga pangongopya ng mga termino mula sa ibang aklat at ang mga words na ito ay masusumpungan pangunahin sa aklat na Desire of Ages maging sa ibang books na sinulat nya. Bagaman hindi ito maituturing na plagiarism dahil tanging mga term lang ang ginaya nya subalit malinaw na nakikita na nagbabasa mismo siya ng ibat-ibang aklat sa kabila na nakakakita naman siya ng mga pangitain mula mismo sa Dios.
Ang tanong ay, bakit naging bukas ang isipan niya para sa kaalaman mula sa ibang pananampalataya? Pwede ba natin sabihin na nagkamali siya dahil sa ginawa nyang iyon?
MAY KATUNAYAN BA NA GINAWA NGA NIYA ITO?
Narito ang mga impormasyong hango sa Encyclopedia of Seventh-day Adventist.
Ayon sa pagsusuri ni Dr. Fred Veltman napakaraming salita sa aklat na Desire of Ages ang may mga termino na ginamit galing sa ibang aklat. Isa din ito sa dahilan kung kaya siya ay inakusahan ng plagiarism.
At hanggang ngayon ay ginagamit ito ng ibang secta para tuligsain si EGW, Subalit hindi napatunayan na si EGW ay Plagiarist dahil wala pang kaso ng Plagiarism sa panahong iyon subalit hindi maitatanggi na nagkaroon nga ng pangongopya ng ganoong salita ayon sa kasaysayan.
Sa madaling salita isa siyang masigasig na nagbabasa ng aklat na galing sa ibang pananampalataya. Subalit dapat din natin i konsidera na sa panahong iyon ay nagsasaliksik palang sila hindi kagaya ngayon na mayroon na tayong 28 fundamental beliefs.
Ayon nga mismo sa General Conference noong 1981. Ay napatunayan na si Ellen White ay gumamit nga ng ibang literary sources galing ibang secta at ito ay hindi itinatago ng SDA Church.
Ganoon paman ayon sa mga leader ng SDA ang kanyang paggamit ng mga sources ay hindi nakabawas sa kanyang inspirasyon o awtoridad bilang propeta ng Iglesia. At lalong hindi natin sinasabi na kinuha natin ang ating doctrina galing sa iba kundi naging bahagi lang ito ng paglago ng liwanag sa bayan ng Dios.
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng mga source na ginamit ni EGW:
William Hanna โ The Life of Christ
John Harris,
Daniel March, at iba pang 19th-century Christian authors.
ANO ANG LAYUNIN NI EGW BAKIT NIYA GINAWA ITO?
SAGOT:
Ginamit niya ang mga terms o descriptions ng ibang manunulat upang mas malinaw o mas epektibong maipahayag ang ipinakita sa kanya ng Panginoon sa pangitain. Samakatuwid kailangan nya na kaalaman mula sa ibang mga manunulat upang may matutunan. Kaya hindi ito itinuring na Plagiarism dahil hindi nya inangkin na siya ang original na gumamit ng mga termino, manapa ay kailangan lang nya ng mga tamang salita at ang nakatulong sa kanya ay ang mga taong may ibang paniniwala. Itinutulad nila ito sa mga halimbawa sa Bibliya, kung saan ang ilang manunulat ng kasulatan ay gumagamit din ng naunang mga teksto o kasaysayan.
Halimbawa: Ang 4 Gospel. Si Juan na sumulat ng Apocalipsis ay kumuha ng mga termino galing sa Old Testament. Kaya hindi ito itinuturing na isang pagkakamali.
PANGALAWA:
JUSTIFICATION BY FAITH.
Ang justification by faith ay isa sa pangunahing aral ni Martin Luther. Naniniwala siya na ang tao ay maliligtas hindi sa pamamagitan ng mabubuting gawa kundi sa pananampalataya kay Jesucristo. Ganito rin ang paniniwala ng SDA โ na ang kaligtasan ay sa biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya.
Malaki ang impluwensya ni Martin Luther sa SDA tungkol sa aral na ito. Mababasa ang paniniwalang ito ng SDA sa aklat na Question on Doctrine at sa Fundamental Beliefs of SDA.
Bagaman hindi katulad na katulad subalit malaki ang pagkalahawig nito.
PANGATLO:
TRINITY:
Si Samuel T. Spear. Hindi siya SDA kundi isa siyang Presbyterian minister at isang kilalang tagapagtanggol ng Trinitarian theology noong ika-19 na siglo.
Sumulat siya ng isang artikulo na pinamagatang "The Subordination of Christ", na inilathala sa The New York Independent noong 1889.
Ano ang koneksyon niya sa SDA?
Ang artikulo ni Spear ay muling inilathala ng Review and Herald ang pangunahing SDA publishing house noong 1892.
Ito ay remarkable, dahil noong panahong iyon, karamihan sa mga SDA pioneers ay hindi pa Trinitarian. Kaya ang paglalathala ng isang Trinitarian article ay isang makabuluhang hakbang. Nangangahulugan din na sa taong iyon ay naniniwala na ang SDA Church tungkol sa TRINITY hindi kagaya ng bintang ng mga antitrinitatian Adventist ngayon.
TANONG:
Bakit ito pinayagan ng pamunuan?
SAGOT:
Ang artikulo ni Spear ay nagpapakita ng Trinitarian view na nagpapaliwanag ng pagka-Diyos ni Cristo. Tandaan na ang dahilan kung bakit ayaw tanggapin ang Trinity ng mga pionners noon ay dahil ayon sa kanila si Cristo ay isang created being lang at walang pre existence. Subalit ang book ni Samuel Spear ay malaki ang naitulong kaya dumating sa tamang pagkaunawa ang mga SDA pioneers tungkol sa pagiging Dios ni Cristo. Bagaman hindi kinopya as is ng SDA ang lahat ng paliwanag ni Spear subalit hindi maitatanggi ang katotohanan na HINDI MASAMA ang makakuha ng kaalaman mula sa ibang denomination.
Kaya bahagi ng kasaysayan ng SDA na ang mga pioneer noon ay pinahintulutan si Samuel T. Spear na bagaman hindi Adventist ay pinayagang mailathala ang kanyang isinulat sa SDA publishing (Review and Herald) noong 1892.
HAYAG ANG KANYANG GINAWA NA
Bagamat hindi siya regular na author sa loob ng iglesia, ang kanyang isinulat ay may malaking teolohikal na impluwensiya sa SDA kaya nagkaroon ng liwanag ang tungkol sa Trinity. Kaya nga hindi totoo na kinopya natin galing sa Catholic ang TRINY kundi may bahagi ang book ni Samuel T. Spear.
SI AUGUSTUS H. STRONG:
Si Augustus H. Strong ay isang Baptist theologian at may-akda ng Systematic Theology (1907).
Alam nyo ba na ang kanyang mga sulat ay ginamit ng mga Adventist theologians tulad nina Leroy Froom bilang bahagi ng kanilang sariling research?
HINDI MAIKAKAILA NA malaki ang naitulong niya sa pagkaunawa ng SDA sa ontological at economic Trinity.
Subalit hindi nangangahulugan na galing sa kanila ang aral na pinanghahawakan ng SDA ngayon. Tanging naging kasanguni lang nila ang mga sinulat nila.
SI BENJAMIN B. WARFIELD
Si Benjamin B. Warfield ay isang Presbyterian theologian, kilala siya sa kanyang matibay na depensa ng Biblical inerrancy at Trinitarian theology.
Ang kanyang mga writings ay kinonsulta rin ng ilang SDA researchers, lalo na sa usapin ng pagka-Diyos ni Cristo at ng Banal na Espiritu.
SI WILLIAM G. T. SHEDD
SI William G. T. Shedd ang sumulat ng Dogmatic Theology, ito ay isang sistematikong aklat na ginagamit ng maraming Protestanteng seminarista.
Isa siya sa mga source na ginamit ni LeRoy Froom sa kanyang research. Si Froom ay contributor sa aklat na Questions on Doctrine.
DOCTRINE ABOUT SABBATH.
Alam nyo ba na ang liwanag tungkol sa Sabbath ay unang naipakilala ng isang Baptist at hindi ito nagsimula kay EGW o ibang founder?
SAAN GALING ANG IDEA TUNGKOL SA SABBATH?
Si Rachel Oakes Preston, isang Seventh Day Baptist, ang nagpakilala ng Sabbath truth sa mga Advent believers.
Mula kay Rachel Oakes ng siya ay dumalo sa pagpupulong ng mga sinaunang grupo ng Adventista ay nakinig siya ng mga sermon tungkol sa pagbabalik ni Jesus, ngunit napansin niyang hindi nila sinusunod ang ikaapat na utos ang Sabbath.
Kaya Ibinahagi niya ang kanyang pananampalataya tungkol sa ikapitong araw na Sabbath sa mga kasapi ng movement, kasama doon ang isang lalaking nagngangalang Frederick Wheeler na tumanggap din ng Sabbath.
Kaya mula kay Wheeler, ang ideyang ito ay umabot kay Joseph Bates, na naging masigasig sa pag-aaral ng paksang ito. Pinagaralan nila ito ng walang tulugan.
Kaya ang pagkakaugnay ng influence ay ganito:
Mula kay Rachel Oakes Preston papunta kay Frederick Wheeler papunta kay Joseph Bates papunta kay James & Ellen White hanggang sa buong SDA Church.
Matapos maunawaan ni Joseph Bates ay sumulat siya ng booklet na โThe Seventh Day Sabbath, a Perpetual Signโ noong 1846, ito ang unang Adventist publication na sistematikong nagtaguyod sa Sabbath.
Malaki ang impluwensya at tulong nito kina James at Ellen White, noong una ay ayaw maniwala ni EGW subalit kalaunan ay tinanggap din niya ang katotohanan tungkol sa Sabbath. At mas lalong napatatag ang katotohanang ito ng ipakita sa kanya ng Panginoon ang tungkol sa kahalagahan ng Biblical Sabbath kasama ang masuring pagaaral tungkol dito ng ating mga pioneer.
Ang mga impormasyong ito ay mababasa sa Encyclopedia of Seventh-day Adventist online. Sadyang pinaiksi (summary). Sana makatulong ang simpling impormasyon na ito upang samasama tayong lumago sa kaalaman at magamit natin sa pagbabahagi ng katotohanan.
Marami pang aral ang SDA na bunga din ng ibang sources subalit ito ay pinagtibay sa pamamagitan ng mga sinaunang leader ng SDA gamit ang salita ng Dios na siyang pangunahin natin batayan sa pananampalataya. Kaya kapag walang makitang back up mula sa salita ng Dios ay hindi pumapasa sa mga pagpupulong ng GC.
Kaya ko gimamit ito upang matuto tayo magtimbangtimbang sa ilang masisilang bagay at programa sa Iglesia. Huwag masyadong maluwag at huwag din naman makitid para sa maaring karagdagang kaalaman mula sa labas.
Naunawaan natin ang ating mga pioneer noon dahil tinutuklas pa nila ang mga katotohanang naiwaksi sa lupa kagagawan ng maliit na sungay. Karapatan din naman ng Iglesia ngayon ang ingatan ang kawan laban sa mga kamalian.
Sana po ay nakadagdag sa inyong kaalaman.
Maraming salamat po. Sa Dios ang kapurihan.
Source fb page: Jhonson Amican