Santa Veronica - Cabuyao, Laguna

Santa Veronica - Cabuyao, Laguna Santa Veronica, Ora Pro Nobis! ⚜
Camarero: Mics Armogenia at Pamilya

Est. 02/28/2022

30 araw na lang bago ang Kapistahan ni San Francisco ng Assisi 🤎🎉VIVA SAN FRANCISCO NG ASSISI! 🕊️
04/09/2026

30 araw na lang bago ang Kapistahan ni San Francisco ng Assisi 🤎🎉

VIVA SAN FRANCISCO NG ASSISI! 🕊️


BIYERNES NA PAGDEDEBOSYON SA ATING MINAMAHAL NA PINTAKASING SANTA VERONÍCAPANALANGIN: O mapagmalasakit na Santa Veronica...
04/09/2026

BIYERNES NA PAGDEDEBOSYON SA ATING MINAMAHAL NA PINTAKASING SANTA VERONÍCA

PANALANGIN: O mapagmalasakit na Santa Veronica, babaeng matapang sa gitna ng kaguluhan, na hindi natakot ipakita ang iyong awa sa ating Panginoong Hesukristo sa Kanyang pasanin. Sa iyong simpleng panyo, ipinahid mo sa Kanyang Banal na Mukha, at sa kabutihang iyon, ang Kanyang mukha ay naiukit sa iyong puso at alaala. Santa Veronica, turuan mo kaming maging mahabagin, na sa kabila ng panganib o kahihiyan, ay pipiliing tumulong at magmahal gaya ng ginawa mo kay Hesus. Ipagdasal mo kami na sa bawat mukha ng naghihirap, makita namin ang mukha ni Kristo. Na sa bawat pagkakataon na kami'y tinatawag na magmahal, hindi kami lalayo, kundi lalapit na may malasakit. Sa panahon ng kaguluhan, bigyan mo kami ng lakas ng loob. Sa oras ng pagsubok, ipadama mo sa amin ang presensya ng Diyos. At nawa, gaya ng iyong ginawa, maiukit din sa aming puso ang Banal na Mukha ni Hesus. Santa Veronica, ina ng awa at lakas, ipanalangin mo kami ngayon at sa oras ng aming pangangailangan. Amen

Santa Veronica, ipanalangin mo kami.

Santa Veronica

Santa Veronica - Cabuyao, Laguna

MIYERKULES NA PAGDEDEBOSYON SA MAHAL INA NG LAGING SAKLOLOPanalangin:Mahal na Ina ng laging saklolo, buhat sa krus ibini...
02/09/2026

MIYERKULES NA PAGDEDEBOSYON SA MAHAL INA NG LAGING SAKLOLO

Panalangin:

Mahal na Ina ng laging saklolo, buhat sa krus ibinigay ka sa amin ni Jesus upang maging Ina namin, Ikaw ang pinakamabait, pinakamasintahin sa lahat ng mga Ina, Buong giliw mong tunghayan kaming iyong mga anak na ngayon ay humihingi ng Iyong tulong sa lahat ng aming pangangailangan lalong lalo na ang biyayang ito ...

(Banggitin ang inyong kahilingan)

Noon ikaw ay nasa lupa minamahal na Ina ikaw buong pusong nakiramay sa paghihirap ng iyong Anak. Sa tulong ng iyong pananalig at pagtitiwala sa maka-amang pagmamahal ng Diyos tinanggap mo ang Kanyang mahiwagang kalooban.
Mayroon din kaming mga krus at mga tiisin sa buhay, kung minsan ang mga ito'y parang hindi na namin kayang pasanin, bahaginan mo kami ng iyong malaking pagtitiwala sa Diyos. Ipaunawa mo na walang katapusan ang pagmamahal ng Diyos sa amin at tinutugon Niya ang lahat ng aming panalangin sa paraang makabubuti sa amin. Palakasin mo ang aming loob na pagpapasan ng krus tulad ng iyong banal na Anak. Tulungan mong maunawaan namin na sinumang nakikibahagi sa krus ni Kristo ng kanyang muling pagkabuhay.

Pinakamamahal na ina habang kami ay nababahala sa sarili naming mga suliranin huwag sana naming malimutan ang mga pangangailangan ng iba. Mahal na mahal mo sila, tulungan mong maging ganito rin ang aming pagmamahal sa kanila samantalang idinalangin namin ang aming mga adhikain at ang mga adhikain ng lahat ng narito ngayon, mataimtim sa loob na hinihiling namin sa iyo aming ina tulungan mo kami makapagdulot ng aliw at ginhawa sa mga may sakit at sa mga malapit nang sumakabilang buhay, magpahilom mong sugat ng mga pusong wasak, inaapi at turuan ng katarungan ang mga sa kanila'y nang aapi at ibalik sa Diyos ang lahat ng mga nagkasala sa Kanya.

Pinakamamahal na Ina tulungan mo kaming umiwas sa kasalanan na naglalayo sa amin sa aming Ama sa langit at sa isa't isa buong tiwala naming isinasalaysay ang aming sarili sa iyong pagkalinga at lubos na umaasang kami'y iyong tutulungan.
AMEN.

AMING INA NG LAGING SAKLOLO,
Ipanalangin mo kami. Amen





Santa Veronica
Santa Veronica - Cabuyao, Laguna

TUESDAY DEVOTION TO THE HOLY FACE OF JESUSPrayer to the Holy Face of Jesus:Lord Jesus, show us we pray you, your face ev...
01/09/2026

TUESDAY DEVOTION TO THE HOLY FACE OF JESUS

Prayer to the Holy Face of Jesus:

Lord Jesus, show us we pray you, your face ever new. That mirror, mystery laden, of God's infinite mercy. Grant that we may contemplate it with the eyes of our mind and our hearts the human face of God that has burst into history to reveal the horizons of eternity. The silent face of Jesus suffering and risen, when loved and accepted changes the heart and life. we want to draw from Your eyes that look on us with tenderness and compassion. The force of love and peace which shows us the way of life, and the courage to follow you without fear or compromise so as to be witnesses of your gospel with concrete signs of acceptance, love and forgiveness.
O Holy Face of Christ, light that enlightens the darkness of doubt and sadness, life that has defeated forever the force of evil and death, o inscrutable gaze that never ceases to watch over men and people, Face concealed in the Eucharistic signs and in the faces of those that live with us, make us God's pilgrims in this world, longing for the infinite and ready for the final encounter, when we shall see you, Lord "Face To Face" (I cor 13.12) and be able to contemplate You forever in heavenly glory. Amen

HOLY FACE OF JESUS HAVE MERCY ON US!



Santa Veronica
Santa Veronica - Cabuyao, Laguna

ORATIO IMPERATA LABAN SA KALAMIDADAmang makapangyarihan, kami po ay lumalapit sa Inyong patnubay at awa. Sa panahong kam...
28/08/2026

ORATIO IMPERATA LABAN SA KALAMIDAD

Amang makapangyarihan, kami po ay lumalapit sa Inyong patnubay at awa. Sa panahong kami ay banta ng kalamidad—mga bagyo, pagbaha, lindol at anumang kapahamakan—kami po ay nagtitiwala sa Inyong walang hanggang pag-ibig at pangangalaga.

Panginoong Hesukristo, Ikaw ang naghahari sa hangin, dagat at kalikasan, pakalmahin Mo po ang unos, patahimikin ang mga bagyo, at iligtas Mo kami sa lahat ng panganib. Bigyan Mo po kami ng karunungan, kalakasan at pagkakaisa upang harapin at malampasan ang aming mga pagsubok.

Diyos Espiritu Santo, gabayan Mo po ang aming mga pinuno, tagapagligtas at lahat ng tumutulong sa oras ng sakuna. Alagaan Mo po ang mga mahihina, matatanda, bata, at lahat ng naapektuhan. Pagkalooban Mo po kami ng pananalig, pag-asa at kapayapaan sa gitna ng unos.

Sa pamamagitan ng makapangyarihang panalangin ng Mahal na Birhen ng Candelaria at Santa Veronica, aming iniaalay sa Inyo ang aming pamayanan, aming mga tahanan, aming buhay, at ang buong sangnilikha.

Hinihiling po namin ito sa ngalan ni Hesukristo,
kasama ng Birheng Maria, at sa kapangyarihan ng Espiritu Santo. Amen

Mahal na Birhen ng Candelaria, ipanalangin mo kami!
Santa Veronica, ipanalangin mo kami!



Santa Veronica
Santa Veronica - Cabuyao, Laguna

KAPISTAHAN NI SAN AGUSTINObispo at Pantas ng SimbahanAgosto 28Panalangin kay San Agustin:Minamahal naming San Agustin, t...
28/08/2026

KAPISTAHAN NI SAN AGUSTIN
Obispo at Pantas ng Simbahan
Agosto 28

Panalangin kay San Agustin:

Minamahal naming San Agustin, taglay ang lubos na pananalig at pagtawag sa Diyos Ama na pinagbubuhatan ng lahat ng pagka-Ama sa lupa, kami ay nagpaaampon sa iyo bilang isang ama. Dala ng mahabang kasaysayan ng pakikipag-ugnayan ng aming bayan sa iyo at sa iyong pagtugon sa aming mga kahilingan na nagpapahayag ng iyong maka-amang pag-tangkilik, ikaw ay naging malapit sa amin. Ito rin ay nagmula sa iyong kabantugan sa pangangasiwa bilang Obispo sa Sambayanan ng Diyos na ipinagkatiwala sa iyo. Puspus ng karunungan ng Diyos, Inalagaan mo ang noon ay munti pa at lumalaking Simbahan sa pagbibigay linaw sa kanyang mga aral. Kaya ikaw ay tinagurian bilang isa sa mga Ama ng Simbahan. Ngayon aming Ama, patuloy mong ipamalas ang iyong maka-amang pangangalaga sa amin. Ang iyo nawang pagpapapamalas na ito ay maghatid sa amin sa pagkilala sa Diyos Ama na may lalang sa ating lahat at tunay na pinagmumulan ng bawat biyayang ipinakikiusap namin sa iyo. Idalangin mo sa Diyos na makamit namin sa buhay na ito ang mga kinakailangan namin, lalong-lalo na ang kahilingan ito (ilahad ang mga kahilingan). Pagkalooban nawa kami ng Diyos ng Banal na Karunungan na patuloy na magsasaliksik sa kanya at sa kanyang kalooban upang si Kristo ang katotohanan at karunungan ng Diyos ay maghari sa amin ngayon at magpasawalang hanggan. Amen

SAN AGUSTIN, Ipanalangin mo kami!




Santa Veronica
Santa Veronica - Cabuyao, Laguna

Paggunita kay Santa MonicaIna ni San AgustinAgosto 27Panalangin: O Diyos, Mang- aaliw ng mga nahahapis,Tagapagligtas ng ...
27/08/2026

Paggunita kay Santa Monica
Ina ni San Agustin
Agosto 27

Panalangin:
O Diyos, Mang- aaliw ng mga nahahapis,
Tagapagligtas ng mga sa Iyo'y umaasa.
Ikaw na hindi ipinagwalang bahala ang mga luha at panalangin ni Sta. Monica sa ikapagbabalik-loob ng kanyang anak na si San Agustin.
Ipagkaloob Mo po na aming matangisan ang sarili naming mga kasalanan upang matamo ang kapatawaran at makamtan ang Iyong mahal na biyaya (hingin ang kahilingan).
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Jesukristong Panginoon namin kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, magpasawalang hanggan. Amen

𝐒anta Monica, Ina ni San Agustin,
Ipanalangin mo kami!


Happy 40th Birthday to our dear Camarero,John Andrew Armogenia! ❤️May God bless your new year of life with health, peace...
24/08/2026

Happy 40th Birthday to our dear Camarero,
John Andrew Armogenia! ❤️
May God bless your new year of life with health, peace, and joy. God bless you!


August 25, 2026

Address

Cabuyao

Telephone

+639268883542

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Santa Veronica - Cabuyao, Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share