23/08/2026
KAPE AT TINAPAY (Pagkaing espirituwal)
August 24, 2026
God Before Notifications
Awit 5:3
Sa kinaumagahan, O Yahweh, tinig ko'y iyong dinggin, at sa pagsikat ng araw, tugon mo'y hihintayin.
May mga bagay na hindi naman masama, pero kapag sobra na ang oras na ibinibigay natin dito, maaari itong maging hadlang sa mas mahalagang bagay.
Isa na rito ang social media.
Pagkagising, cellphone agad.
Bago matulog, social media ulit.
May ilang minuto lang sanang browsing, pero nauuwi sa isang oras. Mag-ii-scroll lang sana ng isang post, pero sunod-sunod na videos, reels, stories, at notifications.
Ang problema ay hindi lamang kung ano ang tinitingnan natin, kundi kung gaano karaming oras ang nawawala. Minsan may oras tayo para mag-scroll, pero sinasabi nating:
“Wala akong time mag-pray.”
“Wala akong time magbasa ng Bible.”
“Pagod ako para mag-devotion.”
Ang totoo, hindi naman talaga walang oras - maling bagay lang ang unang pinalalaanan ng oras.
1. What gets your time often gets your attention.
Kung ilang oras natin kayang manatili sa social media, pero ilang minuto lang ang kaya nating ibigay sa prayer at Bible reading, kailangan nating tanungin ang sarili: “Lord, saan ba talaga napupunta ang oras ko?”
Hindi masama ang social media. Maaari pa nga itong gamitin para mag-encourage, mag-share ng Gospel, at makipag-connect sa iba.
Pero kapag ang social media ay kumukuha na ng oras na dapat sana ay para sa Diyos, kailangan nating matutong mag-set ng boundaries.
2. Time is a gift from God.
Ang oras ay hindi natin pag-aari nang permanente. Bawat araw ay regalo ng Diyos.
Kaya sinabi ni Paul:
“Redeeming the time…”
Ibig sabihin, gamitin natin nang maayos ang oras na ipinagkaloob sa atin dahil hindi na natin mababawi ang oras na lumipas.
Ang isang oras na ginugol sa walang katapusang scrolling ay hindi na maibabalik. Pero ang isang oras na ginugol sa prayer, Bible reading, worship, family, ministry, at paggawa ng kalooban ng Diyos ay may eternal value.
3. Don't give God the leftovers of your time. Minsan ganito ang nangyayari:
Social media — unang oras.
Entertainment — maraming oras.
Work/school — maraming oras.
Friends — may oras.
Games — may oras.
Tapos kay Lord…
“Lord, kapag may natira.”
Pero ang Diyos ay hindi dapat bigyan ng leftover time.
Sabi ni Jesus, “But seek ye first the kingdom of God, and his righteousness…” — Matthew 6:33 (KJV)
God deserves our first and our best—not merely what is left.
Simula ngayon, subukan nating magkaroon ng “God First Before Phone” habit.
Bago mag-Facebook, TikTok, Instagram, YouTube, o anumang social media:
Pray first.
Read the Bible first.
Talk to God first.
Before you scroll, seek Him.
Before you browse, pray.
Before you consume content, consume His Word.
Magtiwala ka!
K-ausapin A-ang P-anginoon E-everyday 🙏
Diyos naming mapagmahal, Kayo po ang nagbibigay ng panahon at oras. At dahil Kayo po ang pinagmumulan nito, dapat Kayo muna ang nakikinabang nito. Amen.
Para matapos ang buong Biblia.
Day 238 of 365
Basahin: 1 Mga Hari 18; Awit 57; Daniel 5; Judas 1