18/02/2026
Sa panahon ngayon, parang minamadali ang lahat
minamadali ang love,
minamadali ang relasyon,
minamadali ang βkami.β
Swipe dito, chat doon.
Minsan may kilig, madalas may sakit.
May βI love youβ na mabilis sabihin, pero mabagal panindigan.
Bilang kabataan, normal lang ang magmahal.
Normal lang ang magkagusto.
Normal lang ang mangarap ng may makakasama sa future.
Pero gusto naming ipaalala ito saβyo:
Ang paghihintay ay hindi kawalan. Regalo ito ng Diyos.
Ang waiting ay hindi dahil mahina ka,
kundi dahil marunong kang magtiwala.
Hindi dahil wala kang pagkakataon,
kundi dahil alam mo ang halaga mo.
Sa mundo na nagsasabing βnow naβ,
pinipili mong sabihin: βWait muna.β
Wait muna bago ibigay ang puso.
Wait muna bago pumasok sa relasyong hindi sigurado.
Wait muna bago isuko ang purity, ang prinsipyo, at ang testimony.
Dahil alam mo,
ang love na galing sa Diyos ay hindi minamadali.
Ang tamang tao ay hindi magpapahamak saβyo.
Hindi ka pipilitin.
Hindi ka ipapahiya.
Hindi ka ilalayo sa Diyos.
Preserving your youth is wisdom.
Preserving your testimony is strength.
Hindi lahat ng bagay na uso ay para saβyo.
Hindi lahat ng nagmamadali ay masaya.
At hindi lahat ng naghihintay ay nahuhuliβ
madalas sila ang pinaka-pinagpala.
Kung may mga araw na lonely ka,
kung minsan napapatanong ka ng βKailan kaya?β
alalahanin mo ito:
Jesus is the One.
Siya ang author ng love mo.
Siya ang nakakaalam ng tamang oras.
Siya ang pipili ng tamang tao, KUNG HANDA ka na.
Hanggang doon,
choose to wait.
choose to grow.
choose to trust God.
Dahil ang pinakamagandang love story
ay βyung sinulat ng Diyos,
hindi minadali ng mundo.
π€