Saint John Nepomucene Parish - Cabiao

Saint John Nepomucene Parish - Cabiao The Official FB Page of Saint John Nepomucene Parish, Cabiao, N.E. assisted by the SocCom ministry.

Paggunita sa La Virgen Divina PastoraPintakasi ng Diyosesis ng CabanatuanMayo 1, 2026Ama naming makapangyarihan, ipagkal...
30/04/2026

Paggunita sa La Virgen Divina Pastora
Pintakasi ng Diyosesis ng Cabanatuan
Mayo 1, 2026

Ama naming makapangyarihan, ipagkaloob mong kami’y magkamit kailan man ng kalusugan at kagalingan sa aming katawan at kalooban. Pakundangan sa pagdalangin ng laging Birheng si Santa Mariang mahal kami nawa’y mahango sa hapis sa kasalukuyan at makinabang sa kaluwalhatiang walang katapusan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

La Virgen Divina Pastora, Ipanalangin mo kami!

Paggunita kay San JosemanggagawaMayo 1, 2026Ama naming makapangyarihan, ikaw ang Maygawa sa tanang umiiral at ang nagtak...
30/04/2026

Paggunita kay San Jose
manggagawa
Mayo 1, 2026

Ama naming makapangyarihan, ikaw ang Maygawa sa tanang umiiral at ang nagtakda sa batas ng paggawa para sa sangkatauhan. Ipagkaloob mo, pakundangan sa pagkauliran at pagdalangin ni San Jose, na maganap namin ang mga gawaing inyong inatas at makamtan namin ang gantimpala na iyong ipinangako sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

San Jose, Ipanalangin mo kami!

Paggunita kay San Pio VpapaAbril 30, 2026Ama naming makapangyarihan, hinirang mo si Papa San Pio upang sa iyong Simbahan...
29/04/2026

Paggunita kay San Pio V
papa
Abril 30, 2026

Ama naming makapangyarihan, hinirang mo si Papa San Pio upang sa iyong Simbahan ang pananampalataya ay pangalagaan at ang pagsamba sa iyo ay maging marangal. Bilang tugon sa kanyang pagdalangin maganap nawa namin ang pagdiriwang ng iyong pagliligtas nang may pananampalatayang buhay at pag-ibig na nagbubunga sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

San Pio V, Ipanalangin mo kami!

Paggunita kay San Pedro Chanelpari at martirAbril 28, 2026Ama naming makapangyarihan, pinutungan mo ng dangal bilang mar...
27/04/2026

Paggunita kay San Pedro Chanel
pari at martir
Abril 28, 2026

Ama naming makapangyarihan, pinutungan mo ng dangal bilang martir si San Pedro sa ikararami ng kaanib ng iyong Simbahan. Ngayong ipinagdiriwang nang masaya ang pagkabuhay ni Kristo ang amin nawang pagganap sa kanyang pagkamatay at pagkabuhay ay magpagindapat sa amin upang maging mga maaasahang saksi ng idinudulot na bagong buhay sa daigdig sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

San Pedro Chanel, Ipanalangin mo kami!

Abril 26, 2026Ikaapat na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A)Good Shepherd SundayWorld Day of Prayer for VocationsAn...
25/04/2026

Abril 26, 2026
Ikaapat na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A)
Good Shepherd Sunday
World Day of Prayer for Vocations

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Tandaan ninyo ito: ang pumapasok sa kulungan ng mga tupa nang hindi sa pinto nagdaraan, ay magnanakaw at tulisan. Ngunit ang nagdaraan sa pintuan ay siyang pastol ng mga tupa. Pinapapasok siya ng bantay-pinto, at pinakikinggan ng mga tupa ang kanyang tinig. Tinatawag niya ang kanyang mga tupa sa kani-kanilang pangalan, at inilalabas sa kulungan. Kapag nailabas na, siya’y nangunguna sa kanila at sumusunod naman ang mga tupa sapagkat nakikilala nila ang kanyang tinig. Hindi sila sumusunod sa iba, bagkus pa nga’y patakbong lumalayo, sapagkat hindi nila nakikilala ang kanyang tinig.”

Sinabi ni Hesus ang talinghagang ito, ngunit hindi nila naunawaan ang ibig niyang sabihin.

Kaya’t muling sinabi ni Hesus, “Tandaan ninyo: ako ang pintuang dinaraanan ng mga tupa. Ang mga nauna sa akin ay mga magnanakaw at mga tulisan, ngunit hindi sila pinakinggan ng mga tupa. Ako ang pintuan. Ang sinumang pumapasok sa pamamagitan ko’y maliligtas. Papasok siya’t lalabas, at makatatagpo ng pastulan. Kaya lamang pupunta rito ang magnanakaw ay upang magnakaw, pumatay, at magwasak. Naparito ako upang ang mga tupa’y magkaroon ng buhay – isang buhay na ganap at kasiya-siya.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Kapistahan ni San Marcosmanunulat ng Mabuting BalitaAbril 25, 2026Ama naming makapangyarihan, iyong idinangal si San Mar...
25/04/2026

Kapistahan ni San Marcos
manunulat ng Mabuting Balita
Abril 25, 2026

Ama naming makapangyarihan, iyong idinangal si San Marcos Lahat kayo’y magsihayo sa bawa’t panig ng mundo. Mabuting Balitang ito ipabatid, ituro n’yo sa lahat ng mga tao. na naging tagapaghatid ng Mabuting Balita sa iyong kagandahang-loob. Hinihiling naming kami sana’y umunlad sa pagkakaroon ng kanyang kaalaman upang ang mga yapak ni Kristo ay matapat naming masundan sa pamamagitan din ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

San Marcos, ipanalangin mo kami!

Happy Birthday, Sis. VIRGINIA SANTOS, Chairperson, SJNP Cathecetical Ministry. May the Almighty One shower you with His ...
24/04/2026

Happy Birthday, Sis. VIRGINIA SANTOS, Chairperson, SJNP Cathecetical Ministry. May the Almighty One shower you with His love, care and grace in your life’s journey.

Let us wish Sis. Jean a Blessed and Happy Birthday!

Happy Birthday, Sis. MARISSA T. CASTRO, Auditor, Parish Pastoral Council. May the Almighty One shower you with His love,...
22/04/2026

Happy Birthday, Sis. MARISSA T. CASTRO, Auditor, Parish Pastoral Council. May the Almighty One shower you with His love, care and grace in your life’s journey.

Let us wish Ate Mariz a Blessed and Happy Birthday!

19/04/2026
19/04/2026

ABRIL 19, 2026 | 4th SALERAS MARIAN PROCESSION

Halina at sama-sama nating samahan ang ating Reyna at Ina ng bayan ng Cabiao, ang 𝑀𝑎ℎ𝑎𝑙 𝑛𝑎 𝐵𝑖𝑟ℎ𝑒𝑛 𝑛𝑔 𝐿𝑜𝑢𝑟𝑑𝑒𝑠 𝑑𝑒 𝐶𝑎𝑏𝑖𝑎𝑜, sa kaniyang maringal na pakikiisa sa 4th Saleras Marian Procession na gaganapin sa Diocesan Shrine and Parish of Nuesra Señora de las Saleras, sa bayan ng Aliaga, Nueva Ecija.

📅 Lunes, ika-20 ng Abril, 2026

Sa ating sama-samang paglakad bilang mga deboto, ipamalas natin ang ating taos-pusong pananampalataya, pag-asa, at pagmamahal sa Mahal na Birhen—ang ating Ina na patuloy na gumagabay sa atin tungo kay Kristo.

VIVA NUESTRA SEÑORA DE LOURDES DE CABIAO!!!


Abril 19, 2026Ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A)Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San LucasNang L...
18/04/2026

Abril 19, 2026
Ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A)

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Nang Linggo ding iyon, ang dalawa sa mga alagad ay patungo sa isang nayong tinatawag na Emaus, may labing-isang kilometro ang layo sa Jerusalem. Pinag-uusapan nila ang mga pangyayari. Samantalang nag-uusap sila at nagtatanungan, lumapit si Hesus at nakisabay sa kanila. Siya’y nakita nila, ngunit hindi nakilala agad. Tinanong sila ni Hesus, “Ano ba ang pinag-uusapan ninyo?” At tumigil silang nalulumbay. Sinabi ng isa na ang ngala’y Cleopas, “Kayo lamang po yata ang dayuhan sa Jerusalem na hindi nakaaalam sa mga bagay na katatapos pa lamang nangyari roon.” “Anong mga bagay?” tanong niya. At sumagot sila, “Tungkol kay Hesus na taga-Nazaret, isang propetang makapangyarihan sa gawa at salita, maging sa harapan ng Diyos at ng mga tao. Isinakdal siya ng aming mga punong saserdote at mga pinuno upang mahatulang mamatay, at siya ay ipinako sa krus. Siya pa naman ang inaasahan naming magpapalaya sa Israel. Hindi lamang iyan. Ikatlong araw na ngayon mula nang mangyari ito; nabigla kami sa ibinalita ng ilan sa mga babaing kasamahan namin. Maagang-maaga raw silang nagpunta sa libingan, at di nila natagpuan ang kanyang bangkay. Nagbalik sila at ang sabi’y nakakita raw sila ng isang pangitain – mga anghel na nagsabing buhay si Hesus. Pumunta rin sa libingan ang ilan sa mga kasama namin at gayon nga ang natagpuan nila, ngunit hindi nila nakita si Hesus.”

Sinabi sa kanila ni Hesus, “Kay hahangal ninyo! Ano’t hindi ninyo mapaniwalaan ang lahat ng sinabi ng mga propeta? Hindi ba’t ang Mesiyas ay kailangang magbata ng lahat ng ito bago niya kamtan ang kanyang marangal na katayuan?” At ipinaliwanag sa kanila ni Hesus ang lahat ng nasasaad sa Kasulatan tungkol sa kanyang sarili, simula sa mga aklat ni Moises hanggang sa sinulat ng mga propeta.

Malapit na sila sa nayong kanilang patutunguhan, at si Hesus ay waring magpapatuloy pa ng lakad. Ngunit siya’y pinakapigil-pigil nila, “Tumuloy na po kayo rito sa amin,” anila, “sapagkat palubog na ang araw at dumidilim na.” Kaya’t sumama nga siya sa kanila. Nang siya’y kasalo na nila sa hapag, dumampot siya ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos, saka pinaghati-hati at ibinigay sa kanila. Nabuksan ang kanilang paningin at nakilala nila si Hesus, subalit ito’y biglang nawala. At nawika nila, “Kaya pala gayon ang pakiramdam natin habang tayo’y kinakausap sa daan at ipinapaliwanag sa atin ang mga Kasulatan!”

Noon di’y tumindig sila at nagbalik sa Jerusalem. Naratnan nilang nagkakatipon ang Labing-isa at ang ibang mga kasama nila na nag-uusap-usap, “Muli ngang nabuhay ang Panginoon! Napakita kay Simon!” At isinalaysay naman ng dalawa ang nangyari sa daan, at kung paano nila siyang nakilala nang paghati-hatiin niya ang tinapay.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

𝗗𝗢𝗠𝗜𝗡𝗚𝗢 𝗗𝗘 𝗣𝗔𝗦𝗖𝗨𝗔: 𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗦𝗔𝗞𝗥𝗜𝗣𝗜𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗞𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔...
16/04/2026

𝗗𝗢𝗠𝗜𝗡𝗚𝗢 𝗗𝗘 𝗣𝗔𝗦𝗖𝗨𝗔: 𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗦𝗔𝗞𝗥𝗜𝗣𝗜𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗞𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡𝗢𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗘𝗦𝗨𝗞𝗥𝗜𝗦𝗧𝗢

Narito ang mga larawan mula sa Ikatlong Santa Misa (9:00 AM) noong Araw ng Linggo ng Muling Pagkabuhay. Pinamunuan ni Padre Venes Paulo B. Matias ang Santa Misa.

Address

6VX5+RG7, Jose Abad Santos Avenue
Cabiao
3107

Opening Hours

Tuesday 5:30am - 4:30pm
Wednesday 5:30am - 4:30pm
Thursday 5:30am - 4:30pm
Friday 5:30am - 4:30pm
Saturday 5:30am - 4:30pm
Sunday 5am - 5pm

Telephone

+639604556595

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Saint John Nepomucene Parish - Cabiao posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share