St. Joseph Youth Ministry

St. Joseph Youth Ministry 2024-2025
2025-2024

19/03/2025
31/12/2024

Narito po ang mga lugar na dadaanan ng ating Sagala 2024 mamaya:

•Basketball Court ng GK (hindi na po tutuloy sa dulo ng GK dahil sa masamang kondisyon ng daan dulot ng maghapon na ulan kahapon.)

•Miranda Compound

•Purok 1

•Purok 2

•Poultry (Dadaan po tayo sa mga Miranda)

•Purok 3

•Pabalik sa Purok 2 at magtatapos sa bisita

Paumanhin po sa mga hindi madadaanan at umaasa kami sa inyong pang-unawa. Maraming salamat po sa inyong suporta!

31/12/2024

📢 Paalala para sa Sagala 2024

Magandang araw po!

Ngayong araw ang Sagala 2024, at ang ating call time ay 4:00 PM. Paunawa po na may inihanda kaming photo booth para sa lahat, kaya't hinihikayat ang bawat isa na magpa-picture bago magsimula. Kapag nagsimula na po ang sagala, hindi na pahihintulutan ang pag-picture sa gitna upang mapanatili ang kaayusan. Ang mga nakatalagang kabataan lamang ang kukuha ng mga larawan para sa inyong lahat.

Paalala rin po sa mga magulang o bantay ng sagala, huwag na pong tumabi sa kanilang mga anak. May mga kabataan pong naka-assign upang magbantay at umalalay sa kanilang mga pangangailangan.

Maraming salamat po at magkita-kita tayo mamaya para sa matagumpay na Sagala 2024! 🌟✨

30/12/2024

📣 Mahalagang Paalala para sa Sagala 2024.

Bilang paghahanda sa ating Sagala 2024 bukas Disyembre 31, 2024, ang call time po ay 4:00 PM. Ito ay upang makapag-picture na ang lahat bago magsimula, sapagkat may inihanda po kaming photo booth para sa mga bisita.

Para sa kaayusan, nais po naming ipaalala na hindi na pahihintulutan ang pagkuha ng litrato sa gitna ng sagala. Mayroon pong mga kabataang naatasan na kumuha ng larawan upang maging maayos ang daloy ng programa.

Dagdag pa rito, hinihikayat po ang mga nanay o bantay ng mga sagala na huwag nang tumabi sa kanilang mga anak habang nagaganap ang sagala. Mayroon pong mga nakatalagang kabataan na magbabantay at mag-aasikaso ng pangangailangan ng inyong mga anak.

Kung may iba pa pong katanungan maari niyo pong i-message ang aming pangulo na siAira Lou Siatriz Bulaon o kahit na sino sa aming mga miyembro.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa!🙏🤍

30/12/2024

📣 Paalala para sa lahat, nawa'y basahin hanggang dulo.🙏

Ngayong araw po ang huling gabi ng ating Novenas Disyembre 30, 2024 na gaganapin sa ganap na 7:00 PM. Inaanyayahan po ang lahat na makibahagi at makiisa.

SAMANTALA, BUKAS NA PO ANG SAGALA 2024! Ang ating call time ay 4:00 PM, upang makapagsimula tayo nang maaga at maayos ang daloy ng ating sagala. Pinapayuhan po ang lahat ng kalahok na dumating sa tamang oras.

Kung may iba pa pong katanungan maari niyo pong i-message ang aming pangulo na sAira Lou Siatriz Bulaonon o kahit na sino sa aming mga miyembro.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at nawa’y maging matagumpay ang ating mga gawain! 💐✨

28/12/2024

Magandang gabi po sa lahat,

Kami po ay humihingi ng paumanhin kung hindi namin muling napuntahan ang ilang lugar ngayong gabi para sa aming nobena. Dahil sa biglaang pag-ulan, kinailangan naming limitahan ang mga lugar na aming napuntahan upang masiguro ang kaligtasan ng lahat, lalo na ng mga kabataang kasama namin.

Umaasa po kami sa inyong pang-unawa at konsiderasyon. Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta.

Disyembre 21, 2024 | SabadoMga litrato mula sa ika-7 gabi ng Simbang Gabi 🙏✨
24/12/2024

Disyembre 21, 2024 | Sabado
Mga litrato mula sa ika-7 gabi ng Simbang Gabi 🙏✨

24/12/2024

Magandang gabi po sa ating lahat,

Kami po ay taos-pusong humihingi ng paumanhin sa hindi namin pagdaan sa ilang bahagi ng aming ruta ngayong gabi para sa novenas. Dahil po sa masamang panahon at para sa kaligtasan ng mga batang kasama namin, kinailangan naming limitahan ang aming paggalaw. Ang ulan at hindi magandang kondisyon ng kalsada ay naging hadlang upang marating namin ang ilan sa mga lugar.

Nais po naming ipabatid na hindi lamang po kami ang nagdesisyon ukol dito; kami rin po ay humingi ng pahintulot at gabay mula sa mga nakatatanda upang siguraduhin ang tamang desisyon para sa lahat.

Kami po ay lubos na umaasa sa inyong pang-unawa at konsiderasyon. Hindi po namin nais na may maiwan o makaligtaan.

Maraming salamat po sa inyong suporta at pagpapasensya. Nawa'y mas gumanda po ang panahon sa mga susunod na araw upang maipagpatuloy namin ang aming layunin. Ingat po ang lahat, at nawa’y pagpalain tayong lahat!😇🙏

Taos-pusong gumagalang,
Kabataan ng St. Joseph

Isang mahalagang paalala:Bukas na po ang pagsisimula ng Novenas pagkatapos ng misa. Inaanyayahan po ang bawat isa na mak...
21/12/2024

Isang mahalagang paalala:
Bukas na po ang pagsisimula ng Novenas pagkatapos ng misa. Inaanyayahan po ang bawat isa na makilahok at panatilihin ang kaayusan, lalo na sa pag-alalay sa mga batang dadalo. Salamat po, at magkita-kita tayo bukas!🤍😇

Disyembre 20, 2024 | Biyernes Narito ang ilan sa mga tagpo mula sa ika-6 na gabi ng Simbang Gabi.😇
21/12/2024

Disyembre 20, 2024 | Biyernes

Narito ang ilan sa mga tagpo mula sa ika-6 na gabi ng Simbang Gabi.😇

Address

St. Joseph Cabiao Nueva Ecija
Cabiao
3107

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St. Joseph Youth Ministry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category