01/06/2026
๐
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Inaanyayahan ang lahat ng mga deboto at mananampalataya na makiisa sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa Unang Martes ng buwan.
๐
๐๐ฎ๐ง๐ ๐, ๐๐๐๐ (Tuesday)
๐ ๐:๐๐ ๐๐
๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐ง๐๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐ข๐ฅ๐ฒ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐ข๐ซ๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐๐จ๐ฎ๐ซ๐๐๐ฌ
Brgy. Maligaya, Cabiao, Nueva Ecija
Matapos ang masiglang pagdiriwang ng Flores de Mayo at pag-aalay ng mga bulaklak bilang tanda ng ating pagmamahal at debosyon sa Mahal na Birhen, sama-sama naman nating salubungin ang buwan ng Hunyo sa pamamagitan ng panalangin at pasasalamat sa Diyos.
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Kalayaan, ipagkatiwala natin sa Panginoon, sa pamamagitan ng mapagmahal na pamamagitan ni Apung Lourdes, ang ating bayan, mga pinuno, mga pamilya, at ang bawat Pilipino. Nawaโy patuloy nating mapangalagaan ang kalayaang ipinagkaloob sa atin at magamit ito sa paggawa ng mabuti, pagtataguyod ng pagkakaisa, at paglilingkod sa kapwa.
Ipagdasal din natin ang ating mga personal na kahilingan at pasasalamat, upang sa ilalim ng mapag-arugang pagkalinga ng Mahal na Birhen ng Lourdes ay patuloy nating maranasan ang biyaya, kapayapaan, at pag-asang nagmumula sa Diyos.
Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kami.
๐ธ Photo Courtesy of Liem Photo & Arts of Giovan Ado Sta. Cruz
Photograph taken during the Gapan Grand Marian Procession 2025 (GGMP).