Nuestra Señora de Lourdes de Cabiao

Nuestra Señora de Lourdes de Cabiao Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Nuestra Señora de Lourdes de Cabiao, Catholic Church, Brgy. Maligaya, Nueva Ecija, Cabiao.
(1)

Official page of the Dambanang Kapilya ng Mahal na Birhen ng Lourdes de Kabyaw,
Barrio Maligaya, Cabiao, Nueva Ecija
Diyosesis ng Cabanatuan | Parokya ng San Juan Nepomuceno
Managed by the Gintong Rosas Social Communications Ministry

24/08/2026

LIVE | Eucharistic Celebration for the Feast of St. Bartholomew, Apostle, from St. Bartholomew Parish, San Leonardo, Nueva Ecija, Philippines.
24 August 2026

Presider:
Most Reverend Prudencio P. Andaya, Jr., CICM, DD
Bishop of Cabanatuan

“Follow me.”
Matthew 9:9




#2026


𝐋𝐎𝐔𝐑𝐃𝐄𝐒 𝐂𝐎𝐑𝐎𝐍𝐀𝐃𝐀!Sa ika-6 na anibersaryo ng Kanonikong Pagpuputong sa Mahal na Birhen ng Lourdes, buong pusong bumabati ...
22/08/2026

𝐋𝐎𝐔𝐑𝐃𝐄𝐒 𝐂𝐎𝐑𝐎𝐍𝐀𝐃𝐀!

Sa ika-6 na anibersaryo ng Kanonikong Pagpuputong sa Mahal na Birhen ng Lourdes, buong pusong bumabati ang Dambanang Kapilya ng Mahal na Birhen ng Lourdes ng Kabyaw. Nawa’y patuloy niya tayong akayin tungo sa kagalingan, kapayapaan, at pag-asa para sa ating bayan.

Our Lady of Lourdes, pray for us.










22/08/2026

𝗕𝗟𝗘𝗦𝗦𝗘𝗗 𝟭𝟬𝗧𝗛 𝗘𝗣𝗜𝗦𝗖𝗢𝗣𝗔𝗟 𝗢𝗥𝗗𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗡𝗡𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦𝗔𝗥𝗬, 𝗕𝗣. 𝗘𝗟𝗠𝗘𝗥!

With grateful hearts, we rejoice with you on the blessed occasion of your 10th Episcopal Anniversary. We thank the Lord for your faithful shepherding, your witness of Christ’s love, and your tireless service to His Church.

May the Good Shepherd continue to guide and strengthen you, granting you abundant grace, wisdom, and joy in your ministry. Be assured of our prayers as you continue to lead God’s people with humility and zeal.

Ad multos annos, Bp. Elmer!

Kapistahan ng Pagka-Reyna ni Maria | Agosto 22Pagbibigay-pugay kay Maria, Apung Lourdes ating Ina at Reyna. Ang kanyang ...
22/08/2026

Kapistahan ng Pagka-Reyna ni Maria | Agosto 22

Pagbibigay-pugay kay Maria, Apung Lourdes ating Ina at Reyna. Ang kanyang tahimik na katatagan, matibay na pananampalataya, at buong pusong “oo” sa Diyos ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa atin na higit pang magtiwala sa kanya.

Nawa’y lagi tayong akayin ni Maria palapit kay Hesus at ipaalala sa atin na sa bawat yugto ng ating buhay, hindi niya tayo kailanman iniiwan.

Apung Lourdes, aming Ina at Reyna, ipanalangin mo kami at lagi mo kaming akayin palapit sa iyong Anak.

Maria, Reyna ng Langit, ipanalangin mo kami!











15/08/2026

LIVE | Eucharistic Celebration for the Solemnity of the Assumption of the Blessed Virgin Mary, from Maria Assumpta Seminary, Cabanatuan City, Nueva Ecija, Philippines.
15 August 2026

Presider:
Most Reverend Prudencio P. Andaya, Jr., CICM, DD
Bishop of Cabanatuan

"A great sign appeared in heaven: a woman clothed with the sun, and the moon beneath her feet, and on her head a crown of twelve stars."
Revelation 12 : 1



#2026


PATULOY NA PAG-ULAN AT PAGBAHA - MAG-INGAT AT MANALANGINPatuloy ang malalakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Vi...
09/08/2026

PATULOY NA PAG-ULAN AT PAGBAHA - MAG-INGAT AT MANALANGIN

Patuloy ang malalakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas dahil sa Southwest Monsoon (Habagat), na patuloy na pinapalakas ng mga bagyong nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Patuloy din namang binabantayan ang isang Tropical Depression na nasa labas ng PAR.

Sa Cabiao, ilang bayan at lugar ang pinapayuhang mag-ingat dahil sa patuloy na pag-ulan at banta ng pagbaha. Manatiling alerto, iwasan ang mga lugar na bahain at mapanganib, at patuloy na sumubaybay sa mga opisyal na abiso ng mga awtoridad.

Sa gitna ng ganitong panahon, sama-sama tayong manalangin at humingi ng proteksiyon, kalakasan, at awa ng Panginoon para sa bawat pamilya at pamayanan.

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa Oratio Imperata at sama-samang manalangin para sa kaligtasan ng lahat.

Panginoon, maawa ka sa amin at ingatan mo kami.

ORATIO IMPERATA

Laban sa mga kalamidad, malakas na pag-ulan, pagbaha at bagyo

Diyos na makapangyarihan at mahabagin,
buong pagpapakumbaba kaming lumalapit sa Iyo
at humihingi ng Iyong awa at pagkalinga sa panahong kami ay humaharap sa malalakas na pag-ulan at pagbaha.

Panginoon, pahupain mo ang ulan at ilayo mo kami sa baha, pagguho ng lupa, malalakas na hangin, at sa anumang panganib na maaaring idulot ng kalamidad. Kalingain mo ang bawat pamilya, lalo na ang mga bata, matatanda, maysakit, at mga higit na nangangailangan ng Iyong tulong.

Ingatan mo ang aming mga tahanan at kabuhayan, at pagkalooban mo ng ligtas na kanlungan ang mga napilitang lumikas. Basbasan at palakasin mo ang mga rescuers, volunteers, barangay officials, at lahat ng lingkod na buong tapang na tumutulong sa mga nangangailangan. Bigyan mo sila ng karunungan, lakas, at katatagan sa kanilang paglilingkod sa kapwa.

San Juan Nepomuceno, aming patron at tagapamagitan,
ipanalangin mo kami sa Panginoon. Samahan mo ang aming pamayanan sa panahong ito ng pagsubok at ilapit mo sa Diyos ang aming mga panalangin para sa kaligtasan at kapayapaan ng lahat.

Apung Lourdes de Cabiao, Ina naming mapagkalinga,
ipanalangin mo rin kami at ang aming mga pamayanan. Ilukob mo ang iyong manto ng pagkalinga sa lahat ng nangangailangan ng proteksiyon at pag-asa.

Ipanalangin ninyo kami sa inyong Anak na si Hesukristo, upang kami ay manatiling ligtas, matatag, at nagkakaisa sa gitna ng pagsubok na ito. Panginoon, turuan mo kaming manatiling kalmado, magtulungan, at patuloy na magtiwala sa Iyong pag-ibig at awa.

Panginoon, maawa Ka sa amin at iligtas Mo kami. Hinihiling namin ang lahat ng ito sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon.

Amen.

San Juan Nepomuceno, ipanalangin mo kami.
Apung Lourdes de Kabyaw, idalangin mo kami.











06/08/2026

𝐏𝐀𝐍𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐔𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐈𝐘𝐄𝐑𝐍𝐄𝐒 𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 (𝐅𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐅𝐫𝐢𝐝𝐚𝐲)

✠ 𝐒𝐚 𝐍𝐠𝐚𝐥𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐀𝐦𝐚, 𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐀𝐧𝐚𝐤, 𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐄𝐬𝐩𝐢𝐫𝐢𝐭𝐮 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐨, 𝐀𝐦𝐞𝐧.

𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧𝐨𝐨𝐧𝐠 𝐇𝐞𝐬𝐮𝐬, 𝐬𝐚 𝐈𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐏𝐮𝐬𝐨 𝐚𝐤𝐨 𝐩𝐨 𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐠𝐭𝐢𝐭𝐢𝐰𝐚𝐥𝐚 𝐚𝐭 𝐧𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐥𝐢𝐠. 𝐏𝐚𝐠𝐩𝐚𝐥𝐚𝐢𝐧 𝐌𝐨 𝐩𝐨 𝐬𝐚𝐧𝐚 𝐚𝐤𝐨 𝐚𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐬𝐚 𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲. 𝐆𝐚𝐰𝐢𝐧 𝐌𝐨 𝐫𝐢𝐧 𝐩𝐨 𝐬𝐚𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐥𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐢𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐨. 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧𝐨𝐨𝐧, 𝐚𝐥𝐢𝐬𝐢𝐧 𝐌𝐨 𝐫𝐢𝐧 𝐩𝐨 𝐬𝐚 𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐮𝐬𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐥𝐢𝐭, 𝐢𝐧𝐢𝐬, 𝐚𝐭 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐤𝐚𝐥𝐮𝐠𝐨𝐝-𝐥𝐮𝐠𝐨𝐝 𝐬𝐚 𝐈𝐲𝐨; 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚𝐧 𝐌𝐨 𝐩𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐢𝐭𝐨 𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐰𝐚, 𝐬𝐚𝐲𝐚 𝐚𝐭 𝐤𝐚𝐩𝐚𝐲𝐚𝐩𝐚𝐚𝐧. 𝐇𝐢𝐥𝐮𝐦𝐢𝐧 𝐌𝐨 𝐫𝐢𝐧 𝐩𝐨, 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧𝐨𝐨𝐧, 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐤𝐚𝐫𝐚𝐦𝐝𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐧𝐚𝐡𝐢𝐡𝐢𝐫𝐚𝐩𝐚𝐧. 𝐌𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 𝐩𝐨 𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭-𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭, 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧𝐨𝐨𝐧! 𝐀𝐦𝐞𝐧.

𝐊𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐥-𝐛𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐮𝐬𝐨 𝐧𝐢 𝐇𝐞𝐬𝐮𝐬,
𝙆𝙖𝙖𝙬𝙖𝙖𝙣 𝙢𝙤 𝙠𝙖𝙢𝙞!

✠ 𝐒𝐚 𝐍𝐠𝐚𝐥𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐀𝐦𝐚, 𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐀𝐧𝐚𝐤, 𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐄𝐬𝐩𝐢𝐫𝐢𝐭𝐮 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐨, 𝐀𝐦𝐞𝐧.

𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐓𝐔𝐄𝐒𝐃𝐀𝐘 𝐌𝐀𝐒𝐒Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa 𝗨𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗿𝘁𝗲𝘀 𝗻𝗴 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻, ngayong 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼 𝟰, 𝟮𝟬𝟮𝟲, sa 𝗗𝗮𝗺𝗯𝗮𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮...
03/08/2026

𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐓𝐔𝐄𝐒𝐃𝐀𝐘 𝐌𝐀𝐒𝐒

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa 𝗨𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗿𝘁𝗲𝘀 𝗻𝗴 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻, ngayong 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼 𝟰, 𝟮𝟬𝟮𝟲, sa 𝗗𝗮𝗺𝗯𝗮𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗽𝗶𝗹𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗵𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗕𝗶𝗿𝗵𝗲𝗻 𝗻𝗴 𝗟𝗼𝘂𝗿𝗱𝗲𝘀, 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗠𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝘆𝗮, 𝗖𝗮𝗯𝗶𝗮𝗼, 𝗡𝘂𝗲𝘃𝗮 𝗘𝗰𝗶𝗷𝗮.

🕠 𝟱:𝟬𝟬 𝗣𝗠 – 𝗕𝗮𝗻𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗥𝗼𝘀𝗮𝗿𝘆𝗼
🕠 𝟲:𝟬𝟬 𝗣𝗠 – 𝗕𝗮𝗻𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗠𝗶𝘀𝗮

Sa gitna ng nararanasang masamang panahon, sama-sama nating idulog sa Panginoon ang ating mga panalangin para sa kaligtasan ng bawat isa. Ipagdasal natin ang ating mga pamilya, ang mga komunidad na apektado ng bagyo, ang mga frontliners, rescuers, at lahat ng patuloy na naglilingkod sa kabila ng panganib. Nawa'y patuloy tayong ingatan ng Panginoon at pagkalooban ng lakas, pag-asa, at kapayapaan sa bawat pagsubok.

Kung ligtas at pinahihintulutan ng panahon ang inyong paglalakbay, malugod po namin kayong inaanyayahang makiisa sa Banal na Rosaryo at Banal na Misa. Higit sa lahat, patuloy po nating unahin ang kaligtasan ng bawat isa.

Sa mapagmahal na pamamagitan ni 𝗔𝗽𝘂𝗻𝗴 𝗟𝗼𝘂𝗿𝗱𝗲𝘀, ipagkatiwala natin sa Diyos ang ating mga intensiyon, ang ating mga mahal sa buhay, at ang ating bayan, na may buong pananampalataya at pagtitiwala sa Kanyang walang hanggang pag-ibig, awa, at pag-iingat.

𝙎𝙖𝙣𝙩𝙖 𝙈𝙖𝙧𝙞𝙖, 𝙄𝙣𝙖 𝙣𝙜 𝘿𝙞𝙮𝙤𝙨, 𝙞𝙥𝙖𝙣𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣 𝙢𝙤 𝙠𝙖𝙢𝙞.
𝙈𝙖𝙝𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝘽𝙞𝙧𝙝𝙚𝙣 𝙣𝙜 𝙇𝙤𝙪𝙧𝙙𝙚𝙨, 𝙞𝙥𝙖𝙣𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣 𝙢𝙤 𝙠𝙖𝙢𝙞.












03/08/2026

LIVE | Pontifical Mass in Celebration of the 25th Episcopal Ordination Anniversary of His Excellency, Most Rev. Sofronio Aguirre Bancud, SSS, DD, Bishop Emeritus of Cabanatuan, live from The New St. Nicholas of Tolentine Cathedral – Lakewood Project, Cabanatuan City, Nueva Ecija.
03 August 2026

Principal Celebrant:
His Excellency
Most Rev. Sofronio Aguirre Bancud, SSS, DD
Bishop Emeritus of Cabanatuan

"The Eucharist is the source and summit of the Christian life."
— Catechism of the Catholic Church, 1324

Copyright Disclaimer: No copyright infringement intended. Music used in this livestream belongs to its respective copyright owners.



28/07/2026

Address

Brgy. Maligaya, Nueva Ecija
Cabiao
3107

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nuestra Señora de Lourdes de Cabiao posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share