14/06/2026
𝗠𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗽𝗶𝘀𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗶 𝗦𝗮𝗻 𝗔𝗻𝘁𝗼𝗻𝗶𝗼 𝗱𝗲 𝗣𝗮𝗱𝘂𝗮!
Matagumpay na nairaos kahapon, ika-13 ng Hunyo, ang pagdiriwang ng Kapistahan ni San Antonio de Padua kasama ang mga mananampalataya ng Camp Tinio, na sinimulan sa pamamagitan ng pagdaraos ng Banal na Misa na pinangunahan nina Reb. Pd. Elmer S. Villamayor, Reb. Pd. Joseph P. Mañalac, PACEM, Reb. Pd. Rio Jose Gregorio, MSIHM, at Reb. Pd. Val Sotero, PACEM.
Taos-puso ring nagpapasalamat ang kabataan ng Hijos de San Antonio sa Chapel Pastoral Council (CPC), Kapitana Annie Pascual, HDSA Youth Adviser at sa iba pang nagbigay suporta at gabay upang maging matagumpay ang pagdiriwang na ito.
“𝘏𝘪𝘨𝘪𝘵 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘪𝘱𝘢𝘱𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘴𝘢 𝘨𝘢𝘸𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘴𝘢 𝘴𝘢 𝘴𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢.”
— Reb. Pd. Elmer S. Villamayor
𝗩𝗜𝗩𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗧𝗢𝗡𝗜𝗢!