San Isidro Labrador - Ibabao Bana

San Isidro Labrador - Ibabao Bana Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from San Isidro Labrador - Ibabao Bana, Catholic Church, Purok 3 Ibabao Bana, Cabanatuan City.

Bible Service ( Linggo – 9:30 Am)
Banal na Misa (Tuwing Ikatlong Linggo ng Buwan - 5:00 Pm)

Diyosesis ng Cabanatuan
Parokya ng San Vicente Ferrer
Ibabao-bana, Lungsod ng Cabanatuan, NE.

Bible ServiceπŸ—“οΈ May 24, 2026⏰ 9:30 AMπŸ“ San Isidro Labrador Chapel, Brgy. Ibabao BanaSama-sama tayong magpuri at magpasal...
22/05/2026

Bible Service

πŸ—“οΈ May 24, 2026
⏰ 9:30 AM
πŸ“ San Isidro Labrador Chapel, Brgy. Ibabao Bana

Sama-sama tayong magpuri at magpasalamat sa Panginoon!

Ika-7 Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat ng Panginoon | Baho ang Ano Pa Man, Tumingala ka!May 17, 2026Patuloy na nagpapasa...
17/05/2026

Ika-7 Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat ng Panginoon | Baho ang Ano Pa Man, Tumingala ka!
May 17, 2026

Patuloy na nagpapasalamat ang buong pamayanan ng San Isidro Labrador, Brgy. Ibabao Bana sa patuloy ninyong pag-aalay at pagdalo sa ating Bible Service na pinangunahan ni Bro. Darwin Laureano, maraming salamat sa biyaya ng iyong buhay!

Tunay na ang inyong presensya ang aming inspirasyon upang magpatuloy sa paglilingkod sa ating Panginoon. Gayondin sa ating mga minamahal na tagapangalaga ng ating bahay dalanginan, mula sa CPC, Catechist, Commentator, Lectors, Bag Collectors, Altar Servers, Choir, hanggang sa ating mga Kabataan na walang sawang tumutugon sa tawag ng Panginoon, kami ay nagpapasalamat at humahanga sa inyong buong puso at walang sawang paglilingkod sa ating Simbahan at sa komuninad.

Pagpalain tayo ng ating Panginoon!

Katrina Mae Caser | Reyna de las Flores 2026
15/05/2026

Katrina Mae Caser | Reyna de las Flores 2026

Ave Maria! πŸ’Puno ng pasasalamat ang ating mga puso sa matagumpay na pagdiriwang ng Flores de Maria. Kami po ay lubos na ...
15/05/2026

Ave Maria! πŸ’

Puno ng pasasalamat ang ating mga puso sa matagumpay na pagdiriwang ng Flores de Maria. Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at nag-alay ng kanilang panahon para sa tradisyong ito ng ating parokya at komunidad. Isang taos-pusong pasasalamat sa ating Reyna de las Flores, Katrina Mae Caser, at sa lahat ng mga naging bahagi ng sagala na nagbigay-kulay at ganda sa ating prusisyon. Salamat din sa mga magulang at mga nakiisa na walang sawang sumuporta mula sa simula hanggang sa huli.

Ang inyong pagkakaisa ay isang magandang alay para sa ating Mahal na Ina. Nawa ay patuloy tayong gabayan ng Mahal na Birhen patungo sa kanyang Anak na si Hesus.

Flores de Maria 2026 πŸ’
15/05/2026

Flores de Maria 2026 πŸ’

15/05/2026
Viva, San Isidro Labrador! 🌾 Isang mapagpala at matagumpay na pagdiriwang ng Kapistahan ng ating Patrong San Isidro Labr...
15/05/2026

Viva, San Isidro Labrador! 🌾

Isang mapagpala at matagumpay na pagdiriwang ng Kapistahan ng ating Patrong San Isidro Labrador ang ating naging karanasan ngayong taon.

Buong-puso po kaming nagpapasalamat sa ating Kurang Paroko, Fr. Mark Kevin Salac, sa pagpuna at pamumuno sa ating Banal na Misa ng pasasalamat, gayundin sa ating Punong Barangay, Kapitan Nuel Garcia, kasama ang buong Sanggunian sa kanilang walang sawang paggabay at suporta sa ating komunidad.

Ang tagumpay na ito ay hindi magiging posible kung wala ang pagkakaisa ng CPC, SOC, Katekista, Altar Servers, Youth, at ng ating mga Barangay Tanod na napanatili ang kaayusan at kaligtasan ng lahat. Taos-pusong pasasalamat din ang aming ipinaabot sa mga pamilyang nagbukas ng kanilang mga tahanan at naging sponsor sa ating Nobena.

Kay Queen Leo Reyes na bukas-palad na nag-alay ng mga magagandang damit nina Mama Mary at San Isidro Labrador, kay Jeslie Candelaria na nag-gayak ng mga bulaklak, altar ng simbahan, at paggayak sa imahe ng ating Mahal na Patron.

Nawa'y patuloy tayong ipanalangin at pagpalain ni San Isidro Labrador para sa masaganang pamumuhay at ani!

"Sa bawat pintuang bumukas, sa bawat dasal na binigkas."Ngayong ika-siyam at huling araw ng ating pagsisiyam, kami ay na...
14/05/2026

"Sa bawat pintuang bumukas, sa bawat dasal na binigkas."

Ngayong ika-siyam at huling araw ng ating pagsisiyam, kami ay nagpupugay kay San Isidro Labrador. Maraming salamat sa mga tahanang nagpatuloy sa kanya, sa mga debotong nanindigan mula umpisa hanggang dulo, at sa ating mga magigiting na tanod na tiniyak ang ating kaligtasan.

Hanggang sa susunod na taon ng pagkakaisa at pananampalataya!

Viva, San Isidro Labrador! 🌾

Address

Purok 3 Ibabao Bana
Cabanatuan City
3100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Isidro Labrador - Ibabao Bana posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share