Our Lady of Lourdes Chapel Valdefuente Cabanatuan City

Our Lady of Lourdes Chapel Valdefuente Cabanatuan City The official page of the Our Lady of Lourdes Chapel Cantarilla st., Valdefuente, Cabanatuan City

๐Ÿ๐Ÿ“ ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐ƒ๐š๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐š๐ -๐š๐š๐ค๐ฒ๐š๐ญ ๐ฌ๐š ๐‹๐š๐ง๐ ๐ข๐ญ ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐ข๐ซ๐ก๐ž๐ง๐  ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐šโ€œ๐˜•๐˜ข๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฎ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜บ๐˜ฏ๐˜ข, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฏ...
14/08/2026

๐Ÿ๐Ÿ“ ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐ƒ๐š๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐š๐ -๐š๐š๐ค๐ฒ๐š๐ญ ๐ฌ๐š ๐‹๐š๐ง๐ ๐ข๐ญ ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐ข๐ซ๐ก๐ž๐ง๐  ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š

โ€œ๐˜•๐˜ข๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฎ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜บ๐˜ฏ๐˜ข, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฐโ€™๐˜ต ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข.โ€

Aleluya! Aleluya!
Mga Anghel ay masaya
nang iakyat si Maria
sa langit na maligaya.
Aleluya! Aleluya!

๐Œ๐€๐๐”๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€
Lucas 1, 39-56

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Si Mariaโ€™y nagmamadaling pumunta sa isang bayan sa kaburulan ng Juda. Pagdating sa bahay ni Zacarias, binati niya si Elisabet. Nang marinig ni Elisabet ang bati ni Maria, naggagalaw ang sanggol sa kanyang tiyan. Napuspos ng Espiritu Santo si Elisabet, at buong galak na sinabi, โ€œPinagpala ka sa mga babae, at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan! Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon? Sapagkat pagkarinig ko ng iyong bati ay naggagalaw sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan. Mapalad ka sapagkat nanalig kang matutupad ang ipinasabi sa iyo ng Panginoon!โ€

At sinabi ni Maria,
โ€œAng puso koโ€™y nagpupuri sa Panginoon,
at nagagalak ang aking Espiritu dahil sa Diyos na aking Tagapagligtas.
Sapagkat nilingap niya ang kanyang abang alipin!
At mula ngayon, akoโ€™y tatawaging mapalad ng lahat ng salinlahi,
dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan โ€”
Banal ang kanyang pangalan!
Kinahahabagan niya ang mga may takot sa kanya, sa lahat ng saliโ€™t saling lahi.
Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig,
pinangalat niya ang mga palalo ang isipan.
Ibinagsak niya ang mga hari mula sa kanilang trono,
at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.
Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom,
at pinalayas niyang wala ni anuman ang mayayaman.
Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel,
bilang pagtupad sa pangako niya sa ating mga magulang,
kay Abraham at sa kanyang lahi, magpakailanman!โ€
Tumira si Maria kina Elisabet nang may tatlong buwan, at saka umuwi.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.






๐Ÿ๐Ÿ’ ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐๐š๐ - ๐š๐ฅ๐š๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ก๐ข๐ฆ๐ฅ๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐ข๐ซ๐ก๐ž๐ง๐  ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐šNgayong araw, buong pananampalataya nating ginuguni...
14/08/2026

๐Ÿ๐Ÿ’ ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐๐š๐ - ๐š๐ฅ๐š๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ก๐ข๐ฆ๐ฅ๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐ข๐ซ๐ก๐ž๐ง๐  ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š

Ngayong araw, buong pananampalataya nating ginugunita ang Pagkahimlay ng Mahal na Birheng Mariaโ€”ang mapayapang paghihimlay ng Ina ng ating Panginoon, bago ang kanyang maluwalhating pag-aakyat sa langit.

Sa kanyang paghihimlay, nakikita natin ang isang Ina na buong buhay na nagtiwala sa Diyos. Ang kanyang katahimikan ay hindi kawalan ng pag-asa, kundi isang ganap na pagtanggap sa kalooban ng Panginoon.

Sa piling ng mga apostol at sa ilalim ng biyaya ng Diyos, ang Mahal na Birhen ay nanatiling tanda ng pananampalataya, kababaang-loob, at pag-ibig. Ang kanyang buhay ay nagtuturo sa atin na ang bawat wakas ay maaaring maging simula ng isang mas dakilang pakikipag-isa sa Diyos.

Nawaโ€™y sa paggunita natin sa kanyang pagkahimlay, matutuhan din nating ilagak sa Panginoon ang lahat ng ating pangamba, pagod, sakit, at mga bagay na hindi natin kayang kontrolin. Sa pamamagitan ni Maria, nawaโ€™y magkaroon tayo ng pusong marunong magtiwala at mapayapang sumunod sa kalooban ng Diyos.

๐๐š๐ง๐š๐ฅ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง

O Mahal na Birheng Maria,
aming Ina at huwaran ng pananampalataya,
sa iyong mapayapang paghihimlay,
turuan mo kaming matutong magtiwala sa Diyos
sa bawat sandali ng aming buhay.

Kapag kami ay nanghihina,
palakasin mo ang aming pananampalataya.
Kapag kami ay nababalot ng pangamba,
ipaalala mong hindi kami nag-iisa.
At kapag dumating ang mga sandali
na kailangan naming magpaubaya,
turuan mo kaming tanggapin nang buong puso
ang banal na kalooban ng Diyos.

Maria, Ina ng aming Panginoon,
samahan mo kami sa aming paglalakbay.
Ipanalangin mo ang aming mga pamilya,
ang mga maysakit at nagdurusa,
ang mga nagdadalamhati,
at ang lahat ng nangangailangan ng pag-asa.

Dalhin mo ang aming mga panalangin sa iyong Anak,
at akayin mo kami palagi patungo sa Kanya.

Mahal na Birheng Maria,
ipanalangin mo kami.

Amen.





๐ŸŽ๐Ÿ— ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ— ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐งโ€œ๐˜—๐˜ข๐˜จ-๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ฐโ€™๐˜บ ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข, ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ด ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ด๐˜ข.โ€๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐— ๐—ถ๐˜€๐—ฎ: ๐Ÿด:๐Ÿฏ๐Ÿฌ ๐—ป...
08/08/2026

๐ŸŽ๐Ÿ— ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ— ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง

โ€œ๐˜—๐˜ข๐˜จ-๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ฐโ€™๐˜บ ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข, ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ด ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ด๐˜ข.โ€

๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐— ๐—ถ๐˜€๐—ฎ: ๐Ÿด:๐Ÿฏ๐Ÿฌ ๐—ป.๐˜‚
๐—ง๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐˜†๐—ผ๐—ฑ: ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฏ. ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฟ๐—ฒ ๐—ฅ๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ฒ๐—น ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ฒ๐—น๐—ผ

Aleluya! Aleluya!
P**n, ikaw ang pag-asa,
ang Salita moโ€™y ligaya,
pag-asa ko sa tuwina.
Aleluya! Aleluya!

๐Œ๐€๐๐”๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€
Mateo 14, 22-33

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, matapos pakainin ang mga tao, agad pinakasakay ni Hesus sa bangka ang kanyang mga alagad at pinauna sa kabilang ibayo samantalang pinauuwi niya ang mga tao. Pagkaalis ng mga ito, umahon siya sa burol upang manalangin. Nag-iisa siyang inabot doon ng gabi. Samantala, nasa laot na noon ang bangka at sinasalpok ng mga alon sapagkat pasalungat sa hangin. At nang madaling araw naโ€™y sumunod sa kanila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Kinilabutan sa takot ang mga alagad nang makita nilang may lumalakad sa ibabaw ng tubig. โ€œMulto!โ€ sigaw nila. Ngunit agad siyang nagsalita at sinabi sa kanila, โ€œHuwag kayong matakot; si Hesus ito!โ€ At nagsalita si Pedro, โ€œPanginoon, kung talagang kayo iyan, papariyanin ninyo ako sa ibabaw ng tubig.โ€ Sumagot siya, โ€œHalika.โ€ Kayaโ€™t lumunsad si Pedro sa bangka at lumakad sa ibabaw ng tubig, palapit kay Hesus. Ngunit nang mapansin niya ang hangin, siyaโ€™y natakot at nagsimulang lumubog. โ€œSagipin ninyo ako, Panginoon!โ€ sigaw niya. Agad siyang inabot ni Hesus. โ€œNapakaliit ng iyong pananalig!โ€ sabi niya kay Pedro. โ€œBakit ka nag-alinlangan?โ€ Pagkasakay nila sa bangka, tumigil ang hangin. At sinamba siya ng mga nasa bangka. โ€œTunay na kayo ang Anak ng Diyos!โ€ sabi nila.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.






๐ŸŽ๐Ÿ’ ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐‰๐ฎ๐š๐ง ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š ๐•๐ข๐š๐ง๐ง๐ž๐ฒ๐๐š๐ง๐š๐ฅ๐š๐ง๐ ๐ข๐งO San Juan Maria Vianney, hindi ka naging tanyag sa mund...
04/08/2026

๐ŸŽ๐Ÿ’ ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐‰๐ฎ๐š๐ง ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š ๐•๐ข๐š๐ง๐ง๐ž๐ฒ

๐๐š๐ง๐š๐ฅ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง

O San Juan Maria Vianney, hindi ka naging tanyag sa mundo, ngunit naging dakila sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng iyong kababaang-loob, sigasig sa paglilingkod, at malalim na pag-ibig sa Eukaristiya at sa mga kaluluwa.

Ikaw ay pastol na mabuti, na buong-buo mong inialay ang iyong buhay sa pakikinig, paggabay, at pagdadala ng kapayapaan sa mga nagsisisi at naghahanap ng Diyos.

Ipanalangin mo kami, San Juan Maria Vianney, nawa kami'y maging tapat at masigasig sa aming tawag sa buhay, magkaroon ng pusong mapagpakumbaba, matiyagang makinig, at laging nakatuon kay Hesus.

Tulungan mo kaming mahalin ang Simbahan, ilapit ang mga nalayo, at maging instrumento ng awa at pag-ibig ng Panginoon sa kapwa.
Amen.

๐™Ž๐™–๐™ฃ ๐™…๐™ช๐™–๐™ฃ ๐™ˆ๐™–๐™ง๐™ž๐™– ๐™‘๐™ž๐™–๐™ฃ๐™ฃ๐™š๐™ฎ, ๐™„๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ๐™ž๐™ฃ ๐™ข๐™ค ๐™ ๐™–๐™ข๐™ž.




๐ŸŽ๐Ÿ ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ– ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐งโ€œ๐˜—๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต, ๐˜– ๐˜”๐˜ข๐˜บ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ญ.โ€๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐— ๐—ถ๐˜€๐—ฎ: ๐Ÿด:๐Ÿฏ...
01/08/2026

๐ŸŽ๐Ÿ ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ– ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง

โ€œ๐˜—๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต, ๐˜– ๐˜”๐˜ข๐˜บ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ญ.โ€

๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐— ๐—ถ๐˜€๐—ฎ: ๐Ÿด:๐Ÿฏ๐Ÿฌ ๐—ป.๐˜‚
๐—ง๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐˜†๐—ผ๐—ฑ: ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฏ. ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฟ๐—ฒ ๐—ฅ๐—ฒ๐˜†๐—ป๐—ผ๐—น๐—ฑ ๐—ข๐—น๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ๐˜€

Aleluya! Aleluya!
Ang tao ay nabubuhay
sa Salita ng Maykapal
na pagkaing kanyang bigay.
Aleluya! Aleluya!

๐Œ๐€๐๐”๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€
Mateo 14, 13-21

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, nang marinig ni Hesus ang pagkamatay ni Juan Bautista, siyaโ€™y sumakay sa isang bangka at nag-iisang pumunta sa isang ilang na lugar. Nang mabalitaan naman iyon ng mga tao, silaโ€™y lumabas ng bayan at lakad na sumunod sa kanya. Paglunsad ni Hesus sa dalampasigan, nakita niya ang napakaraming taong yaon. Nahabag siya sa kanila at pinagaling niya ang mga maysakit na dala nila.

Nang dapit-hapon naโ€™y lumapit sa kanya ang mga alagad. Sinabi nila, โ€œIlang ang pook na ito at malapit nang lumubog ang araw. Papuntahin na po ninyo sa mga nayon ang mga tao upang makabili ng kanilang makakain.โ€ โ€œHindi na sila kailangang umalis pa,โ€ sabi ni Hesus. โ€œKayo ang magbigay sa kanila ng makakain.โ€ Sumagot sila, โ€œLilima po ang tinapay at dadalawa ang isda natin.โ€ โ€œDalhin ninyo rito,โ€ sabi niya. Pinaupo niya sa damuhan ang mga tao, kinuha ang limang tinapay at dalawang isda; tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pinagpira-piraso niya ang mga tinapay at iniutos sa mga alagad na ipamigay iyon sa mga tao. Kumain silang lahat at nabusog. Tinipon ng mga alagad ang lumabis, at silaโ€™y nakapuno ng labindalawang bakol ng hati-hating tinapay. May limanlibong lalaki ang kumain, bukod pa sa mga babae at mga bata.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.






๐Ÿ๐Ÿ” ๐‡๐ฎ๐ฅ๐ฒ๐จ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ• ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐งโ€œ๐˜๐˜ฏ๐˜ช๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ถ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฎ๐˜ฐ, ๐˜—๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹โ€™๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด.โ€๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐— ๐—ถ๐˜€๐—ฎ: ๐Ÿด...
25/07/2026

๐Ÿ๐Ÿ” ๐‡๐ฎ๐ฅ๐ฒ๐จ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ• ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง

โ€œ๐˜๐˜ฏ๐˜ช๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ถ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฎ๐˜ฐ, ๐˜—๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹โ€™๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด.โ€

๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐— ๐—ถ๐˜€๐—ฎ: ๐Ÿด:๐Ÿฏ๐Ÿฌ ๐—ป.๐˜‚
๐—ง๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐˜†๐—ผ๐—ฑ: ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฏ. ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฟ๐—ฒ ๐—๐—ผ๐—ท๐—ผ ๐— ๐—ฎ๐—น๐—น๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ

Aleluya! Aleluya!
Papuri sa Diyos Ama
pagkat ipinahayag nโ€™ya
Hari sโ€™ya ng mga aba.
Aleluya! Aleluya!

๐Œ๐€๐๐”๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€
Mateo 13, 44-52

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao: โ€œAng paghahari ng Diyos ay katulad ng kayamanang nakabaon sa isang bukid. Nahukay ito ng isang tao at tinabunan uli. Sa laking tuwa, siyaโ€™y humayo at ipinagbili ang lahat ng ari-arian niya at binili ang bukid na iyon.

Gayun din naman, ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: may isang mangangalakal na naghahanap ng mamahaling perlas. Nang makakita ng isang perlas na napakahalaga, siyaโ€™y humayo at ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at binili iyon.

โ€œAng paghahari ng Diyos ay katulad din ng isang malaking lambat na inihagis sa dagat at nakahuli ng sari-saring isda. Nang mapuno ay hinila ito sa pampang. At naupo ang mga tao upang pagbukud-bukirin ang mga isda: tinipon nila sa mga sisidlan ang mabubuti, ngunit itinapon ang mga walang kuwenta. Gayun din ang mangyayari sa katapusan ng daigdig. Darating ang mga anghel at ihihiwalay ang mga makasalanan sa mga banal, at ihahagis ang mga makasalanan sa maningas na pugon. Dooโ€™y mananangis sila at magngangalit ang kanilang ngipin.

โ€œNauunawaan na ba ninyo ang lahat ng ito?โ€ tanong ni Hesus. โ€œOpo,โ€ sagot nila. At sinabi niya sa kanila, โ€œKaya nga, ang bawat eskriba na kumikilala sa paghahari ng Diyos ay tulad ng isang puno ng sambahayan na kumukuha ng mga bagay na bago at luma sa kanyang taguan.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.






๐Ÿ๐Ÿ— ๐‡๐ฎ๐ฅ๐ฒ๐จ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ” ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐งโ€œ๐˜—๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ, ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ต๐˜ช ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ด๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ด๐˜ช.โ€๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐— ๐—ถ๐˜€๐—ฎ: ๐Ÿด:๐Ÿฏ๐Ÿฌ ๐—ป.๐˜‚...
18/07/2026

๐Ÿ๐Ÿ— ๐‡๐ฎ๐ฅ๐ฒ๐จ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ” ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง

โ€œ๐˜—๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ, ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ต๐˜ช ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ด๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ด๐˜ช.โ€

๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐— ๐—ถ๐˜€๐—ฎ: ๐Ÿด:๐Ÿฏ๐Ÿฌ ๐—ป.๐˜‚
๐—ง๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐˜†๐—ผ๐—ฑ: ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฏ. ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฟ๐—ฒ ๐—”๐—น๐—ณ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ผ ๐—ฆ๐—ฎ๐˜‚๐—น๐—ผ

Aleluya! Aleluya!
Papuri sa Diyos Ama
pagkat ipinahayag nโ€™ya
Hari sโ€™ya ng mga aba.
Aleluya! Aleluya!

๐Œ๐€๐๐”๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€
Mateo 13, 24-43

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, inilahad ni Hesus ang talinghagang ito sa mga tao. โ€œAng paghahari ng Diyos ay katulad nito: may isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kanyang bukid. Isang gabi, samantalang natutulog ang mga tao, dumating ang kanyang kaaway at naghasik ng masasamang damo sa triguhan. Nang tumubo ang trigo at magkauhay, lumitaw rin ang masasamang damo. Kayaโ€™t lumapit ang mga alipin sa puno ng sambahayan at sinabi rito, โ€˜Hindi po ba mabuting binhi ang inihasik ninyo sa inyong bukid? Bakit po may damo ngayon?โ€™ Sumagot siya, โ€˜Isang kaaway ang may kagagawan nito.โ€™ Tinanong siya ng mga utusan, โ€˜Bubunutin po ba namin ang mga iyon?โ€™ โ€˜Huwag,โ€™ sagot niya. โ€˜Baka mabunot pati trigo. Hayaan na ninyong lumago kapwa hanggang sa anihan. Pag-aaniโ€™y sasabihin ko sa mga tagapag-ani: Tipunin muna ninyo ang mga damo at inyong pagbigkis-bigkisin upang sunugin, at ang trigoโ€™y inyong tipunin sa aking kamalig.โ€™โ€

Isa na namang talinghaga ang inilahad ni Hesus sa kanila. โ€œAng paghahari ng Diyos ay katulad nito: may isang taong nagtanim ng isang butil ng mustasa sa kanyang bukid. Pinakamaliit ito sa lahat ng mga binhi, ngunit kapag natanim na at lumago ay nagiging pinakamalaki sa lahat ng puno ng gulay. Itoโ€™y nagiging punongkahoy, anupat napamumugaran ng mga ibon ang mga sanga nito.โ€

Nagsalaysay pa siya ng ibang talinghaga. โ€œAng paghahari ng Diyos ay katulad ng lebadura na inihalo ng isang babae sa tatlong takal na harina, at umalsa ang buong masa.โ€ Sinabi ni Hesus sa mga tao ang lahat ng ito sa pamamagitan ng talinghaga at wala siyang sinabi sa kanila nang hindi gumagamit ng talinghaga. Ginawa niya ito upang matupad ang sinabi ng propeta:

โ€œMagsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng mga talinghaga,
ihahayag ko sa kanila ang mga bagay na nalilihim mula nang likhain ang sanlibutan.โ€

Pagkatapos, iniwan ni Hesus ang mga tao at pumasok sa bahay. Lumapit ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanya, โ€œIpaliwanag po ninyo sa amin ang talinghaga tungkol sa masasamang damo sa bukid.โ€ Ito ang tugon ni Hesus, โ€œAng Anak ng Tao ang naghahasik ng mabuting binhi. Ang bukid ay ang sanlibutan. Ang mga taong pinaghaharian ng Diyos ang mabuting binhi at ang mga taong pinaghaharian ng diyablo ang masasamang damo. Ang kaaway na naghasik ng mga iyon ay walang iba kundi ang diyablo. Ang pag-aani ay ang katapusan ng daigdig, at ang mga anghel ang mga tagapag-ani. Kung paanong iniipon ang mga damo at sinusunog, gayon din ang mangyayari sa katapusan ng daigdig. Susuguin ng Anak ng Tao ang kanyang mga anghel, at iipunin nila mula sa kanyang pinaghaharian ang lahat ng nagiging sanhi ng pagkakasala at ang lahat ng gumagawa ng masama, at ihahagis sa maningas na pugon. Dooโ€™y mananangis sila at magngangalit ang kanilang ngipin. At magliliwanag na parang araw ang mga matuwid sa kaharian ng kanilang Ama. Ang mga pandinig ay makinig!โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.






๐‡๐ฎ๐ฅ๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐ข๐ซ๐ก๐ž๐ง๐  ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ง๐๐จ๐ค ๐๐ž๐ฅ ๐‚๐š๐ซ๐ฆ๐ž๐งTuwing ika-16 ng Hulyo, ginugunita ng Simbahan ang ka...
15/07/2026

๐‡๐ฎ๐ฅ๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐ข๐ซ๐ก๐ž๐ง๐  ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ง๐๐จ๐ค ๐๐ž๐ฅ ๐‚๐š๐ซ๐ฆ๐ž๐ง

Tuwing ika-16 ng Hulyo, ginugunita ng Simbahan ang kapistahan ng Mahal na Birhen ng Bundok Carmelo, isa sa mga pinakamatandang debosyon sa Mahal na Birheng Maria. Bilang Ina at Patrona ng Orden ng Carmelo, siya ay itinuturing na huwaran ng panalangin, pananampalataya, at ganap na pagsunod sa kalooban ng Diyos.

Ang Eskapularyo ng Carmelo ay isang tanda ng ating pagtatalaga at pagtitiwala sa kanyang maka-inang pagkalinga. Sa ilalim ng kanyang proteksiyon, nawaโ€™y manatili tayong matatag sa pananampalataya at laging maakay palapit sa kanyang Anak na si Hesukristo.

๐๐š๐ง๐š๐ฅ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง

Mahal na Birhen ng Bundok Carmelo, aming Ina at Reyna, buong pagtitiwala kaming lumalapit sa iyong mapagmahal na puso. Ikaw na pinili ng Diyos upang maging Ina ng Kanyang Bugtong na Anak, tanggapin mo ang aming mga panalangin at ilapit mo kami sa iyong Anak na si Hesukristo.

Sa ilalim ng iyong banal na pagkalinga, ilayo mo kami sa kasalanan at sa lahat ng kapahamakan. Patatagin mo ang aming pananampalataya, palalimin ang aming pag-asa, at pag-alabin ang aming pag-ibig sa Diyos at sa kapwa.

Ina ng Carmelo, turuan mo kaming tularan ang iyong kababaang-loob, kadalisayan, at ganap na pagsunod sa kalooban ng Diyos. Nawaโ€™y maging tapat kami sa aming bokasyon at mamuhay araw-araw bilang tunay na mga alagad ni Kristo.

Ipinagkakatiwala namin sa iyong mapagkalingang pamamagitan ang aming pamilya, ang aming Simbahan, ang aming bayan, at ang aming mga personal na kahilingan.

(Tahimik na banggitin ang inyong mga kahilingan.)

Mahal na Birhen ng Bundok Carmelo, ipanalangin mo kami ngayon at sa oras ng aming kamatayan. Nawaโ€™y akayin mo kami patungo sa iyong Anak upang makamtan namin ang buhay na walang hanggan.
Amen.

๐™ˆ๐™–๐™๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐˜ฝ๐™ž๐™ง๐™๐™š๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐˜ฝ๐™ช๐™ฃ๐™™๐™ค๐™  ๐™ฃ๐™œ ๐˜พ๐™–๐™ง๐™ข๐™š๐™ฃ, ๐™ž๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ๐™ž๐™ฃ ๐™ข๐™ค ๐™ ๐™–๐™ข๐™ž.




๐Ÿ๐Ÿ ๐‡๐ฎ๐ฅ๐ฒ๐จ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ“ ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐งโ€œ๐˜•๐˜ข๐˜จ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข, ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฉ๐˜ช ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข.โ€๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐— ๐—ถ๐˜€๐—ฎ: ๐Ÿด:๐Ÿฏ๐Ÿฌ...
11/07/2026

๐Ÿ๐Ÿ ๐‡๐ฎ๐ฅ๐ฒ๐จ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ“ ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง

โ€œ๐˜•๐˜ข๐˜จ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข, ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฉ๐˜ช ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข.โ€

๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐— ๐—ถ๐˜€๐—ฎ: ๐Ÿด:๐Ÿฏ๐Ÿฌ ๐—ป.๐˜‚
๐—ง๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐˜†๐—ผ๐—ฑ: ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฏ. ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฟ๐—ฒ ๐—ฅ๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ฒ๐—น ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ฒ๐—น๐—ผ

Aleluya! Aleluya!
Salita ng Dโ€™yos ang buto
na tanim ni Hesukristo
upang tumubo sa tao.
Aleluya! Aleluya!

๐Œ๐€๐๐”๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€
Mateo 13, 1-23

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noon ding araw na iyon, si Hesus ay lumabas ng bahay at naupo sa tabi ng lawa. Pinagkalimpumpunan siya ng makapal na tao, kaya sumakay siya sa isang bangka at doon naupo. Nasa dalampasigan naman ang mga tao. At nagturo siya ng maraming bagay sa pamamagitan ng mga talinghaga.

โ€œMay isang magsasakang lumabas upang maghasik. Sa kanyang paghahasik ay may binhing nalaglag sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at tinuka ang mga iyon. May binhi namang nalaglag sa kabatuhan. Sapagkat manipis lang ang lupa roon, sumibol agad ang binhing iyon, ngunit nang mapabilad sa matinding sikat ng araw ay natuyo, palibhasaโ€™y walang gaanong ugat. May binhi namang nalaglag sa dawagan; lumago ang mga dawag at ininis ang mga iyon. Ngunit ang binhing nalaglag sa mabuting lupa ay nag-uhay: may tigsasandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpung butil ang bawat uhay. Ang may pandinig ay makinig!โ€

Lumapit ang mga alagad at tinanong si Hesus: โ€œBakit po ninyo dinadaan sa talinghaga ang inyong pagsasalita sa kanila?โ€ Sumagot siya, โ€œIpinagkaloob sa inyo na malaman ang mga lihim tungkol sa paghahari ng Diyos, ngunit hindi ito ipinagkaloob sa kanila. Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa. Nagsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng talinghaga, sapagkat tumitingin sila ngunit hindi nakakikita, at nakikinig ngunit hindi nakaririnig ni nakauunawa.

Natutupad nga sa kanila ang hula ni Isaias na nagsasabi: โ€˜Makinig man kayo nang makinig,
hindi kayo makauunawa,
at tumingin man kayo nang tumingin,
hindi kayo makakikita.
Sapagkat naging mapurol ang isip ng mga taong ito;
mahirap makarinig ang kanilang mga tainga,
at ipinikit nila ang kanilang mga mata.
Kung di gayon, disin sanaโ€™y nakakita ang kanilang mga mata, nakarinig ang kanilang mga tainga,
nakaunawa ang kanilang mga isip,
at nagbalik-loob sa akin,
at pinagaling ko sila, sabi ng Panginoon.โ€™

โ€œMapalad kayo, sapagkat nakakikita ang inyong mga mata at nakaririnig ang inyong mga tainga! Sinasabi ko sa inyo: maraming propeta at matutuwid na tao ang nagnasang makakita sa inyong nakikita, ngunit hindi ito nakita, at makarinig sa inyong naririnig, ngunit hindi ito napakinggan.โ€

โ€œPakinggan nga ninyo ang kahulugan ng talinghaga tungkol sa manghahasik. Ang mga nakikinig ng Salita tungkol sa paghahari ng Diyos ngunit hindi nakauunawa nito ay katulad ng mga binhing nahasik sa tabi ng daan. Dumarating ang Masama at inaagaw ang nahasik sa kanilang puso. Inilalarawan ng binhing nahasik sa kabatuhan ang nakikinig ng Salita at masayang tumatanggap nito kaagad. Ngunit hindi ito tumitimo sa puso nila kayaโ€™t hindi sila nananatili. Pagdating ng mga kapighatian o pag-uusig dahil sa Salita, agad silang nanlalamig. Inilalarawan naman ng naghasik sa dawagan ang nakikinig ng Salita, ngunit naging abala sa mga bagay ukol sa mundong ito, at naging maibigin sa mga kayamanan anupat ang Salitaโ€™y nawalan na ng puwang sa kanilang puso, kayaโ€™t hindi makapamunga. At inilalarawan ng naghasik sa matabang lupa ang mga nakikinig ng Salita at nakauunawa nito. Silaโ€™y namumunga: may tigsasandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatalumpu.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.






๐‡๐ฎ๐ฅ๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ | ๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐๐ž๐ง๐ข๐ญ๐จ ๐€๐›๐š๐Ngayong araw ay ginugunita natin si San Benito Abad, Ama ng Kanluraning Monastis...
10/07/2026

๐‡๐ฎ๐ฅ๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ | ๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐๐ž๐ง๐ข๐ญ๐จ ๐€๐›๐š๐

Ngayong araw ay ginugunita natin si San Benito Abad, Ama ng Kanluraning Monastisismo at huwaran ng panalangin, paggawa, at banal na pamumuhay.

Sa pamamagitan ng kanyang tuntunin na โ€œOra et Laboraโ€ (Manalangin at Magtrabaho), itinuro niya na ang bawat gawain, gaano man kaliit, ay maaaring maging alay ng pag-ibig sa Diyos kung ginagawa nang may pananampalataya at kababaang-loob.

Sa gitna ng ingay at abala ng ating panahon, nawaโ€™y tularan natin si San Benito sa paghahanap ng katahimikan, katapatan sa panalangin, at pagtitiwala sa Panginoon sa bawat araw ng ating buhay. Amen

๐™Ž๐™–๐™ฃ ๐˜ฝ๐™š๐™ฃ๐™ž๐™ฉ๐™ค ๐˜ผ๐™—๐™–๐™™, ๐™ž๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ๐™ž๐™ฃ ๐™ข๐™ค ๐™ ๐™–๐™ข๐™ž.




Address

Cantarilla Street , Valdefuente
Cabanatuan City
3100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Our Lady of Lourdes Chapel Valdefuente Cabanatuan City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share