16/08/2026
PAGHAHATID NG CLYP CROSS
Ngayong 16 Agosto 2026, ginanap ang Rito ng Pamamaalam at Pagdiriwang ng Banal na Misa para sa pag-alis ng CLYP Cross, na matapos ang makabuluhang pagdalaw sa ating parokya ay itinuloy ang paglalakbay patungo sa Mother of Perpetual Help Parish.
Buong pasasalamat nating inaalala ang mga panalangin, pagninilay, at pagkakaisa na naging bahagi ng pagdalaw ng CLYP Cross sa ating pamayanan. Nawa’y ang presensya ng Banal na Krus ay patuloy na maging paalala ng pagmamahal, sakripisyo, at pananampalataya kay Kristo.
Salamat, CLYP Cross, at hanggang sa muli!