24/05/2026
BIGYANG-KASIYAHAN ANG KAPWA
( ROMA 15:1-6 )
1. Tulungan ang isa’t isa sa pananampalataya
2. Tularan si Cristo
3. Magkaisa para sa Kaluwalhatian ng Diyos
Ipinakita ni Jesus ang perpektong halimbawa ng hindi pagiging makasarili. Hindi Niya inuna ang Kanyang sarili kundi ang kaligtasan at kabutihan ng tao. Kaya hinihikayat tayo ni Pablo na magkaisa, magdamayan, at magbigay-lakas sa isa’t isa upang ang Diyos ay maluwalhati sa pamamagitan ng ating pagkakaisa.
Minsan, isang simpleng pakikinig, pagdamay, o mabuting salita ay sapat na upang mapasaya at mapalakas ang loob ng ating kapwa. Ang buhay Kristiyano ay hindi lamang tungkol sa personal na relasyon sa Diyos kundi pati sa pagmamahal sa kapwa.