02/08/2026
𝐒𝐌𝐃𝐏 𝐘𝐎𝐔𝐓𝐇 𝐌𝐎𝐍𝐓𝐇𝐋𝐘 𝐌𝐄𝐄𝐓𝐈𝐍𝐆 – 𝐀𝐔𝐆𝐔𝐒𝐓 𝟐𝟎𝟐𝟔
Ngayong buwan ng Agosto, muling nagsama-sama ang mga 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗻 𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻 𝗗𝗲 𝗣𝗼𝗿𝗿𝗲𝘀 – 𝗖𝗵𝗮𝗽𝗲𝗹 upang pag-usapan ang mahahalagang paalala at paghahanda para sa ating mga gawain bilang isang ministeryo.
Sa pagpupulong na ito, 𝗶𝗻𝗶𝗹𝗶𝗻𝗮𝘄 muli ang mga napagkasunduang alituntunin, kabilang ang sistema ng ating mga 𝗰𝗹𝗲𝗮𝗻𝗲𝗿𝘀, upang matiyak na nauunawaan at maisasagawa ito ng bawat isa. Tinalakay rin ang ating magiging gawain tuwing Miyerkules, ang sama-samang pagdarasal ng 𝗥𝗼𝘀𝗮𝗿𝘆 at 𝗡𝗼𝘃𝗲𝗻𝗮 kay 𝗠𝗮𝗺𝗮 𝗠𝗮𝗿𝘆, at ang mga kinakailangang paghahanda ng bawat kabataan. Gaya ng nakasanayan, muling ipinaalala ang iba pang mga paalalang madalas na binibigyang-diin sa ating mga pagpupulong, kabilang ang mga dapat at hindi dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng 𝗛𝗮𝗽𝗮𝗴 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻𝗼𝗼𝗻 bilang paggalang at pagpapakita ng disiplina sa ating paglilingkod.
Patuloy nating isabuhay ang 𝗱𝗶𝘀𝗶𝗽𝗹𝗶𝗻𝗮, 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗴𝘂𝘁𝗮𝗻, at 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝘀𝗮 upang lalo pang maging makabuluhan ang ating paglilingkod sa Diyos at sa ating komunidad.
🌟