31/08/2026
Ika-31 ng Agosto 2026 | Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon
𝙄𝙥𝙞𝙣𝙖𝙥𝙖𝙖𝙡𝙖𝙡𝙖 𝙣𝙞 𝙃𝙚𝙨𝙪𝙨 𝙨𝙖 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙗𝙪𝙩𝙞𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙡𝙞𝙩𝙖 𝙣𝙜𝙖𝙮𝙤𝙣 𝙣𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙨𝙪𝙨𝙪𝙣𝙤𝙙 𝙨𝙖 𝙆𝙖𝙣𝙮𝙖 𝙖𝙮 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙡𝙖𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙙𝙖𝙡𝙞. 𝙎𝙖𝙗𝙞 𝙉𝙞𝙮𝙖, “𝙇𝙞𝙢𝙪𝙩𝙞𝙣 𝙣𝙞𝙮𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙪𝙠𝙤𝙡 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙣𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙧𝙞𝙡𝙞, 𝙥𝙖𝙨𝙖𝙣𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙣𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙧𝙪𝙨 𝙖𝙩 𝙨𝙪𝙢𝙪𝙣𝙤𝙙 𝙨𝙖 𝙖𝙠𝙞𝙣.” 𝙄𝙥𝙞𝙣𝙖𝙥𝙖𝙖𝙡𝙖𝙡𝙖 𝙣𝙞 𝙃𝙚𝙨𝙪𝙨 𝙣𝙖 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙡𝙖𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙙𝙖𝙡𝙞𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙙𝙖𝙖𝙣 𝙖𝙮 𝙖𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙢𝙖. 𝙈𝙖𝙮 𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙖𝙣𝙖𝙝𝙤𝙣 𝙣𝙖 𝙠𝙖𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙨𝙖𝙣𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙠𝙧𝙪𝙨—𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙝𝙞𝙧𝙖𝙥, 𝙥𝙖𝙜𝙨𝙖𝙠𝙧𝙞𝙥𝙞𝙨𝙮𝙤, 𝙖𝙩 𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙨𝙪𝙗𝙤𝙠 𝙣𝙖 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙥𝙖𝙡𝙖𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙞𝙞𝙬𝙖𝙨𝙖𝙣. 𝙉𝙜𝙪𝙣𝙞𝙩 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖 𝙖𝙮 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙩𝙖𝙮𝙤 𝙢𝙖𝙜𝙥𝙖𝙨𝙖𝙥𝙖𝙬 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙨𝙪𝙗𝙤𝙠, 𝙠𝙪𝙣𝙙𝙞 𝙥𝙖𝙩𝙪𝙡𝙤𝙮 𝙣𝙖 𝙨𝙪𝙢𝙪𝙣𝙤𝙙 𝙠𝙖𝙮 𝙆𝙧𝙞𝙨𝙩𝙤. 𝘿𝙖𝙝𝙞𝙡 “𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙜-𝙖𝙖𝙡𝙖𝙮 𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙣𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜-𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖 𝘼𝙠𝙞𝙣 𝙖𝙮 𝙨𝙞𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙜𝙠𝙖𝙠𝙖𝙢𝙞𝙩 𝙣𝙞𝙩𝙤.” ✞
Nawa’y sa bawat krus na ating pinapasan, piliin nating manatiling tapat sa Panginoon. Huwag nating hayaang ang mga pagsubok ang maging dahilan upang tayo’y lumayo sa Kanya. Sa halip, gawin natin itong pagkakataon upang mas lalo tayong manalig, magmahal, at sumunod kay Kristo.
Maraming salamat po, Bro. Jayson Simbulan, sa dalawang buwang pamamalagi ninyo sa aming Bahay Dalanginan. Tunay na napakaganda at napakalalim ng inyong mga repleksyon na siyang tumatama sa aming mga puso at nagbibigay sa amin ng pagkakataong magnilay at mas mapalapit sa Panginoon. Nawa po ay patuloy kayong samahan, gabayan, at pagpalain ng Panginoon sa bawat hakbang ng inyong buhay at paglilingkod. Nawa po ay manatili sa inyo ang lakas, karunungan, at pusong handang magbahagi ng Salita ng Diyos. At saan man po kayo dalhin ng inyong misyon, nawa’y patuloy ninyong maging instrumento ng Kanyang pagmamahal at liwanag sa iba. ✞🤍