22/08/2026
Sa mundong puno ng pansamantalang koneksyon, hanapin at panatilihin mo ang mga taong naglalapit ng pangalan mo sa trono ng Diyos.
Piliin ang mga taong nagpapatibay ng iyong pananampalataya. Huwag mong bitawan ang mga kaibigang mas gustong marinig mo ang salita ng Diyos kaysa sa mga tsismis ng mundo.
Huwag mong i-disconnect yung mga taong nagco-connect sa’yo kay Lord.
Alam mo yung friend na biglang magsasabi,
“Bro, pray muna tayo.”
“Uy, okay ka lang ba spiritually?”
“Tara church.”
“Baka kailangan mo na ulit bumalik kay Lord.”
Sometimes, annoying siya pakinggan. Pero baka ginagamit sila ni Lord para i-remind ka kung saan ka dapat bumalik. Sabi sa Proverbs 27:17, “As iron sharpens iron, so one person sharpens another.”
Hindi lahat ng nagco-correct sa’yo ay against sa’yo. Hindi lahat ng nagre-remind ay nang-iistorbo. Some people are God’s way of helping you stay close to Him.
Kaya kung may taong genuinely helping you grow in Christ, don’t push them away. Keep them close.
Kailangan natin ng mga taong hindi lang sasabay sa atin, kundi tutulong sa atin makalapit lalo kay Jesus.
Ingatan mo ang mga taong ipinapanalangin ka!
Mga tao na Hindi ka sinusukuan sa Panalangin para lang maging close kayo ni Lord,
mga tao na nais Kang makasama sa kaharian ng Diyos,mga tao na kahit may sariling suliranin pinipili ka paring I remind para umattend ka ng Gawain, magdevotion at manalangin Hindi para sa kanilang tungkulin kondi para saying paglago para Kay Kristo at Sayo..
Kung ang isang tao ay patuloy na nagiging inspirasyon upang magbasa ka ng Bibliya at manalangin, huwag mo silang hahayaang mawala sa buhay mo..Sila Ang dapat mong samahan..
Sinasabi sa Kawikaan 13:20, "Ang lumalakad kasama ng marurunong ay magiging marunong, ngunit ang kasama ng mga nguwal ay mapapahamak." Ang mga taong may takot sa Diyos ang tunay na matatalinong kasama.
Dahil Sabi sa Kawikaan 27:17, "Kung paanong pinatatalas ng bakal ang kapwa bakal, pinatatalas naman ng isang tao ang kanyang kaibigan." Huwag mong iwanan ang mga taong nagpapatalas ng iyong espirituwal na buhay.
🙏🏽🙏🏽🙏🏽