๐—๐—ฃ๐—•๐—– ๐—–๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ฎ๐—ป

  • Home
  • Philippines
  • Cabanatuan City
  • ๐—๐—ฃ๐—•๐—– ๐—–๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ฎ๐—ป

๐—๐—ฃ๐—•๐—– ๐—–๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ฎ๐—ป Welcome Home โ€“ Grow Together!

Join Us Every โœ“ Sunday 7:00PM : Worship Service at Macatbong โœ“ Sunday : D - Group Meeting at Camella Phase 1 Camella Unit 12 Lot 12 Be TRANSFORMED & Be FULFILLED

18/06/2026

WE ARE LOOKING FOR

We are calling out faithful and dedicated servants who have a heart for the Gospel and a desire to expand Godโ€™s Kingdom. If you feel called to fullโ€‘time or volunteer ministry, we invite you to apply for the following positions:

1. Campus Missionary
Assignment: Universities and Integrated Schools in Talavera and Cabanatuan City, Nueva Ecija
โœ… Requirements:

- At least a Dโ€‘Group Leader or active volunteer from JPBC Family
- Applicants from other local churches and paraโ€‘church organizations are also welcome

2. International Missionary
Assignment: Dubai and Japan
โœ… Requirements:

- At least a Dโ€‘Group Leader or active volunteer from JPBC
- Missionary applicants from other churches are also welcome.

3. Barangay Community Missionary
Assignment: Local communities and barangays
โœ… Requirements:

- At least a Dโ€‘Group Leader or active volunteer from JPBC
- Missionary applicants from other churches are also welcome.

4. City Church Missionary
Assignment: Metro Manila
โœ… Requirements:

- At least a Dโ€‘Group Leader or active volunteer from JPBC
- Missionary applicants from other churches are also welcome.

We provide proper training, pastoral support, and guidance as you serve. This is a great opportunity to grow spiritually and make a lasting impact for Christ.

If you are interested or would like to know more, please send your profile or inquire at our Missions Office. May the Lord direct you as you consider this calling.

Message Us here.

12/06/2026

By JPBC Main Management

OFFICIAL STATEMENT

FOR THE INFORMATION AND GUIDANCE OF CHRISTIAN LEADERS, MINISTRIES, AND BELIEVERS IN NUEVA ECIJA AND ADJACENT REGIONS
ALSO TO OUR JPBC FAMILY, THE MACATBONG COMMUNITY, AND ALL MEMBERS OF AMMNE

Subject: Important Advisory Regarding Pastor Lolito Pedrasa

Ang pahayag na ito ay nakabatay po sa karanasan ng mga nabiktima at sa mga napatunayang ulat mula sa mga simbahan at ministeryong kanyang pinaglingkuran noon.

Nais po naming linawin nang malinaw: hindi ito inilalabas upang humusga o manira ng sinuman. Ibinabahagi lamang po namin ito sa diwa ng katotohanan, katapatan, at pagkalinga sa kapwa. Ang pangunahing layunin po ay magbigay ng sapat na kaalaman upang ang bawat kapatiran, pinuno, at kabarangay ay makapagpasya nang may karunungan at tamang pag-iingat.

Malaya po nating maibabahagi ito upang magbigay-alam at magpaalala sa ating mga kapatiran at kapwa mamamayan.



โš ๏ธ INFORMATION AND GUIDANCE

1. Demeanor and Approach
Ayon po sa aming naranasan at sa salaysay ng iba, kapag siya ay nakausap, siya ay magalang, madaling lapitan, at maayos makitungo. Madali po siyang makakuha ng tiwala sa pamamagitan ng kanyang kilos at pananalita. Gayunpaman, ito po ang naging karaniwang daloy: matapos makuha ang tiwala at magkaroon ng magandang ugnayan, madalas po siyang humihingi ng tulong pinansyal o donasyon. Ibinabahagi po ito bilang paalala lamang.

2. Use of Images and Fund Management
Noong panahong naglingkod siya bilang Administrative Pastor sa JPBC โ€“ Jesus Precious Blood Church, mayroon po kaming tiyak na nalaman. Ginamit po niya ang mga larawan ng mga miyembro, gawain, at pasilidad ng simbahan upang bumuo ng mga proyekto at makalikom ng pondoโ€”hindi lamang po mula sa lokal na komunidad kundi pati na rin sa mga kasosyo sa ibang bansa, partikular sa Korea.

Mahalagang malaman po:
Ang mga pondong nalikom sa pangalan ng simbahan ay hindi naisumite at hindi nagamit para sa orihinal na layunin ng ministeryo. Sa halip, napatunayan po ng mga apektado na ang mga ito ay ginamit para sa kanyang sariling gastusin at pangangailangan ng kanyang pamilya. Ang ganitong pangyayari po ay kinumpirma rin ng ibang mga simbahan at indibidwal na kanyang pinaglingkuran noon.

3. Representation of Projects and Travel
Madalas po niyang ipinapakilala ang kanyang mga paglalakbay sa mga lugar tulad ng Cambodia at iba pang bansa bilang mga opisyal na misyon o gawaing makatao upang makalikom ng suporta. Ngunit ayon po sa impormasyong nakuha ng mga naunang nakasalamuha sa kanya, ang mga paglalakbay na ito ay ginamit para sa kanyang pansariling kapakinabangan at hindi ganap na nakatuon sa mga layuning kanyang inilahad. Naitala rin po na ang pondong dapat sana ay para sa gawain ng mga bata at iba pang programa ay ginamit para sa kanyang sariling ari-arian, kabilang ang pagpapatayo ng kanyang tahanan.

4. Pattern in Ministry Development
Batay po sa mga karanasang ibinahagi, napagmasdan na sa ilalim ng kanyang pangangasiwa, hindi naisulong ang tunay na paglago o pag-unlad ng simbahan. Sa halip, nanatili po itong tila nangangailangan ng tulongโ€”na siyang naging dahilan upang patuloy itong makatanggap ng suporta mula sa mga mabubuting kalooban. Ibinabahagi po ito upang magkaroon ng malinaw na pagkaunawa sa naging takbo ng mga pangyayari.

5. Clarification on Affiliation
Nais po naming idiin nang malinaw at tiyakan:
Si Pastor Lolito Pedrasa ay hindi kabilang, hindi binibigyan ng awtoridad, at hindi kinikilala ng JPBC โ€“ Jesus Precious Blood Church.
Hindi po namin siya ina-allow na gamitin ang pangalan, kasaysayan, o pangalan ng aming simbahan sa anumang paraan. Ayon po sa mga naunang nakaranas, maaari po niya itong gamitin upang lumapit sa inyo, humingi ng tulong pinansyal, mangalap ng pondo, mag-anyaya na maging miyembro, o mag-alok na makasama sa kanyang grupo. Kaya ipinapayo po namin na huwag agad maniwala sa ganitong mga pahayag.

6. Social Media Information
Upang madali po siyang makilala at makumpirma, narito po ang kanyang kilalang Facebook account:
๐Ÿ”— https://www.facebook.com/share/1cBUPbm1mb/

Sinubukan po ng mga kinauukulan na makausap siya upang linawin ang mga bagay-bagay, ngunit napag-alaman po na hinarangan niya ang kanilang mga account. Ibinabahagi po ang link na ito para lamang sa pagkilala at gabay, at hindi upang siraan ang kanyang pangalan.

7. Current Location and Areas of Activity
Ayon po sa mga ulat, sa kasalukuyan ay madalas po siyang pumupunta at manatili sa mga lugar kung saan hindi pa siya gaanong kilala. Kabilang dito po ang Manacnac sa Palayan City at Macatbong sa Cabanatuan City. Maaari rin po siyang pumunta sa ibang komunidad na limitado pa ang impormasyon tungkol sa kanyang nakaraan. Dahil dito, hinihikayat po namin ang lahat ng samahan, simbahan, at pamilya sa mga nasabing lugar na maging mapagmasid. Dahil hindi pa alam ng marami ang kanyang kasaysayan, may posibilidad po na dito niya ituloy ang kanyang karaniwang pamamaraan.

8. General Pattern of Activity
Alam din po namin na hindi na siya tinatanggap o pinapayagang maglingkod sa mga lugar kung saan kilala na ang kanyang nakaraan. Kaya madalas po siyang lumilipat sa mga bagong lugar, kung saan inuulit ang parehong hakbang: makipagkaibigan, kumuha ng mga larawan, magpakilala ng mga proyekto, at mangalap ng pondo.

9. Strategy and Modus Operandi in Joining Associations
Isa po sa kanyang mga estratehiya ay ang pagsali sa ibaโ€™t ibang samahan, asosasyon, at gawaing pang-misyon. Ginagamit po niya ang mga pangalan at impluwensya ng mga kilalang samahan at pinunong Kristiyano upang makakuha ng tiwala. Kabilang sa mga pangalang madalas po niyang binabanggit ay ang (AMMNE) Alliance of Ministers & Ministries in Nueva Ecija - AMMNE ,Cross Culture, Cross District, IRM, The 700 Club (700 Club Philippines), Jesus Precious Blood Church -Buasao, at iba pa.

Mahalagang linawin po: Ang mga samahang ito ay hindi kasabwat o may kinalaman sa kanyang mga gawain. Ang mga pangalan lamang po nila ang ginagamit niya upang magmukhang lehitimo at mapagkakatiwalaan.

Ang kanyang pamamaraan po ay kahit hindi siya opisyal na miyembro, kinikilalang lider, o bahagi ng anumang samahan, hihingan pa rin po niya ng tulong pinansyal o pondo ang mga kasapi. Madalas din po na mula sa kanyang pagsali sa samahan, hihikayatin at kukunin niya ang mga miyembro para sa kanyang sariling layunin.

Dahil dito, partikular po naming pinag-iingat ang ating mga kapwa pastor at kasamahan sa simbahan. Kung sakaling lumapit o magpakilala siya sa inyong samahan, alamin po agad ang kanyang tunay na layunin at pag-aralan nang mabuti ang kanyang nakaraan bago magtiwala o magbigay ng anumang tulong.



๐Ÿ“ข PURPOSE OF THIS COMMUNICATION

Muli, nais po naming bigyang-diin: hindi ito inilalabas upang manira ng sinuman, kundi upang ibahagi ang mga napatunayang katotohanan mula sa karanasan ng mga nabiktima para sa kapakanan ng lahat.

Bilang mga mananampalataya po, tinatawag tayong pangalagaan ang katapatan at maging mabuting tagapamahala ng mga yaman na ipinagkatiwala sa gawain ng Diyos. Ang impormasyong ito po ay ibinabahagi upang magkaroon kayo ng sapat na kaalaman at makapag-ingat.

Hindi po namin itinatanggi na ang sinuman ay may kakayahang magbago. Ngunit hangga't walang malinaw na patunay ng tunay na pagbabago at pananagutan sa mga nagawang pagkakamali, ang pag-iingat po ay nananatiling karapatan at responsibilidad ng bawat isa. Nais din po naming masiguro na ang anumang tulong ay mapupunta sa mga lehitimo, tapat, at may pananagutang ministeryo.

Lubos po kaming umaasa sa inyong pang-unawa at pagtanggap sa mabuting layunin ng pahayag na ito.

Released and Shared by:
Mga Nabiktima at Kinauukulan
Kasama ang Pamunuan ng JPBC
Para sa kaalaman ng pamilya ng JPBC, komunidad ng Macatbong, at mga miyembro ng AMMNE

Paalala po: Ibinabahagi lamang ito para sa pag-iingat at proteksyon ng lahat. Hindi ito naglalayong manira ng dangal ng sinuman, kundi magbigay ng babala batay sa napatunayang pangyayari. Ang mga pangalan ng samahang binanggit ay ginamit lamang bilang halimbawa ng kanyang estratehiya, at hindi ibig sabihin na sila ay may sala o sangkot.

Sakanyang mga taga sunod pag aralan ng mabuti ang bawa kilos at huwag po agad agad mag papadala. Ipagtanong sya sa mga taga Baloc or kung saan sya galing na community.

30/05/2026
22/04/2026

๐Ÿ’” PAANO MO MALAMAN KUNG "SIYA NA" NGA O TAMA NA IPAGLABAN?

Madaling sabihin na "Tiwala ka lang" at "Dasal ka lang"...
Pero pag ikaw na ang nasa sitwasyon, ang bigat pala mag-decide! ๐Ÿฅบ

โœ… Check mo ang DIREKSYON โ€“ Pareho ba kayo ng lakad papuntang Lord?
โœ… Check mo ang KILOS โ€“ Hindi lang salita, kundi character at respeto!

โš ๏ธ TANDAAN:
Kung hindi ka mapayapa... SIGNS OF WRONG DIRECTION YAN!
Huwag kang mag-settle sa "pwede na", dahil habambuhay 'yan eh.

Alamin ang tamang desisyon sa pag-ibig. ๐Ÿ‘‡
WATCH VIDEO: Walk with God with Pastor Fal





20/04/2026

๐Ÿš€ DAILY UPGRADE With Pastor Fal
FAMILY RELATIONSHIP

"PAANO NAGING "STRANGERS" ANG MAGKAKAPAMILYANG DATI NAMAN AY "SWEET" AT MASAYA?"

๐Ÿก Yung tipong magkasama sa bahay, pero parang hindi magkakilala.
Yung dami ng gamit, pero wala nang oras sa isa't isa.

๐Ÿ“– GENESIS 2:24
"Therefore a man shall leave his father and mother and be joined to his wife, and they shall become one flesh."

๐Ÿ’ก ALAMIN ANG SAGOT:
โœ… TEAM WORK, HINDI KANYA-KANYA
โœ… IPADAMA ANG PAGMAMAHAL, HINDI LANG ISIPIN

PANOORIN ANG VIDEO

10/04/2026

๐Ÿ“… DAILY UPGRADE
with Pastor Fal

Volunteer kaba sa Church? Ano ang kahalagahan nito. Bakit tayo dapat mag ministry?

"Bayad po sa akin ay blessings na walang katapusan!" ๐Ÿ˜‡โœจ

Madalas nating isipin na trabaho o obligasyon lang ang paglilingkod. Pero ang totoo, isang malaking PRIVILEGE at KARANGALAN ito na mapili at magamit tayo ng Diyos.

Hindi lahat nabibigyan ng pagkakataong makapaglingkod, kaya gawin natin ito nang bukal sa loob.

๐Ÿ“– "Whatever you do, work at it with all your heart, as working for the Lord..."
โ€” Colossians 3:23

๐Ÿ”‘ TANDANAN NATIN:

1. PINILI TAYO โ€“ Hindi tayo napilitan, pinili tayo ng Diyos para gamitin ang buhay natin.
2. TAYO ANG BENEFITED โ€“ Akala natin tayo ang nagbibigay, pero mas marami tayong natatanggap na blessings at growth.

๐Ÿ’ก "Greatness in God's kingdom is measured by service, not position." โ€” John Maxwell

Kaya huwag tayong magsawa. Ang paglilingkod ay hindi pabigat, ito ay pribilehiyo. Habang tapat tayo, Siya na ang bahala sa atin! ๐Ÿ™Œ

๐Ÿ‘‡ Panoorin ang buong video para sa buong aral!

09/04/2026

๐Ÿ“… DAILY UPGRADE
with Pastor Fal
"Bata ka pa, pero hindi eternal ang katawan mo!" ๐Ÿ˜…

Madalas sabihin natin, "Bata pa ko, kaya ko 'to!" Pero ang totoo, ang katawan natin ay Templo ng Diyos at hindi ito napapalitan. Kaya habang maaga pa, alagaan na natin!

๐Ÿ“– "Do you not know that your bodies are temples of the Holy Spirit..."
โ€” 1 Corinthians 6:19

๐Ÿ”‘ TANDANAN NATIN:

1. BODY IS ASSET โ€“ Kung sira ang katawan, mahihirapan abutin ang pangarap.

2. REST IS SPIRITUAL โ€“ Ang marunong magpahinga ay mas malapit sa Diyos at mas produktibo.

๐Ÿ’ก "Take care of your body. It's the only place you have to live." โ€” Jim Rohn

Mahalin at alagaan ang sarili. Dahil kapag healthy ka, READY kang harapin ang anumang laban ng buhay! ๐Ÿ™

๐Ÿ‘‡ Panoorin ang buong video para sa buong aral!

07/04/2026

๐Ÿ“… DAILY UPGRADE
with Pastor Fal

"Sweldo pa lang Day 1, ubos na agad?" ๐Ÿ˜…

Madalas nating marinig: "Nagtatrabaho lang ako para pakainin ang bills ko!" Pero alam niyo ba kung bakit nangyayari ito?

Ang totoo po, hindi sa dami ng kinikita yan, kundi sa kung paano natin ito hinahawakan. Ang tunay na yaman ay nasa karunungan at disiplina.

๐Ÿ“– "The rich rule over the poor, and the borrower is slave to the lender."
โ€” Proverbs 22:7

๐Ÿ”‘ TANDANAN NATIN:

1. WISDOM OVER WEALTH โ€“ Kapag may alam ka, kahit mawala ang pera, kikitain mo ulit.
2. CONTENTMENT IS KEY โ€“ Ang taong marunong makuntento, laging payapa at mayaman sa puso.

๐Ÿ’ก "Do not save what is left after spending, but spend what is left after saving." โ€” Warren Buffet

Kaya simulan natin ngayon na baguhin ang pananaw sa pera. Dahil kapag maayos ang hawak mo dito, sigurado ang asenso! ๐Ÿ™

๐Ÿ‘‡ Panoorin ang buong video para sa buong aral!

06/04/2026

๐Ÿก Why Respect is the Key to a Happy Home? โœจ
Ever wondered why some families thrive while others struggle? Often, it boils down to one crucial element: RESPECT. Sa bahay po dapat tayo unang natututo ng tamang asal, pero bakit po minsan dito pa tayo nagkakaroon ng misunderstandings?

Join us as we explore the profound impact of respect and love within our families. Because true success, both in life and in faith, truly begins at home. Discover the timeless wisdom from Ephesians 6:2 โ€” "Honor your father and mother."

In this video, we'll dive into:

1. Respect is Power: It's not a sign of weakness, but of greatness.
2. Love Builds: How genuine love heals and strengthens every relationship.

As they say, "A happy family is but an earlier heaven." Let's start building that heaven today.

Click the link below to watch the full discussion and discover how to cultivate a home filled with respect and unwavering love! ๐Ÿ‘‡


Address

H. Concepcion, Milagros Bldg. , Circumferential Road
Cabanatuan City
3100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ๐—๐—ฃ๐—•๐—– ๐—–๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ฎ๐—ป posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share