The Almighty God

The Almighty God Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from The Almighty God, Full Gospel Church, Cabanatuan City Nueva Ecija, Cabanatuan City.

ANG tunay na pananampalataya ay hindi lang basta paniniwala na may Diyos. Milyun-milyong tao ang naniniwala sa Diyos per...
07/12/2022

ANG tunay na pananampalataya ay hindi lang basta paniniwala na may Diyos. Milyun-milyong tao ang naniniwala sa Diyos pero sinasadyang gumawa ng masasamang bagay. Ang gayong “pananampalataya” ay tulad ng pekeng pera​—mukhang tunay pero walang halaga. Kung gayon, ano ba ang tunay na pananampalataya?

Ang tunay na pananampalataya ay nakasalig sa tumpak na kaalaman sa Banal na Kasulatan. Ang akdang ito mula sa Diyos ang nagsasabi sa atin ng katotohanan tungkol sa Diyos. Tumutulong din ito para makilala natin siya. Mababasa rito ang kaniyang mga batas, layunin, at turo. Kasama sa mga turong ito ang sumusunod:

- Iisa ang Diyos. Wala siyang kapantay.

- Hindi si Jesus ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat. Isa siyang propeta ng Diyos.

- Nasusuklam ang Diyos sa lahat ng uri ng idolatriya.

- Napapaharap ang mga tao sa araw ng paghatol.

- Napakaraming patay ang bubuhaying-muli sa Paraiso.

Pinakikilos tayo ng tunay na pananampalataya na gumawa ng mabuti. Nakikinabang tayo at ang iba sa gayong mga gawa. Nagpaparangal din ito sa Diyos. Kasama sa mga gawang ito ang

- pagsamba sa Diyos.

- pagkakaroon ng makadiyos na katangian​—lalo na ng pag-ibig.

- pag-iwas sa masasamang kaisipan at pagnanasa.

- pagpapanatili ng pananampalataya sa Diyos sa kabila ng mga pagsubok.

- pagtuturo sa iba tungkol sa Diyos.



"Anak, ang approval pa rin ng Diyos ang pinakamahalaga. Kung pakiramdam mo ay hindi kayang iappreciate ng tao ang ginaga...
24/11/2022

"Anak, ang approval pa rin ng Diyos ang pinakamahalaga. Kung pakiramdam mo ay hindi kayang iappreciate ng tao ang ginagawa mo, nakakasiguro naman ako na iappreciate ng Lord ang kabutihan mo. Katunayan, hindi naman natin kailangan ang appreciation ng tao dahil sa Diyos tayo naglilingkod at sa Diyos din tayo magsusulit. Higit sa lahat, hindi tayo dapat gumawa ng mabuti para sa ikaluwalhati ng ating mga sarili kundi gumagawa tayo ng kabutihan para sa ikaluluwalhati ng Diyos."

"So whether you eat or drink, or whatever you do, do it all for the glory of God." - 1 Corinthians 10:31



24/11/2022
Sa kabila ng ating pagkakasala ang Panginoong Diyos ay palaging handang magpatawad. Handa na po ba ang lahat sa Kanyang ...
21/11/2022

Sa kabila ng ating pagkakasala ang Panginoong Diyos ay palaging handang magpatawad.

Handa na po ba ang lahat sa Kanyang pagbabalik, upang tayo ay gawing perpekto upang hindi na magkasala at makasama Siya sa Kanyang Kaharian. 🙏

Please share this post mga kapatid.
Lahat ng ating ginagawa ay Kanyang nakikita.
Mapalad ang taong nakikipag tulungan sa Kanyang gawain 😇





Angelito Orpilla
Aizeljoynatics
Kim Louie
JESUS IS LORD Church Worldwide
John Stockdale
Jan-Ray Abes Feliciano
Michaela Juliano
アィリン Cara グルマティコ
Jomari
Alegria Balingasa Fermin
Angel Rosales
Fernando Maniquiz
Ferdinand Sael

Wag na tayong maging abala sa maka-mundong bagay, dahil wala dito ang ating totoong buhay, Kundi nasa Panginoong Diyos l...
19/11/2022

Wag na tayong maging abala sa maka-mundong bagay, dahil wala dito ang ating totoong buhay, Kundi nasa Panginoong Diyos lamang, na dapat natin paglaanan at bigyan ng oras sa araw-araw.

Maglaan ng mas maraming oras at panahon para sa gawain ng Panginoon.
Maghanda Sakanyang PAGDATING. Amen! 🙏



Hanapin ang Presensiya ng Makapangyarihang Diyos, dahil malapit na Siyang dumating! 🙏🙏Sa panahon ng matinding pagsubok, ...
15/11/2022

Hanapin ang Presensiya ng Makapangyarihang Diyos, dahil malapit na Siyang dumating! 🙏🙏

Sa panahon ng matinding pagsubok, ang pinaka mainam na gawin ng isang tao ay buong pusong hanapin ang Panginoon.
Mauhaw sa Kaniyang salita at manabik sa presensya ng Dios na parang ang nakasalalay ay buhay at kamatayan.

Na ang pinaka importante bagay sa lahat ay magdasal at manikluhod sa Panginoon sapagkat Siya ang pag asa at kaligtasan.
Katulad ni David, simulan natin ang bawat araw sa pagdarasal. Hanapin natin ng maaga ang Panginoon, bago simulan ang mga gawain, unahin nating kausapin Siya at makinig sa Kaniyang mga payo.

Sapagkat ang Panginoon ang nakakaalam kung paano mo haharapin ang iyong mga pagsubok at kung ano ang solusyon sa iyong mga problema.
Huwag tayong umaasa sa ating sariling lakas dahil ito ay kapalaluan lamang.
Walang kaligtasan at kaginhawaan sa gitna ng pagsubok kung ikaw ay hiwalay sa Panginoon.

Dalangin ko sa bawat kapatid sa pananampalataya na mahanap natin ang kapahingahan ng ating puso sa Panginoon.
Sa gitna ng ibat ibang hamon sa buhay, sa mulit muling pagsubok, katulad ni David, piliin nating kumapit ng mahigpit sa Panginoon sa halip na tumakbo palayo at mawalan ng pagasa.

Na palagi nating alalahanin na ang bawat nangangailangan ay tinutulungan ng Panginoon at kailanman ay hindi ka niya bibiguin. Amen



💚Sabi ng Makapangyarihang Diyos: 🍃“Kapag lalo mong pinalulugod ang Diyos, lalo kang pagpapalain ng Diyos, at lalong lala...
14/11/2022

💚Sabi ng Makapangyarihang Diyos:

🍃“Kapag lalo mong pinalulugod ang Diyos, lalo kang pagpapalain ng Diyos, at lalong lalaki ang pagmamahal mo sa Diyos; kaya, gayundin, magkakaroon ka ng pananampalataya at paninindigan, at madarama mo na walang mas mahalaga o makabuluhan kaysa sa isang buhay na ginugol sa pagmamahal sa Diyos. Masasabi na kung mahal ng tao ang Diyos, hindi siya malulungkot. Bagama’t may mga pagkakataon na nanghihina ang iyong laman at naliligiran ka ng maraming totoong kaguluhan, sa mga panahong ito tunay kang aasa sa Diyos, at sa kalooban ng iyong espiritu ikaw ay aaliwin, at madarama mo ang katiyakan, at na mayroon kang isang bagay na maaasahan. Sa ganitong paraan, madaraig mo ang maraming sitwasyon, kaya nga hindi ka na magrereklamo tungkol sa Diyos dahil sa dalamhating dinaranas mo; nanaisin mong umawit, sumayaw, at manalangin, makipagtipon at makipagniig, isipin ang Diyos, at madarama mo na lahat ng tao, usapin, at bagay sa paligid mo na isinaayos ng Diyos ay angkop. Kung hindi mo mahal ang Diyos, lahat ng makikita mo ay makakayamot sa iyo, walang magiging kaaya-aya sa iyong mga mata; hindi ka magiging malaya sa iyong espiritu kundi magiging api-apihan ka, laging magrereklamo ang puso mo tungkol sa Diyos, at lagi mong madarama na napakarami mong pinagdurusahan, at na hindi iyon makatarungan. Kung hindi ka maghahangad na lumigaya, kundi mapalugod ang Diyos at hindi maakusahan ni Satanas, ang gayong paghahangad ay magbibigay sa iyo ng matinding lakas na mahalin ang Diyos. Naisasagawa ng tao ang lahat ng sinasabi ng Diyos, at lahat ng ginagawa niya ay nagpapalugod sa Diyos—ito ang ibig sabihin ng magtaglay ng realidad. Ang paghahangad na mapalugod ang Diyos ay ginagamit ang pagmamahal sa Diyos upang maisagawa ang Kanyang mga salita; anumang oras—kahit walang lakas ang iba—sa iyong kalooban ay may puso pa ring nagmamahal sa Diyos, na lubhang nasasabik at nangungulila sa Diyos. Ito ay tunay na tayog. Ang laki ng iyong tayog ay nakasalalay sa laki ng iyong pagmamahal sa Diyos, kung nagagawa mong maging matatag sa oras ng pagsubok, kung nanghihina ka kapag sumasapit ka sa isang partikular na sitwasyon, at kung kaya mong manindigan kapag inayawan ka ng iyong mga kapatid; ang pagdating ng mga katotohanan ay magpapakita kung gaano mo talaga kamahal ang Diyos.”



Isang babala ulit sa boung sangkatauhan😢🙏 Naka  propesiya sa biblia kapag ang langit at lupa ay Nagpapakita ng kababalag...
10/11/2022

Isang babala ulit sa boung sangkatauhan😢🙏 Naka propesiya sa biblia kapag ang langit at lupa ay Nagpapakita ng kababalaghan nakakakilabot ang mangyayari sa tao.
Kaya naman gising napo tayu. Hanapin at tangapin ang pagbabalik ng panginoon. 🙏 Diyos lamang ang makakapag ligtas sa atin wala ng Iba.!

📖Joel 2:30-31

30 At ako'y magpapakita ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa, dugo, at apoy, at mga haliging usok.

31 Ang araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay dugo, bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon.

🔔⏰𝑺𝒂𝒃𝒊 𝒏𝒈 𝑴𝒂𝒌𝒂𝒑𝒂𝒏𝒈𝒚𝒂𝒓𝒊𝒉𝒂𝒏𝒈 𝑫𝒊𝒚𝒐𝒔, "Dapat ninyong malaman kung anong oras na ngayon, anong kritikal na oras ito! Anong mahalagang punto ito! Huwag kayong mag-abala sa mga bagay na walang kabuluhan; magmadaling maging malapít sa Akin, makisalamuha sa Akin, at Aking ibubunyag ang lahat ng hiwaga sa inyo. "Inililigtas ng Diyos yaong mga nagmamahal sa Kanya. Sa sandaling bumalik sila sa Kanyang kaharian, ang mga tao sa lupa ay haharap sa isang taggutom, salot, at sa pitong mangkok ng Diyos, pitong salot ang daranasin nang sunud-sunod. Ang langit at lupa ay lilipas, nguni’t hindi lilipas ang Aking salita!"

"Ang mga hindi aktibong nakikipagtulungan sa Akin ay magdurusa ng higit pang pagkastigo, bagaman, sa kahuli-hulihan ay t...
07/11/2022

"Ang mga hindi aktibong nakikipagtulungan sa Akin ay magdurusa ng higit pang pagkastigo, bagaman, sa kahuli-hulihan ay tiyak na ililigtas Ko sila. Gayunpaman, pagdating ng panahong iyon, ang lawak ng kanilang mga buhay ay magiging iba. Gusto mo bang maging ganoong tao? Bumangon ka at makipagtulungan sa Akin! Tiyak na hindi Ko tatratuhin nang masama ang sinumang matapat na gumugugol ng kanilang mga sarili sa Akin. Sa mga yaon naman na taos-pusong naglalaan ng kanilang mga sarili sa Akin, ipagkakaloob Ko ang lahat ng Aking pagpapala sa iyo. Ialay mo nang lubusan ang iyong sarili sa Akin! Kung ano ang iyong kinakain, kung ano ang iyong isinusuot, at ang iyong kinabukasan ay lahat nasa Aking mga kamay; isasaayos Ko ang lahat nang tama, upang magkaroon ka ng walang-humpay na pagtatamasa, na hindi mo mauubos kailanman. Ito ay dahil sinabi Ko, “Sa mga taong taos-pusong gumugugol para sa Akin, ikaw ay tiyak na labis Kong pagpapalain.” Ang lahat ng pagpapala ay darating sa bawat taong taos-pusong gumugugol ng kanyang sarili para sa Akin.

📕mula sa Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos



Sabi ng Makapangyarihang Diyos, 🍓🍓“Nararanasan ba ninyo ang gawain ng Diyos sa araw-araw na pagganap sa inyong tungkulin...
03/11/2022

Sabi ng Makapangyarihang Diyos,

🍓🍓“Nararanasan ba ninyo ang gawain ng Diyos sa araw-araw na pagganap sa inyong tungkulin? Nanalangin ka na ba sa Diyos nang maharap ka sa mga problema, at malulutas mo ba ang mga iyon sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan? Nauugnay ito sa isyu ng pagpasok sa buhay. Kung hindi isinasaalang-alang ng tao ang kalagayan niya at ginagamit ang mga salita ng Diyos upang malutas ang mga problema sa pagganap niya sa tungkulin, ang pagganap sa tungkuling iyon ay walang kinalaman sa paniniwala sa Diyos.”

🌸🌸“Kapag tinutupad mo ang tungkulin mo o may ginagawa ka, dapat mong isipin palagi: Paano ko dapat tuparin ang tungkuling ito? Ano ang kalooban ng Diyos? Ito ay ang mapalapit ka sa Diyos sa pamamagitan ng ginagawa mo, at, sa paggawa nito, hanapin ang mga prinsipyo at katotohanan sa likod ng iyong mga pagkilos gayon din ang kalooban ng Diyos, at huwag lumayo sa Diyos sa anumang ginagawa mo. Gayong tao lamang ang tunay na nananalig sa Diyos.”



Acts 2:17-18“‘In the last days, God says,    I will pour out my Spirit on all people.Your sons and daughters will prophe...
02/11/2022

Acts 2:17-18
“‘In the last days, God says,
I will pour out my Spirit on all people.
Your sons and daughters will prophesy,
your young men will see visions,
your old men will dream dreams.
Even on my servants, both men, and women,
I will pour out my Spirit in those days,
and they will prophesy.
“Look, I am coming soon! My reward is with me, and I will give to each person according to what they have done." Revelation 22:12
2 peter 3:8-10

[8] Mga minamahal, huwag ninyong kalilimutan na sa Panginoon, ang isang araw ay tulad ng sanlibong taon, at ang sanlibong taon ay tulad ng isang araw lamang.
[9] Ang Panginoon ay hindi nagpapabaya sa kanyang pangako gaya ng inaakala ng ilan. Sa halip, nagbibigay siya ng pagkakataon sa lahat sapagkat hindi niya nais na may mapahamak, kundi ang lahat ay makapagsisi at tumalikod sa kasalanan.
[10] Ngunit ang Araw ng Panginoon ay darating tulad ng isang magnanakaw. Sa araw na iyon, ang kalangitan ay biglang mawawala kasabay ng isang malakas na ugong. Matutupok ang araw, buwan at mga bituin. Ang mundo at ang lahat ng mga bagay na naririto ay mawawala.



Huwag kalimutang magdasal, dahil walang mas makapangyarihan kaysa sa taimtim na pagdarasal sa Diyos at pag-asa sa Kanya....
27/10/2022

Huwag kalimutang magdasal, dahil walang mas makapangyarihan kaysa sa taimtim na pagdarasal sa Diyos at pag-asa sa Kanya.

Ang tunay na panalangin ay maririnig at sasagutin ng Diyos. Hangga't binubuksan natin ang ating mga puso sa Diyos at sinasabi sa Diyos kung ano ang nasa ating puso, magiging mas malapit ang ating relasyon sa Diyos, at magkakaroon tayo ng pagkakataong matanggap ang tulong mula sa Diyos.
Narito nais naming ibahagi ang isang sipi ng mga salita ng Diyos.

Sabi ng Diyos, “Ang pinakamaliit na hinihingi ng Diyos sa tao ay na magawa niyang buksan ang kanyang puso sa Kanya. Kung ibinibigay ng tao ang kanyang tunay na puso sa Diyos at sinasabi sa Diyos ang tunay na nilalaman ng puso niya, handa ang Diyos na gumawa sa kanya. Ang gusto ng Diyos ay hindi ang baluktot na puso ng tao, kundi ang isang dalisay at tapat na puso. Kung hindi magsasalita ang tao sa Diyos mula sa kanyang puso, hindi aantigin ng Diyos ang kanyang puso o gagawa sa kanya. Kaya naman, ang pinakabuod ng panalangin ay ang kausapin ang Diyos mula sa iyong puso, na sinasabi sa Kanya ang iyong mga pagkukulang o ang tungkol sa iyong mapanghimagsik na disposisyon, ganap na ihinahayag ang iyong sarili sa Kanyang harapan; saka lamang magiging interesado ang Diyos sa iyong mga dalangin, kung hindi, itatago Niya ang Kanyang mukha mula sa iyo.”



Address

Cabanatuan City Nueva Ecija
Cabanatuan City
3100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Almighty God posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share