Diocese of Cabanatuan Biblical Apostolate DCBA

Diocese of Cabanatuan Biblical Apostolate  DCBA Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Diocese of Cabanatuan Biblical Apostolate DCBA, Religious organisation, Cabanatuan City.

Halina at sumali sa ating ONLINE BIBLE SHARING tuwing Huwebes, ika-8:00 ng gabi. Makapagninilay ka na sa Salita ng Diyos...
23/09/2021

Halina at sumali sa ating ONLINE BIBLE SHARING tuwing Huwebes, ika-8:00 ng gabi. Makapagninilay ka na sa Salita ng Diyos, makakatagpo ka pa ng mga bagong kakilala at kaibigan. Halina at hayaan ang iyong sarili na mabless ng Salita ng Diyos!

Join Zoom Meeting
https://us02web.zoom.us/j/88964591593?pwd=QUcxVEY0NkRsaFBIV0VZZFIwYkdwUT09

Meeting ID: 889 6459 1593
Passcode: thyword

PLEASE SHARE!

Magandang gabi po! Ipinapaabot ko po sa inyo ang isang liham paanyaya para sa Bible Apostolate Entry Program Seminar (Vi...
23/07/2021

Magandang gabi po! Ipinapaabot ko po sa inyo ang isang liham paanyaya para sa Bible Apostolate Entry Program Seminar (Via Zoom).

Lubos po itong makakatulong sa inyo sa pagkaunawa sa Biblia at paano makapaglilingkod sa Bible Apostolate.

Heto po ang link para sa registration: https://tinyurl.com/POWGPiusX

Maraming salamat po!

Halina at makiisa sa ating pinakahihintay na ONLINE BIBLE QUIZ! Ikaw ay matututo na ukol sa Banal na Kasulatan. Maaari k...
28/01/2021

Halina at makiisa sa ating pinakahihintay na ONLINE BIBLE QUIZ! Ikaw ay matututo na ukol sa Banal na Kasulatan. Maaari ka pang manalo ng mga papremyo sa bawat tanong na iyong masasagot!

Magkita-kita po tayo sa January 29, 8PM!

10/10/2020

MABUTING BALITA
Mateo 22, 1-14

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon San Mateo

Noong panahong iyon, muling nagsalita si Hesus sa mga punong saserdote at matatanda ng bayan sa pamamagitan ng talinghaga. Sinabi niya, “Ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: naghandog ng isang piging ang isang hari sa kasal ng kanyang anak na lalaki. Sinugo niya ang kanyang mga alipin upang tawagin ang mga inanyayahan ngunit ayaw nilang dumalo. Muli siyang nagsugo ng ibang mga alipin at kanyang pinagbilinan, ‘Sabihin ninyo sa mga inanyayahan na naihanda ko na ang aking piging: napatay na ang aking mga baka at mga pinatabang guya, at handa na ang lahat ng bagay. Halina kayo sa piging!’ Ngunit hindi ito pinansin ng mga inanyayahan. Humayo sila sa kani-kanilang lakad; ang isa’y sa kanyang bukid at sa kanyang pangangalakal naman ang isa. Sinunggaban naman ng iba ang mga alipin, hinamak at pinatay. Galit na galit ang hari. Pinaparoon niya ang kanyang mga kawal, ipinapuksa ang mga mamamatay-taong iyon at ipinasunog ang kanilang lungsod. Sinabi niya sa kanyang mga alipin, ‘Nakahanda na ang piging, ngunit hindi karapat-dapat ang mga inanyayahan. Kaya’t pumunta kayo sa mga lansangang matao, at inyong anyayahan sa kasalan ang lahat ng makita ninyo.’ Lumabas nga sa mga pangunahing lansangan ang mga alipin at isinama ang lahat ng natagpuan, masama’t mabuti, anupat napuno ng mga panauhin ang bulwagang pangkasalan.

“Pumasok ang hari upang tingnan ang mga panauhin, at nakita niya roon ang isang taong hindi nakadamit pangkasalan. ‘Kaibigan, bakit ka pumasok dito nang hindi nakadamit pangkasalan?’ tanong niya. Hindi nakaimik ang tao. Kaya’t sinabi ng hari sa mga katulong, ‘Gapusin ninyo ang kanyang kamay at paa at itapon siya sa kadiliman sa labas. Doo’y mananangis siya at magngangalit ang kanyang ngipin.’ Sapagkat marami ang tinatawag, ngunit kakaunti ang nahihirang.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Congratulations po sa lahat ng mga nanalo sa ating Year of the Word of God Contests! Nawa ay magamit ninyo ang iyong mga...
30/09/2020

Congratulations po sa lahat ng mga nanalo sa ating Year of the Word of God Contests!

Nawa ay magamit ninyo ang iyong mga talento sa pagpapahayag ng Salita ng Diyos!

Maraming salamat po!

Thursday is Gospelikula Day! Halina at makiisa sa ating Gospelikula Bible Sharing mamayang gabi.MATEO 8-10Topic: Gospeli...
24/09/2020

Thursday is Gospelikula Day! Halina at makiisa sa ating Gospelikula Bible Sharing mamayang gabi.

MATEO 8-10

Topic: Gospelikula (Mateo 8-10)
Time: Sep 24, 2020 07:30 PM
Join Zoom Meeting :
Meeting ID: 823 1735 9696
Passcode: pm po
See you po!

Cabanatuan Diocese is inviting you to a scheduled Zoom meeting.Topic: Gospelikula Time: Sep 17, 2020 07:30 Meeting ID: 8...
17/09/2020

Cabanatuan Diocese is inviting you to a scheduled Zoom meeting.

Topic: Gospelikula
Time: Sep 17, 2020 07:30

Meeting ID: 823 1735 9696
Passcode: pm po

Mamayang gabi na po!
10/09/2020

Mamayang gabi na po!

"In the beginning was THE WORD" -John 1:1Ang Salita ng Diyos ang simula ng ating pag-iral at puso ng lahat ng ating gawa...
23/10/2019

"In the beginning was THE WORD" -John 1:1

Ang Salita ng Diyos ang simula ng ating pag-iral at puso ng lahat ng ating gawain. Sa loob ng tatlong araw ang mga kabataan ng Diyosesis ng Cabanatuan ay naglakbay mula sa kinasanayang pagkaalipin patungo sa kalayaan na hatid ng Salita ng Diyos. Natuklasan nila ang hiwaga ng Bibliya mula sa Lumang Tipan hanggang sa kaganapan nito kay Hesus sa Bagong Tipan. Di lamang nila inaral ang mga aklat ng Bibliya, bagkus ay dinanas ang mga ito. Maraming luha ang pumatak, mga halakhak ang narinig at mga sugat ang nahilom sa panahon ng kanilang paglalakbay.

Ang mga kabataan na noong simula'y estranghero sa isa't isa, ngayon ay isa ng komunidad, isang pamilyang pinagbuklod ng Salita ng Diyos.

"In the beginning was THE WORD" -John 1:1Ang Salita ng Diyos ang simula ng ating pag-iral at puso ng lahat ng ating gawa...
22/10/2019

"In the beginning was THE WORD" -John 1:1

Ang Salita ng Diyos ang simula ng ating pag-iral at puso ng lahat ng ating gawain. Sa loob ng tatlong araw ang mga kabataan ng Diyosesis ng Cabanatuan ay naglakbay mula sa kinasanayang pagkaalipin patungo sa kalayaan na hatid ng Salita ng Diyos. Natuklasan nila ang hiwaga ng Bibliya mula sa Lumang Tipan hanggang sa kaganapan nito kay Hesus sa Bagong Tipan. Di lamang nila inaral ang mga aklat ng Bibliya, bagkus ay dinanas ang mga ito. Maraming luha ang pumatak, mga halakhak ang narinig at mga sugat ang nahilom sa panahon ng kanilang paglalakbay.

Ang mga kabataan na noong simula'y estranghero sa isa't isa, ngayon ay isa ng komunidad, isang pamilyang pinagbuklod ng Salita ng Diyos.

Address

Cabanatuan City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Diocese of Cabanatuan Biblical Apostolate DCBA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share