02/08/2017
PUMUNTA BA SI HESUS SA IMPIYERNO? PAANO ANG MGA LIGTAS AT DI LIGTAS NGAYON, SAAN SILA PUPUNTA? SURIIN NATIN!
Ayon sa Acts 2:31, si Apostol Pedro ay nangaral sa nation Israel: “He [David] seeing this before spake of the resurrection of Christ, that his soul was not left in hell, neither his flesh did see corruption.” Ang tanong, pumunta ba talaga si Hesus sa impiyerno sa pagitan ng Kanyang kamatayan at pagkabuhay? Nagtiis ba ang kaluluwa ni Hesus sa apoy ng impiyerno nang mamatay Siya? Upang sagutin ang mga tanong na ito mga kaibigan, dapat nating tingnan ang doktrina ng impiyerno mula sa Dispensational na pananaw. Kailangan nating aralin ito ng may “rightly dividing” na pag-aaral (2 Timothy 2:15).
Ang doktrina patungkol sa impiyerno (hell) ay isang Dispensational doctrine. Sa madaling sabi, ito’y pinapakita ng Diyos ayon sa kapahayagan ng Kanyang Salita na sinulat sa linggwahe ng tao. Ngayon, sa Dispensasyon ng Grasya, alam natin na walang mga mananampalataya na pupunta sa impiyerno ngunit sinulat ni Haring David sa Psalm 16:10 patungkol sa Messias na: “For thou wilt not leave my soul in hell; neither wilt thou suffer thine Holy One to see corruption.” Sinulat ni David na siya’y pupunta sa impiyerno (hell) at ang Panginoong Hesus ay pupunta sa impiyerno (hell). Ito yung talatang kinoquote ni Pedro kanina sa Acts 2:31 at kiniquote niya rin sa Acts 2:27. Subalit mga kaibigan, alam din natin na sina Hesus at David ay HINDI nagtiis sa apoy sa impiyerno. Kung ganun, ano ang “hell” na sinasabi ng Psalms 16:10, Acts 2:27 at Acts 2:31?
Ang impiyerno o Hell ay may dalawang compartments noon. Sa Old Testament, yaong mga may pananampalataya kay Jehova, ang Diyos ng Biblia at Diyos ng Israel, ay hindi pa pumupunta sa langit dahil wala pa ang dugo ni Hesu-Kristo na pambayad-sala (Hebrews 10:11-12). Ang “Hell” sa Old Testament ay terminong binigay patungkol sa lugar kung saan ang mga kaluluwa ng mga ligtas at hindi ligtas ay pumupunta sa kanilang nararapat na compartment. Sa Luke chapter 16, ang Panginoong Hesu-Kristo ay nagsalita sa Kanyang mga disipulo patungkol sa bagay na ito. Ang pinangaral ni Hesus dito ay HINDI PARABULA at ang mga kasunod na mga talata ay nagsasalaysay ng totoong esturya. Hindi ito parabula pagkat ang isang parabula ay hindi nagtataglay ng mga pangalan ngunit ang esturyang ito ay may totoong mga pangalan tulad ni Lazarus, Abraham, Moses. Narito ang Luke chapter 16 (KJV):
“19 There was a certain rich man, which was clothed in purple and fine linen, and fared sumptuously every day:
20 And there was a certain beggar named Lazarus, which was laid at his gate, full of sores,
21 And desiring to be fed with the crumbs which fell from the rich man’s table: moreover the dogs came and licked his sores.
22 And it came to pass, that the beggar died, and was carried by the angels into Abraham’s bosom: the rich man also died, and was buried;
23 And in hell he lift up his eyes, being in torments, and seeth Abraham afar off, and Lazarus in his bosom.
24 And he cried and said, Father Abraham, have mercy on me, and send Lazarus, that he may dip the tip of his finger in water, and cool my tongue; for I am tormented in this flame.”
Sa uulitin mga kaibigan, sa Old Testament, bago pa ang Kalbaryo, ang mga kaluluwa ng mga ligtas (just/believers) at ang mga kaluluwa ng mga hindi ligtas (unjust/unbelievers) ay pumunta sa espiritwal na lugar na tinatawag na “Hell.” Sa panahong ito sa earthly ministry ni Hesu-Kristo, bago pa ang Kalbaryo, ang “hell” ay divided o may dalawang bahagi:
(1) “paradise” (o “Abraham’s bosom”) at (2) “torments” (o “this flame”). Si Lazarus ay pumunta sa paraiso dahil nanampalataya siya sa Salita ng Diyos sa kanya (isa siyang man of faith). Hindi siya pumunta sa paraiso dahil lamang sa mahirap siya. Ang taong mayaman naman ay pumunta sa torments, hindi dahil mayaman siya kundi dahil namatay siya sa kanyang mga kasalanan. Mayroon siyang tiwala at pananampalataya sa kanyang kayamanan ngunit hindi sa Salita ng Diyos sa kanya. Ipagpatuloy natin ang Luke chapter 16:
“24 And he [the rich man] cried and said, Father Abraham, have mercy on me, and send Lazarus, that he may dip the tip of his finger in water, and cool my tongue; for I am tormented in this flame.
25 But Abraham said, Son, remember that thou in thy lifetime receivedst thy good things, and likewise Lazarus evil things: but now he is comforted, and thou art tormented.
26 And beside all this, between us and you there is a great gulf fixed: so that they which would pass from hence to you cannot; neither can they pass to us, that would come from thence.”
Ang taong mayaman ay nasa torment (paghihirap) at ito ang alam nating “hellfire” ngayon. Nauhaw siya at nakiusap ng tubig ngunit nasa pagiging walang pananampalataya pa rin siya. Kahit sa kamatayan, ang taong ito ay walang paghihinayang sa kanyang kawalan ng pananampalataya at walang pagsisisi sa harapan ng Diyos! Ngayon, tandaan natin na ang “Abraham’s bosom” ay HINDI lugar ng paghihirap at ito’y HINDI RIN PURGATORYO! Pansinin ninyo mga kaibigan na may malaking bangin sa gitna ng paradise at torment. Ang mga hindi ligtas ay di makakaalis mula sa torment at pumunta sa paraiso. At ang mga nasa paraiso naman ay di makakapunta sa torment. Narito ang maikling illustration:
1. Ang Impiyerno o Hell noon (Time Past):
[Paradise “Abraham’s Bosom”(Ligtas)-[Bangin o Great Gulf Fixed-Luke 16:26]-Torments(Di Ligtas)]
2. Ang Impiyerno o Hell ngayon (But Now/Today):
[Torments(Di Ligtas)]
3. Ang Impiyerno o Hell sa darating (Ages to Come):
[LAKE OF FIRE(Di Ligtas)]
NGAYON ANG TANONG, NASAAN ANG IMPIYERNO O HELL?
Nasaan ang impiyerno? Ang Kasulatan ay laging pinapaliwanag na ang “hell” ay nasa baba (Job 11:8; Psalm 55:15; Proverbs 15:24; Isaiah 14:9, 15; Ezekiel 31:16,17; at iba pa). Sa katunayan, sinabi ng Panginoong Hesus sa atin sa Matthew 12:39,40 (KJV) na: “But he answered and said unto them, An evil and adulterous generation seeketh after a sign; and there shall no sign be given to it, but the sign of the prophet Jonas: for as Jonas was three days and three nights in the whale’s belly; so shall THE SON OF MAN BE THREE DAYS AND THREE NIGHTS IN THE HEART OF THE EARTH.” Malinaw ba mga kaibigan? Ayon kay Hesus, ang “hell” ay nasa sentro o gitna ng mundo (center of the earth)!
Ikumpara natin ito ngayon sa Luke 23:43 (KJV): “And Jesus said unto him, Verily I say unto thee, To day shalt thou be with me in PARADISE.” Sinabi ni Hesus sa kawatan sa kanyang tabi na siya’y makakasama Siya sa “paraiso.” Napansin nyo ba mga kaibigan? Hindi sinabi ng Biblia na “heaven.” Si Hesus, nang mamatay Siya, ay pumunta sa Abraham’s bosom, ang paraisong lugar ng impiyerno o hell, ang lugar kung saan ang mga kaluluwa ng mga ligtas ay tinago o nilagay. Bakit nga tinawag na “Abraham’s bosom?” Ito’y dahil ang mga mananampalataya na ito’y nanampalataya na may pananampalataya sa Diyos na mayroon si Abraham. Ngayon alam nyo na. Ang “Paradise” ay HINDI hellfire kaya si Hesu-Kristo ay HINDI namatay at pumunta sa hell upang magtiis sa apoy doon.
Lahat ng tiniis ni Kristo, tiniis Niya habang nakapako Siya sa krus ng Kalbaryo. Ito’y sa loob ng tatlong oras na nakasabit Siya sa krus, tatlong oras na nagdilim, kung saan si Hesu-Kristo sa Kanyang kaluluwa ay nagtiis sa galit ng Diyos Ama dahil sa ating mga kasalanan (Matthew 27:45,46; Psalm 22:1; Isaiah 53:10-12). Ang lahat ng pagtitiis na dinanas ni Kristo ay nangyari sa krus ng Kalbaryo at hindi sa pagkatapos Niyang mamatay. Ang kaluluwa ni Hesus ay pumunta sa “heart of the earth” sa tatlong araw at tatlong gabi nang Siya ay patay tulad ng si Jonah ay tatlong araw at tatlong gabing nasa tiyan ng isda. Sa uulitin mga kaibigan, ang kaluluwa ni Hesu-Kristo ay pumunta sa impiyerno o hell NGUNIT Siya’y pumunta sa PARADISE na lugar sa impiyerno at HINDI sa TORMENT na lugar (lugar ng pagtitiis).
Ano’ng nangyari sa mga mananampalataya na nasa paraiso pagkatapos mabuhay ni Hesu-Kristo? Mga kaibigan, malimit na tinuturo ang Ephesians 4:8-10 na si Hesus ay tinanggal ang mga kaluluwa ng mga banal mula sa paraiso, ito’y maaari ngunit hindi tiyak kung sa panahong bang ito o pagkatapos. Bakit naman? Yan ay dahil ang Ephesians 4:8-10 ay may konteksto at hindi konteksto nito ang pagtanggal sa mga banal mula sa paraiso. Kung kailan tinanggal ni Hesus ang mga kaluluwa ng mga mananampalataya mula sa paraiso (one side of hell), walang mga talatang makakapagsabi ng tiyak. Pagkatapos mabuhay ni Hesus, dinala Niya ang mga kaluluwang nasa Abraham’s bosom/paradise paakyat sa ikatlong langit.
Paano natin nalaman na nandun ang paraiso sa ikatlong langit kung saan nandun ang Ama? Yan ay dahil ginamit ni Apostol Pablo ang terminong “paradise” at “third heaven” ng palitan o interchangeably sa 2 Corinthians 12:2,4. Basahin natin:
“2 I knew a man in Christ above fourteen years ago, (whether in the body, I cannot tell; or whether out of the body, I cannot tell: God knoweth;) such an one caught up to the THIRD HEAVEN.”
“4 How that he was caught up into PARADISE, and heard unspeakable words, which it is not lawful for a man to utter.”
Mga kaibigan, sa kasalukuyang Dispensation of Grace, WALANG divided o nahating hell. Ang “hell” ngayon ay tumutukoy na sa lugar kung saan ang mga hindi ligtas na tao ay pupunta kapag namatay na. Ang paraisong lugar ng “hell” ay ngayon nasa ikatlong langit (Hebrews 12:22-24). At kalaunan din, nawala o naglaho ang great gulf ang malaking bangin na naghihiwalay sana sa paraiso at torment. Ang hell ngayon ay naging malaking lugar na lamang ng paghihirap (place of torments). Ito ay kung ano na ngayon ang impiyerno. Ayon nga sa sinabi ni Propeta Isaiah: “hell hath enlarged herself” (5:14).
Ngayon, ang sinumang mamatay na hindi ligtas ay pupunta pa rin sa impiyerno at ito’y nasa gitna pa rin ng mundo (heart of the center of the earth). Kung ang isang membro ng Church the Body of Christ ay namatay, siya ay pupunta sa presenya ng Panginoon sa Langit at HINDI sa paraiso tulad ng sa Old Testament. Paano natin masasabi? Tingnan natin ngayon ang sulat ni Pablo sa 2 Corinthians 5:6-8 (KJV):
“6 Therefore we are always confident, knowing that, whilst we are at home in the body, we are absent from the Lord:
7 (For we walk by faith, not by sight:)
8 We are confident, I say, and willing rather to be ABSENT FROM THE BODY, and TO BE PRESENT WITH THE LORD.”
May iba nagsasabi, hindi ba ito nagsasabing wala ka lang sa presensya ng Panginoon dahil sa iyong mga ginagawang kasalanan? Mga kaibigan, kung titingnan ninyo ang verse 6, paano ka magiging absent sa Lord kung ang Diyos mismo ay nasa iyo? (1 Corinthians 6:19). At papaano ka naman absent sa body kung alam mong buhay ka pa? Malinaw na ang pagiging absent sa body ay kapag patay ka na. At kapag patay na tayong mga mananampalataya, pupunta tayo sa Presensya ng Panginoong Hesus. Nasaan si Hesus ngayon? Ang sagot ay nasa Langit at nakaupo sa kanang kamay ng Ama (Romans 8:34).
NGAYON MAY TANONG, ANO ANG SHEOL, HADES, AT HELL?
Mga kaibigan, hindi masama kung inyong titingnan ang mga salitang hebreo o griego ng inglis na salitang ginamit upang mas maunawaan ang sinasabi. Ngunit ang “hell” ay walang ibang pinatutungkulan kundi impiyerno kung saan nilalagay ang mga kaluluwang namatay na. Hindi na sila gumagala sa mundo tulad ng mga nakikita ninyo sa mga pelikula. Yan ay mga kasinungalingan! Ginamit ng KJV ang “hell “dahil ito nga ang lugar na pupuntahan ngayon ng mga hindi ligtas. Kahit sa Qur’an ay binanggit ang salitang “hell.” Mga kaibigan, ang salitang “Sheol” na Hebrew ay hindi translation kundi transliteration. Ganun din ang “Hades” na Greek. Para sa mga normal na tao, hindi nila alam ito kaya dahil translation ang KJV, “hell” ang ginamit. Kahit na sa pagmumura ng mga tao, di naman nila sinasabing “go to sheol” o di kaya’y “go to hades.” Lagi nilang sinasabi “go to hell.” Ang “hell” ay tamang termino sa Engish kaya tama ang ginamit ng KJV.
PANGWAKAS NA PAHAYAG:
Mga kaibigan, si Hesu-Kristo ay namatay at pumunta sa impiyerno o hell (Psalm 16:10; Acts 2:27,31), ngunit Siya’y pumunta sa isang bahaging lugar ng hell na PARADISE (Luke 23:43). Ang Hell noon ay divided sa dalawang compartments: isa para sa mga ligtas (“paradise,” “Abraham’s bosom”) at isa naman para sa mga hindi ligtas (“torments,” “this flame”). Ngayon, sa ating Dispensation of Grace, ang Abraham’s bosom(paradise) ay dinala papuntang ikatlong langit. Ang mga mananampalataya ngayon na namatay, ang kanilang mga kaluluwa ay pupunta sa ikatlong langit at HINDI paraiso tulad ng nasa nakaraan. Ang mga hindi ligtas ay siguradong pupunta sa impiyerno, sa heart of the earth pag sila’y namatay. Walang tao pa na successful sa pagdidrill papuntang center ng earth. Wala pa ring taong nagtagumpay na gawin ito. Lately lamang mga kaibigan last February 1, 2016, unsuccessful pa rin ang expedition nila na magdrill sa center ng Earth.
Sa darating na panahon, ang impiyerno (hell) ay itatapon sa “Lake of Fire” (Revelation 20:14). Sa panahong ito, papalitan ng Lake of Fire ang impiyerno (Revelation 20:11-15). Sa panahong ito, lahat ng di ligtas, kasama ang mga anghel na nagrebelde noon sa Diyos pati si Satanas ay sama-samang magtitiis magpawalang-hanggan doon sa dagat-dagatang apoy. Kaya mga kaibigan, mahalaga ang Dispensational Bible Study upang maunawaan at ma-enjoy ang Biblia sa tamang katuruan.
Nawa’y ang pag-aaral na ito’y nakatulong sa inyo mga kaibigan. Grace and Peace! -hyoh.