18/12/2025
PAALALA SA MGA LAGING LATE SA PAGTITPON SA PAGSAMBA
Aminin na natin, hindi naman lahat ng na late sa pagtitipon sa pagsamba ay dahil sa katamaran.
Minsan may in-invite kang bisita at gusto mo siyang hintayin.
May mga araw talagang may biglaang aberya, may unexpected na pangyayari.
Naiintindihan po yan ng Diyos.
Pero iba na ang usapan kapag ginagawa na nating LIFESTYLE ang pagiging-late.
PERO HONEST QUESTION LANG
Bakit kapag reports sa work, halos hindi tayo nalelate?
Bakit kapag papasok sa office o school, parang naka-turbo mode tayo sa pagmamadali?
Bakit kapag may client meeting,
30 minutes to 1 hour before the meeting, andun na tayo?
Bakit kapag sa school, work, at business,
KAYA NATING GUMAWA NG PARAAN PARA MAGING MAAGA?
AT NAGAGAWAN TALAGA NATIN NG PARAAN.
Gets po natin yung
Binabayaran tayo sa trabaho.
Ginagawa mo lahat para magkaroon na mataas na grades.
Grabe yung effort natin para maclose yung deal.
May responsibilidad tayo sa buhay.
Naiintindihan po natin yung mga ganong kadahilanan.
Pero paano nga po ba ito nakakaapekto sa inyo at sa gawain sa Diyos?
PARA SA MGA LEADERS:
Ang pagiging leader ay hindi lang tungkol sa posisyon, tungkol ito sa pag set ng example sa iba.
Kung gusto mong sumunod ang mga kasamahan mo, dapat una ka ring makitang may disiplina sa oras.
Hindi mo pwedeng ituro ang commitment,
kung ikaw mismo hindi mo ito isinasabuhay.
Kapag ikaw ang nalalate, hindi lang ikaw ang naaapektuhan.
May naaantala.
May nawawala sa momentum.
May nadidistract.
At hindi mo man sinasadya, may spirit ng inis na pumapasok.
Dahil bilang leader, ikaw ang inaasahang mauunang susunod sa oras.
PARA SA MGA WORSHIP LEADERS:
Hindi lang kayo o tayo tumatayo sa harapan.
Sa atin din dapat makita ang pagiging maaga at sumusunod sa oras.
Kung seryoso tayo sa paghahanda ng kanta, bible study at mensahe, mas seryoso dapat tayo sa paghahanda ng puso. At ang paghahandang yan, nagsisimula sa oras.
Ang pagiging maaga ay hindi lang about schedule. It’s about honor.
Kapag maaga ka, sinasabi mo:
“Lord, importante Ka sa akin.
Hindi Ka second option.”
SA MGA MEMBERS
Ang pagtirtipon sa pagsamba ay hindi sinehan na pwede kang pumasok kahit anong gusto mong oras. Ito ay appointment with God.
Hinihingi Niya ang puso na marunong rumespeto.
Hindi ka lang inaantay ng mga kapatiran, hinihintay ka ng Diyos.
MERON LANG PO AKONG DALAWANG PAALALA SA ATIN MGA KAPATID.
1.KUNG ANO ANG MAHALAGA SA’YO, PINAGHAHANDAAN MO.
Hindi kasi problema ang traffic.
Hindi rin oras ang problema.
Priority ang issue.
Kung laging “okay lang” na malate sa pagsamba, baka hindi oras ang kulang baka PAG-PAPAHALAGA SA DiYOS.
2. ANG GINAGAWA MONG “OKAY LANG” SA IGLESIA AY UNTI-UNTING NAGIGING NORMAL SA PUSO MO.
Nagsisimula sa:
“Late lang naman ako minsan.”
Tapos nagiging:
“Sanay na ako.”
Hanggang sa dumating sa point na:
“Hindi ka na bothered.”
At doon nagiging delikado.
Kasi kapag nasanay ka na, nawawala na ang takot at paggalang.
At kapag nawala angtakot at paggalang, unti-unti ring namamatay ang apoy mo sa Diyos.
Hindi ka biglaang lumalayo sa Panginoon.
Unti-unti ka nang nagiging comfortable sa mali.
At alam ko po karamihan sa lahat ng manampalataya ay struggle ito.
Pero ang maganda sa Diyos hindi lang sya naghahanap ng taong present.
Hinahanap Niya ang pusong handang dumating, expectant, at may takot sa Kanya.
Hindi lang attendance ang tinitingnan ng Diyos.
Kundi pusong handang sumunod sa Kanya at lagi inuuna ang gawain Nya.
Hindi ito tungkol sa pagiging strict.
Hindi ito para mang-condemn.
Ito ay paalala ng pagpapahalaga at respeto.
Kung kaya nating mainis kapag late ang jeepney driver.
Kung kaya nating magmadali para hindi mahuli sa work.
Kaya rin nating mag-adjust para sa Diyos.
Kaya rin natin gumising ng maaga at gumawa ng paraan para maging maaga sa gawain ng Diyos.
Sa Sunday,
huwag lang tayong dumating sa pagtitipon.
Dumating tayo nang maaga, handa, at may pusong sabik sa Kanya.
Kung kaya nating maging maaga sa mga bagay na may bayad, lalo nawa sa presensya ng Diyos, na walang katumbas na halaga.