26/02/2026
22 PEBRERO 2026 | STO. NIÑO DE BUSTOS | Pagdiriwang ng Ika-159 taong Pistang Bayan, Pistang Pasasalamat 2026
Sa ating maringal na pagdiriwang ng Ika-159 Taong Pistang Bayan, Pistang Pasasalamat 2026, sama-sama tayong nag-alay ng taos-pusong pasasalamat at panalangin sa ating mahal na Patrong Sto. Niño de Bustos, ang banal na misa ay buong galang at kabanalan na pinangunahan ni Lubhang Kagalang-galang na Honesto F. Ongtioco, D.D., Obispo Emeritus ng Roman Catholic Diocese of Cubao, na naghatid ng makabuluhang mensahe ng pananampalataya at pag-asa sa ating pamayanan.
At buong puso namang nagpapasalamat ang mga Hermanos Mayores 2026 na sina IGG. Luisito Hernandez, GNG. Denise Hernandez, at GNG. Alice Ramos, gayundin ang ating Kura Paroko, Rev. Mons. Leocadio P. De Jesus, P.C., sa patuloy na pakikiisa, suporta, at pananampalatayang ipinamalas ng sambayanan.
Isang sama-samang pasasalamat at pagpupugay sa ating pananampalataya.
Viva Sto. Niño de Bustos!