28/10/2025
DREAM REVELATION: “Mga Batong May Nakatagong Ginto”
October 28, 2025
Minsan akala natin tahimik ang langit
pero sa likod ng katahimikan, gumagalaw na pala ang Diyos.
Kagabi, nanaginip ako.
Kasama ko ang aking asawa na bumiyahe pa hanggang Bicol upang kumuha ng bagong telepono.
Pagdating namin doon, walang signal, hindi maiproseso.
Pero nang tingnan ko, tapos na pala lahat… gamit lang ang aking tablet.
Agad kong naunawaan:
May mga bagay na akala natin ay “pending,”
pero sa langit “completed” na pala.
Hindi delay, kundi divine timing.
Pagkatapos, may isang babae na nagsabing magdala ako ng pakete ng mga bato at ibigay ito sa isang tao.
Sa isip ko, “Paano namin madadala ito, eh magko-commute lang kami?”
Ngunit ang mga batong iyon, may ginto at hiyas sa loob.
Naunawaan ko:
Ang mga mabibigat nating dala sa buhay ay may taglay na kayamanan
mga aral, katatagan, at biyayang unti-unting lumilitaw habang tayo’y naglalakbay.
Habang pauwi, sakay kami ng motor, dala-dala ang mga bato at tatlong mahahabang bestida.
Nakita ko rin ang malaking simbahan at isang hotel
mga larawan ng kapahingahan, presensya, at bagong direksyon.
Pagdating namin sa terminal, nakita namin ang mga dati naming kapatiran,
masayang nagsasalo, kumakain ng kanin at manok.
Isang larawan ng kabusugan at kagalakan sa presensya ng Diyos.
Suot ko ang apple green na bestida, mahaba, kaya hirap akong lumakad.
Naroon ang hipag ko, may dalang iba pang bestida na tila ibinebenta.
At narinig ko sa Espiritu:
“Ang mga biyayang tinatanggap mo, hindi lang para sa’yo
kundi para maibahagi sa iba.”
“Ang Diyos ang gumagawa ng lahat ng bagay sa tamang panahon.” Eclesiastes 3:11
Reflection:
Ano ang “mabigat mong dala” na baka may nakatagong kayamanan sa loob nito?
Hayaan mong ipakita ng Diyos ang ginto sa gitna ng iyong mga pagsubok.