Mahal na Birhen - Ina ng Laging Saklolo

Directions

Mahal na Birhen - Ina ng Laging Saklolo Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Mahal na Birhen - Ina ng Laging Saklolo, Religious organisation, Talampas Bustos Bulacan, Bustos.

27 HUNYO 2026 | SAGALA NG AVE MARIA Ating balikan ang ilan sa mga natatanging sandali ng ating Sagala ng Ave Maria bilan...
15/07/2026

27 HUNYO 2026 | SAGALA NG AVE MARIA

Ating balikan ang ilan sa mga natatanging sandali ng ating Sagala ng Ave Maria bilang pagdiriwang ng kapistahan ng Mahal na Ina ng laging Saklolo, Ang Ina ng Talampas.

Sa pamamagitan ng mga larawang ito, muli nating balikan ang makulay at maringal na Kapistahan ng ating Masintahing Ina, at masiglang pakikiisa ng mga deboto at mananampalataya bilang pagpupugay sa’ting Mahal na Ina ng Laging Saklolo.

Nawa’y manatiling buhay sa ating mga puso ang diwa ng debosyon kay Maria at patuloy tayong maakay niya sa mas malalim na pagmamahal at pagsunod kay Kristo.

Nuestra Señora del Perpetuo Socorro, Ang Ina ng Talampas, Ipanalangin mo kami.

07/07/2026

HIGHLIGHTS | Ngayong Araw ng Miyerkules o Araw ng pamimintuho natin sa ating Mahal na Ina ng Laging Saklolo, Ang Ina ng Talampas. Ating Balikan at Sariwain ang ginanap na pagdiriwang ng Kapistahan ng ating inang masaklolo ngayong taon, Sama sama natin ngayong balikan ang masaya, makulay, simple at payak na kapistahan sentro ng debosyon at pananampalataya sa ating Mahal na Ina.

Viva la Virgen!

27 HUNYO 2026 | SAGALA NG AVE MARIA Narito ang ilan sa mga natatanging sandali ng ating Sagala ng Ave Maria bilang pagdi...
29/06/2026

27 HUNYO 2026 | SAGALA NG AVE MARIA

Narito ang ilan sa mga natatanging sandali ng ating Sagala ng Ave Maria bilang pagdiriwang ng kapistahan ng Mahal na Ina ng laging Saklolo, Ang Ina ng Talampas.

Sa pamamagitan ng mga larawang ito, muli nating balikan ang makulay at maringal na Kapistahan ng ating Masintahing Ina, at masiglang pakikiisa ng mga deboto at mananampalataya bilang pagpupugay sa’ting Mahal na Ina ng Laging Saklolo.

Nawa’y manatiling buhay sa ating mga puso ang diwa ng debosyon kay Maria at patuloy tayong maakay niya sa mas malalim na pagmamahal at pagsunod kay Kristo.

Nuestra Señora del Perpetuo Socorro, Ang Ina ng Talampas, Ipanalangin mo kami.

27 HUNYO 2026 | 4:00 N.H | BANAL NA MISA  KAPISTAHAN NG MAHAL NA INA NG LAGING SAKLOLO, ANG INA NG TALAMPAS"Ang Ina ng L...
29/06/2026

27 HUNYO 2026 | 4:00 N.H | BANAL NA MISA

KAPISTAHAN NG MAHAL NA INA NG LAGING SAKLOLO, ANG INA NG TALAMPAS

"Ang Ina ng Laging Saklolo ay ang inang handang tumulong, sumaklolo sa lahat ng oras."

Paring Tagapagdiriwang: Padre Daryll S. Diño C.M.

“TUNAY NGANG SYA AY INANG MASAKLOLO”Pasasalamat po sa biyaya ng ating Mahal na Ina - Ang ina ng Talampas, naging matagum...
27/06/2026

“TUNAY NGANG SYA AY INANG MASAKLOLO”

Pasasalamat po sa biyaya ng ating Mahal na Ina - Ang ina ng Talampas, naging matagumpay at makabuluhan ang ating pagdiriwang ng Simple at Payak na Kapistahan ngayong taon.

Pasasalamat po Sa Diyos at sa Mahal na Birheng Maria sa lakas, gabay, at pag-ibig na ipinagkaloob sa buong panahon ng paghahanda.

Sa mga naging parte ng Selebrasyon at sa mga naging parte ng AVE MARIA, at kanilang mga magulang sa inyong pananampalataya at pag-aalay ng oras at ganda para sa karangalan ng ating Mahal na Ina.

at sa lahat ng hindi nagdalawang-isip tumulong pinansyal man o sa ibang paraan kayo po ang naging instrumento ng Diyos upang maisakatuparan ang lahat ng ito. Ang inyong kabutihang-loob ay tatatak sa puso at kalooban ng Mahal na Ina at sa puso ng bawat deboto.

Diyos na po ang bahalang magbalik ng siksik, liglig, at umaapaw na biyaya sa inyo at sa inyong pamilya.

Muli, Maraming Salamat po. Hanggang sa susunod na Kapistahan ng Mahal na Birheng Maria.

Viva! La Virgen

MALIGAYANG KAPISTAHAN, MAHAL NA INA NG LAGING SAKLOLO𝐏𝐀𝐍𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍 𝐒𝐀 𝐈𝐍𝐀 𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐊𝐋𝐎𝐋𝐎 Mahal na Ina ng Laging Saklolo,...
27/06/2026

MALIGAYANG KAPISTAHAN, MAHAL NA INA NG LAGING SAKLOLO

𝐏𝐀𝐍𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍 𝐒𝐀 𝐈𝐍𝐀 𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐊𝐋𝐎𝐋𝐎

Mahal na Ina ng Laging Saklolo,
buhat sa krus ibinigay ka sa amin ni Hesus upang maging Ina namin. Ikaw ang pinakamabait, pinakamasintahin sa lahat ng mga ina.

Buong giliw mong tunghayan kaming iyong mga anak na ngayon ay humihingi ng iyong tulong sa lahat ng aming pangangailangan
lalung-lalo na ang biyayang ito.

(sa katahimikan, banggitin ang mga kahilingan).

Pinakamamahal na Ina, tulungan mo kaming umiwas sa kasalanan na naglalayo sa amin sa aming Ama sa langit at sa isa't-isa.
Buong tiwala naming isinasalalay ang aming sarili sa iyong pagkalinga
at lubos na umaasang kami'y iyong tutulungan. Amen.

Masintahing Ina, tulungan mo po kami!

Kaya naman bayan ng Diyos at mga deboto, halina kayo at makiisa sa pagpupugay sa ating Butihing Inang Masaklolo ang Ina ng laging Saklolo, makisaya sa simple at payak na kapistahan sentro ng debosyon sa ating Mahal na Ina - Ina ng Talampas.

Malugod po namin kayong inaanyayahan na makiisa sa pagdiriwang ng Banal na Misa:

Hunyo 27, 2026
Kapistahan
4:00 N.H. | Banal na Misa
Paring Tagapagdiwang: Padre Daryll S. Diño, C.M.

7:30 N.G. | Maringal na Prusisyon
• San Jose Esposo ni Maria • Ave Maria • Mahal na Ina ng Laging Saklolo

Tara na at Makipista!

Viva! La Virgen!

TINGNAN: Nakahanda na ang ating Bisita para sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo, Ina ng Talam...
26/06/2026

TINGNAN: Nakahanda na ang ating Bisita para sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo, Ina ng Talampas.

Tunay ngang nakapananabik ang nalalapit na makulay at maringal na Kapistahan ng ating Masintahing Ina. Kaya naman bayan ng Diyos at mga deboto, halina kayo at makiisa sa pagpupugay sa ating Butihing Inang Masaklolo ang Ina ng laging Saklolo, makisaya sa simple at payak na kapistahan sentro ng debosyon sa ating Mahal na Ina - Ina ng Talampas.

Malugod po namin kayong inaanyayahan na makiisa sa pagdiriwang ng Banal na Misa:

Hunyo 27, 2026
Kapistahan
4:00 N.H. | Banal na Misa
Paring Tagapagdiwang: Padre Daryll S. Diño, C.M.

7:30 N.G. | Maringal na Prusisyon
• San Jose Esposo ni Maria • Ave Maria • Mahal na Ina ng Laging Saklolo

Tara na at Makipista!

Viva! La Virgen

Inang Mapagkandili, Inang Katangi-tangi!
25/06/2026

Inang Mapagkandili, Inang Katangi-tangi!

Masintahing Ina, Gabayan at Saklolohan mo po kami sa araw-araw. Amen!
25/06/2026

Masintahing Ina, Gabayan at Saklolohan mo po kami sa araw-araw. Amen!

Address

Talampas Bustos Bulacan
Bustos

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mahal na Birhen - Ina ng Laging Saklolo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share