28/08/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ | ๐๐ฉ๐ฉ๐ซ๐๐๐ข๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ข๐ ๐ก๐ญ
โ๐ผ๐ก๐-๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ช๐๐ช๐ ๐ก๐ค๐ ๐จ๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐จ๐; ๐๐ช๐ฃ๐๐ค ๐จ๐ ๐ข๐๐จ ๐๐๐ฉ๐๐๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ข๐ฅ๐๐ก๐๐ฉ๐๐ฎ๐โ
Isang gabi ng pagninilay, pasasalamat, at pagbabalik-tanaw ang โ๐๐ญ๐ข-๐ข๐ญ๐ขโ Appreciation and Reflection Night ng Team Building 2026 ng Ministry of Altar Servers. Naging pagkakataon ito upang muling balikan ang mga alaala at aral na lalong nagpatibay sa samahan ng bawat altar server bilang isang pamilyang pinag-isa ng paglilingkod at pananampalataya.
Mas naging makahulugan ang gabi sa video greetings mula sa mga magulang at guardians na tunay na nakaantig sa puso ng bawat isa. Naging espesyal din ang pagsulat ng capsule letters na naglalaman ng mga pangako para sa sarili at para kay Jesus, na bubuksan sa susunod na team building bilang paalala ng kanilang pananampalataya at paglago.
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga magulang at guardians sa inyong oras, suporta, at pagmamahal na naging mahalagang bahagi ng gabing ito. Nawaโy ang mga ala-alang nabuo ngayong gabi ay manatili sa ating puso at magsilbing gabay tungo sa mas matibay na pagkakaisa at pananampalataya.