14/09/2025
SETYEMBRE 15, 2025 | KAPISTAHAN NG MAHAL NA BIRHENG NAGDADALAMHATI
Sa kanyang mga hapis, ipinakikita ni Maria ang pagiging tunay na Ina: tapat, matatag, at nakikiisa sa paghihirap ng Anak para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Kaya naman, siya ay huwaran ng pananampalataya at pag-asa, lalo na sa gitna ng ating sariling pagdurusa.
Narito po ating mga gawain bilang paggunita sa Mahal na Birheng Nagdadalamhati.
Rosaryo : 5:30 ng hapon
Banal na Misa : 6:00 ng gabi
Prusisyon : 7:00 ng gabi
Ruta ng Prusisyon: Parokya -Mt.Moriah - Bagbaguin kasabay ng Parokya ng Santa Maria.