04/10/2025
Oktubre: Buwan ng Mahal na Rosaryo
Ang buwan ng Oktubre ay natatanging panahon para sa mga Katoliko upang higit na isabuhay ang pananalangin, pagsasakripisyo, at pagbabalik-loob sa Diyos. Sa buwang ito, ating ipinagdiriwang si Maria bilang Reyna ng Kasantu-santusang Rosaryo.
Bilang mga anak ng Inang Mahal, tinatawag tayong mga Pilipino bilang Pueblo Amante de Mariaโang bayang tapat na nagmamahal at sumasampalataya.
Ang bawat butil ng rosaryo ay hindi lamang simpleng pananalita, kundi isang paglalakbay kasama si Maria na nagtuturo sa atin ng landas tungo kay Kristo. Itoโy panalangin ng pananampalataya, ng pag-asa, at higit sa lahat, ng pag-ibig.
Nawa, sa buwang ito ng Rosaryo, ay maging masigla ang ating pagninilay at pagtatalaga sa Diyos, kasama ng ating Mahal na Ina, sa diwa ng pagiging Legionaryo ni Maria.
โ๏ธ & ๐ป: John Aris B. Linsao