Commission on Marian Devotion - Sto. Niño de Bustos

Commission on Marian Devotion - Sto. Niño de Bustos '' Maria, Ina ng Awa, halimbawa ng Gawa at Unawa sa Kapwa '' Commission on Marian Devotion / Flores de Maria at Sto. Niño Parish Church

23/04/2022

PABATID: PLATAPORMA 2022

Ipinapaalam sa lahat na dahil sa problemang teknikal na labas na sa kakayahan ng mga tagapamahala ng programa, ang pagpapalabas ng PLATAPORMA 2022: KATAPATAN SA BAYAN ay malilipat sa sumusunod na petsa:
29 Abril 2022 (Biyernes) para sa mga kumakandidatong konsehal,
30 Abril 2022 (Sabado) para sa mga kumakandidatong punong bayan at ikalawang punong bayan ng bayan ng Bustos.

Lubos kaming humihingi inyong pang-unawa.
Maraming Salamat po sa inyong patuloy na pagsuporta.


KAPISTAHAN NG PAGSILANG NG MAHAL NA BIRHENG MARIAika-08 ng Setyembre, 2021Pagdiriwang ng Banal na Misa – 6:30 ng Umaga
07/09/2021

KAPISTAHAN NG PAGSILANG NG MAHAL NA BIRHENG MARIA
ika-08 ng Setyembre, 2021
Pagdiriwang ng Banal na Misa – 6:30 ng Umaga

“Si Maria na Kanyang ina... ay natagpuang nagdadalang-tao...sa pamamagitan ng Espirirtu Santo” (Mt 1:18)

KAPISTAHAN NG PAGSILANG NG MAHAL NA BIRHENG MARIA
ika-08 ng Setyembre, 2021
Pagdiriwang ng Banal na Misa – 6:30 ng Umaga

Inaayahahayan namin kayong makiisa sa pagdiriwang ng Kapistahan ng ating Mahal na Birheng Maria, ang Ina ng pag-asa natin ngayong tayo pa din ay nasa panahon ng pandemya. Ipinapaalala pa din sa lahat ang pagsunod sa ating heath protocol sa loob at labas ng simbahan.

Ngayong ika-500 taon ng Pagiging Kristiyano ng ating bansa, tinatawagan tayong mga Pilipino na palalimin ang ating pagkakakilala kay Maria mula sa Bibliya, doktrina at liturhiya na batayan ng ating debosyon kay Maria



"MARIA: INA NG PAG-ASA"Pamparokyang Pagdiriwang ng Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng MariaViva La Virgen!
29/08/2021

"MARIA: INA NG PAG-ASA"
Pamparokyang Pagdiriwang ng Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria

Viva La Virgen!


MAHALAGANG PABATID:Ipinagbibigay alam po sa lahat na ang PAGPAPALIBAN NG BANAL NA GAWAIN SA PAROKYA NG STO.NIÑO DE BUSTO...
09/08/2021

MAHALAGANG PABATID:

Ipinagbibigay alam po sa lahat na ang PAGPAPALIBAN NG BANAL NA GAWAIN SA PAROKYA NG STO.NIÑO DE BUSTOS at OPISINA SA PAROKYA AY PANSAMANTALANG ISASARA simula ngayon, ika-09 ng Agosto, 2021.

Para sa iba pang mga karagdagang katanungan o impormasyon, maaaring mag-message sa ating page (/SNPBustos).
Manghintay na lamang po sa mga susunod na patalastas para sa mahahalagang anunsyo.

Inaasahan namin ang inyong lubos na pang-unawa.
Maraming salamat at pagpalain nawa tayo ng ating Panginoon.

13/05/2021

Salamat sa Diyos sa biyaya niyang kaloob ng pagkakatalaga sa ating parokya dito sa Bustos bilang isa sa mga nahirang na "Jubilee Church" sa ating bansa.

Malugod namin kayong inaanyayahan ngayong Linggo upang makiisa sa makasaysayang araw na ito para sa pagbubukas ng Pinto ng Jubileo para sa pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas sa ganap na ika-4 at kalahati ng hapon na susundan ng banal na misa na pangungunahan ni Rdo. Mons. Pablo Legaspi.


21/11/2020

NOBYEMBRE 21 || PAGGUNITA SA PAGHAHANDOG KAY MARIA SA TEMPLO

Nang tatlong taong gulang na si Maria, ang kanyang mga banal na magulang na sina Santa Ana at San Joaquin ay tinupad ang kanilang pangako. Tinipon nila ang kanilang mga kamag-anak at kaibigan, binihisan nila ang batang Maria ng puting damit at inihatid sa templo upang ihandog. Sa katunayan, may dalawang mukha ang pagdadala kay Maria sa Templo. Sa isang banda, ipinagdiriwang nito ang paghahandog kay Maria sa Diyos. At sa kabilang banda naman, ginugunita nito ang Judeong ritwal ng paglilinis kay Santa Ana. Alinman sa dalawang mukhang ito ang ating tingnan, pareho itong pagtupad sa batas ng Judaismo. Sa Banal na Kasulatan, ang mga saserdote ay ang mga pari sa Templo. At dahil ang pangunahing gawain sa Templo ay pagsamba sa Diyos sa pamamagitan ng paghahain sa Kanya ng susunuging-handog, ang mga saserdote ay tagapaghandog ng mga kaloob ng tao sa Diyos. Sila rin ang tagapaggawad ng bendisyon ng Diyos sa Kanyang bayan. Sa aklat ng Levitiko (12:2-8) mababasa ang mga alintuntuning dapat sundin ng mga babaeng nagsilang ng sanggol. Partikular na binabanggit ng mga alituntuning ito ang bilang ng mga araw, paraan, lugar, at maging ang dapat ialay para sa ritwal na paglilinis sa babaeng nagbuntis at nagluwal.
Gayun na lamang ang paggalang at pag sunod nina Santa Ana at San Joquin sa batas nila. Kaya nga’t sinunod din ng Banal na Mag-anak, (Jesus, Maria, Jose) ang hinihingi ng batas, nang si Jesus naman ang ihandog nila sa Templo. Sa gitna ng kanilang napakataas na estado sa mga mata ng Diyos, larawan sila ng kapakumbabaan. Nagpalinis at naghandog pa rin sila.

Address

Bustos
3007

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Commission on Marian Devotion - Sto. Niño de Bustos posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share