Hermandad De La Sagrada Pasíon - Sto. Niño Parish, Bustos, Bulacan

Hermandad De La Sagrada Pasíon - Sto. Niño Parish, Bustos, Bulacan Samahan ng mga nangangalaga ng mga karosa tuwing Mahal na Araw sa Parokya ng Sto. Niño - Bustos, Bulacan

HULYO 29 | PAGGUNITA KINA SAN LAZARO, STA. MARIA, AT STA. MARTA NG BETANIAAng magkakapatid na banal ng Betania na sina L...
28/07/2026

HULYO 29 | PAGGUNITA KINA SAN LAZARO, STA. MARIA, AT STA. MARTA NG BETANIA

Ang magkakapatid na banal ng Betania na sina Lazaro, Maria at Marta ay mga kaibigan ni Jesus.

Si Lazaro ang pinakamamahal na kaibigan ni Jesus na kan'yang pinagtangisan ay binuhay matapos ang apatnapung araw. Ayon sa tradisyon, si Lazaro ay naging Obispo at nagturo ng mga aral ni Jesus.

Si Maria ay huwaran sa pakikinig at nagpamalas ng pambihirang pagmamahal kay Jesus. Nang si Hesus ay dumalaw sa kanilang tahanan, naupo siya sa may paanan nito upang makinig sa kanyang itinuturo. Nang magbalik si Hesus sa Betania na kung saan isang hapunan ang inihanda para sa kanya, kumuha si Maria ng isang bote ng mamahaling pabangong galing sa katas ng dalisay na nardo, at ibinuhos sa mga paa ni Hesus. Pagkatapos, pinunasan niya ito ng kanyang buhok.

Si Marta naman ay nakilala sa Ebanghelyo ni San Lucas. Tumuloy sa kanilang tahanan si Hesus at inilalarawan si Santa Marta na abalang-abala sa pag-eestima sa mga besita. Samantala, itinuro ni Hesus kay Marta ang higit na mahalagang dapat na pinag kaka-abalahan sa buhay ang pagpapayaman ng sarili sa Salita ng Diyos.

Noong ika-2 ng Pebrero taong 2021, naglabas ng dekreto ang Congregation of Divine Worship sapagkat ang kapistahan tuwing ika-29 ng Hulyo ay nakalaan sa pag-alaala kay Santa Marta lamang. Kung kaya't ipinagtibay ng banal na Santo Papa Francisco na ang tatlong magkakapatid na Santa Marta, Maria at San Lazaro ay sabay-sabay na ipagdiwang tuwing ika-29 ng Hulyo.

Ang imahen na nina San Lazaro, Sta. Maria, at Sta. Marta de Betania ay nasa pangangalaga nina Christian Jay Nepomuceno – Guevarra, G. at Gng. Michael Gaddi at Pamilya at Gng. Cecilia Diño at Pamilya mula sa Poblacion, Bustos, Bulacan.


HULYO 25 | PAGGUNITA KAYAPOSTOL SANTIAGO EL MAYORSi Santiago Mayor ay anak nina Zebedeo at ni Santa Salome at kapatid ni...
24/07/2026

HULYO 25 | PAGGUNITA KAY
APOSTOL SANTIAGO EL MAYOR

Si Santiago Mayor ay anak nina Zebedeo at ni Santa Salome at kapatid ni San Juan Ebangelista. Kasama sina San Pedro, San Andres, at ang kapatid niyang si San Juan, ay isa siya sa unang tinawag ni Jesus upang mangaral kasama niya. Saksi siya, kasama nina San Pedro at San Juan sa pagbabagong-anyo ni Jesus sa bundok ng Tabor at sa pagpapagaling ni Jesus sa anak ni Jairo.

Matapos ang pag-akyat ni Hesus sa langit, siya ay nagtungo sa ilang bahagi ng Israel at sa mga bayang sakop ng mga Romano, at sa lugar ng Compostela sa Espanya na kung saan nagpakita sa kanya ang Mahal na Birhen Maria, ang kauna-unahang pagkakataong nag aparisyon ang Mahal na Ina.

Bumalik si Santiago sa Jerusalem at noong 44 A.D. at doon ay hinatulan ng kamatayan ni Herodes. Maliban kay Judas Iscariote na nagbigti (Mateo 27:3-10), ang kamatayang ito ni Santiago ang tanging kamatayan na nakatala sa Bibliya (Gawa 12:2). Nasusulat sa Gawa ng Apostol (gawa 12,2) na ipanahuli ni Herodes Agrippa si Santiago at ito ay kanyang pinapugutan. Ang dahilan ng pagpatay na ito ay ang pag-uusig ni Herodes laban sa Simbahan. Ang pagpupugot ay naganap noong Paskuwa taong 44AD. Si Santiago ang kauna-unahang nag-alay ng dugo sa hanay ng mga apostol.

Ang imahen na ito ni Apostol Santiago El Mayor ay nasa pangangalaga nina Clence, Clarence, Charls, Pamilya Santos at Villanueva mula sa Bonga Mayor, Bustos, Bulacan.


HULYO 22 | PAGGUNITA KAY STA. MARIA MAGDALENASi Santa Maria Magdalena ay kilala bilang isa sa mga disipulo ni Jesus at t...
21/07/2026

HULYO 22 | PAGGUNITA KAY
STA. MARIA MAGDALENA

Si Santa Maria Magdalena ay kilala bilang isa sa mga disipulo ni Jesus at tinaguriang apostol sa mga apostol. Ayon sa Ebanghelyo, siya ay isang babae mula sa bayan ng Magdala sa Israel, kung saan siya ay tinubos ni Jesus mula sa pitong dimonyo. Pagkatapos nito, siya ay sumunod kay Jesus at naging isa sa kanyang mga matapat na tagasunod.

Sa iba't ibang bersyon ng Ebanghelyo, si Maria Magdalena ay tanyag bilang isang mahalagang saksi sa mga pangyayari sa buhay ni Jesus, kabilang na ang kanyang pagkamatay at muling pagkabuhay. Siya ang unang nasaksihan ng muling pagkabuhay ni Jesus, na nagbigay sa kanya ng mahalagang papel bilang tagapagdala ng balita ng muling pagkabuhay. Dahil dito, siya ay tinaguriang "apostol sa mga apostol." Sa kanyang buhay at pananampalataya, ipinapakita ni Maria Magdalena ang pagbabago at ang kakayahan ng bawat isa na magbalik-loob at magkaroon ng bagong buhay sa pamamagitan ni Jesus.

Ang imahen na nasa larawan ay nasa pangangalaga ni G. Tirso Bunag at Pamilya mula sa Poblacion, Bustos, Bulacan.


HULYO 12 | PAGGUNITA KAY STA. VERONICAPatron ng mga CamareroSi Santa Veronica ay isang banal na babae sa Jerusalem na na...
12/07/2026

HULYO 12 | PAGGUNITA KAY STA. VERONICA
Patron ng mga Camarero

Si Santa Veronica ay isang banal na babae sa Jerusalem na nakilala dahil sa kanyang habag at pananampalataya kay Hesus. Ayon sa tradisyon, habang si Hesus ay nagbubuhat ng krus papuntang Golgota, lumapit si Veronica at pinunasan ang Kanyang mukha gamit ang belo. Sa himalang paraan, naiwan sa tela ang mukha ni Kristo, bilang tanda ng Kanyang kabanalan at pagpapala.

Ang imahen na ito ni Sta. Veronica ay nasa pangangalaga ni G. Bonifacio D. Cruz Jr. at Pamilya mula sa Bonga Menor, Bustos, Bulacan.


09/04/2026
Maraming Salamat, Dandan photographe!
08/04/2026

Maraming Salamat, Dandan photographe!

Address

C. L. Hilario Street, Poblacion, Bulacan
Bustos
3007

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hermandad De La Sagrada Pasíon - Sto. Niño Parish, Bustos, Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share