Nuestra Señora de Lourdes de Bustos

Nuestra Señora de Lourdes de Bustos Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Nuestra Señora de Lourdes de Bustos, Religious organisation, San Pedro, Bustos.

16/08/2026

17 AGOSTO 2026 | 6:30 NG UMAGA| BANAL NA MISA

Lunes ng Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

“Huwag kang papatay; huwag kang mangangalunya; huwag kang magnanakaw; huwag kang magsisinungaling sa iyong pagsaksi; igalang mo ang iyong ama at ina; at, ibigin mo ang iyong kapwa, gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.”
- Mateo 19

Halina at magsama-sama tayo bilang isang nagkakaisang sambayanan ng Diyos online sa ating page (www.facebook.com/SNPBustos) at YouTube channel (youtube.com/c/SNPBustos).



16/08/2026

16 AGOSTO 2026 | 5:00 NG HAPON | BANAL NA MISA

Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon

“Napakalaki ng iyong pananalig! Mangyayari ang hinihiling mo.” - Mateo 15, 21-28

Halina at magsama-sama tayo bilang isang nagkakaisang sambayanan ng Diyos online sa ating page (www.facebook.com/SNPBustos) at YouTube channel (youtube.com/c/SNPBustos).



16/08/2026
16 AGOSTO | KAPISTAHAN NI SAN ROQUE NG MONTPELLIERPatron ng mga may-sakit, mga tinamaan ng salot o epidemya, mga a*o, at...
16/08/2026

16 AGOSTO | KAPISTAHAN NI SAN ROQUE NG MONTPELLIER

Patron ng mga may-sakit, mga tinamaan ng salot o epidemya, mga a*o, at mga manlalakbay.

Panalangin kay San Roque ng Montpellier

O butihing San Roque, tapat na lingkod ng Diyos at mapagkalingang tagapamagitan ng mga maysakit, sa iyong kapistahan ay buong kababaang-loob kaming lumalapit sa iyo.

Ipanalangin mo kami sa Panginoon upang kami ay pagkalooban ng mabuting kalusugan, matibay na pananampalataya, at lakas sa harap ng bawat pagsubok. Ilayo mo kami sa karamdaman at anumang panganib, at patuloy mong gabayan ang aming mga pamilya at pamayanan.

Turuan mo kaming maging mahabagin at mapagmalasakit sa mga nangangailangan, tulad ng iyong buhay na inialay sa paglilingkod sa kapwa.

San Roque, tagapamagitan ng mga maysakit, ipanalangin mo kami.

San Roque ng Montpellier, ipanalangin mo kami. Amen.

15/08/2026

16 AGOSTO 2026 | 8:00 NG UMAGA | BANAL NA MISA

Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon

“Napakalaki ng iyong pananalig! Mangyayari ang hinihiling mo.” - Mateo 15, 21-28

Halina at magsama-sama tayo bilang isang nagkakaisang sambayanan ng Diyos online sa ating page (www.facebook.com/SNPBustos) at YouTube channel (youtube.com/c/SNPBustos).



15/08/2026

16 AGOSTO 2026 | 6:30 NG UMAGA | BANAL NA MISA

Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon

“Napakalaki ng iyong pananalig! Mangyayari ang hinihiling mo.” - Mateo 15, 21-28

Halina at magsama-sama tayo bilang isang nagkakaisang sambayanan ng Diyos online sa ating page (www.facebook.com/SNPBustos) at YouTube channel (youtube.com/c/SNPBustos).



IKA-15 NG AGOSTO | DAKILANG KAPISTAHAN NG PAG-AAKYAT SA LANGIT NG MAHAL NA BIRHENG MARIA“Nasa kanan Mo ang Reyna,Maningn...
15/08/2026

IKA-15 NG AGOSTO | DAKILANG KAPISTAHAN NG PAG-AAKYAT SA LANGIT NG MAHAL NA BIRHENG MARIA

“Nasa kanan Mo ang Reyna,
Maningning sa ginto’t ganda!”

ANG DOGMA NG PAG-AAKYAT SA LANGIT SA
MAHAL NA BIRHENG MARIA
(Assumption of the Blessed Virgin Mary)

Itinuturo ng Simbahang Katoliko na ang Mahal na Birheng Maria "pagkatapos ng kanyang buhay sa lupa, ay maluwalhating iniakyat sa langit, katawan at kaluluwa."

Ang pagpapahayag ng dogmang ito ay ipinaliwanag ni Papa Pio XII noong Nobyembre 1, 1950 sa kanyang Konstitusyong Apostoliko na "Munificentissimus Deus." Ipinagdiriwang ng Simbahang Katoliko bilang Dakilang Kapistahan (Solemnity) ang pagkilalang ito sa karangalan ng Mahal na Birhen tuwing ika-15 ng Agosto. Si Maria, ang Kalinis-linisang Ina ng Diyos, ay ang maluwalhating kaganapan ng planong gawaing pagtubos ng Makapangyarihang Diyos para sa ating lahat, isang pagpapahayag ng tiyak na pag-asa at kaligtasan para sa lahat ng nabubuhay na may pananampalataya sa Diyos na makapangyarihan sa lahat.

Ang Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria ay isa sa apat na dogma ng Simbahan patungkol kay Maria. Ayon sa Katesismo ng Simbahang Katoliko, ang Pag-aakyat sa Langit kay Maria ay ang hudyat ng katapusan ng kanyang buhay sa lupa. Nang dumating ang wakas ng kanyang buhay sa lupa, ang katawan at kaluluwa ng Mahal na Birheng Maria ay iniakyat sa langit nang buong-buo. Ipinakita ng Diyos ang Kanyang Awa sa Mahal na Birheng Maria, kahit na sa huling sandali ng kanyang buhay sa daigdig.

Dakila at kalugud-lugod ang Mahal na Birheng Maria sa paningin ng Diyos, hindi Niya pinahintulutang mahimlay sa libingan ang Mahal na Birheng Maria. Hindi hinayaan ng Diyos na maiwan sa lupa ang katawan ni Maria sapagkat siya ang naging sisidlan ng Banal na Anak ng Diyos, si Jesukristo, ang ating Panginoon, sa pamamagitan ng kanyang sinapupunan, nang siya ay magdalang-tao sa Panginoon.Nang dumating ang huling sandali ng kanyang buhay sa lupa, iniakyat ng Diyos nang buong-buo ang kanyang katawan at kaluluwa sa langit. Kung paanong iniligtas ng Diyos ang Mahal na Birheng Maria mula sa bahid ng kasalanang mana nang siya ay ipaglihi ng kanyang inang si Santa Ana (Inmaculada Concepcion), gayon din naman, iniligtas ng Diyos si Maria mula sa pagkakahimlay ng kanyang katawang lupa.

PANALANGIN SA NUESTRA SEÑORA DE ASUNCION

Ama naming Makapangyarihan, sa Iyong kaningningan naakit ang Mahal na Birheng Maria. Sa tulong ng Iyong biyaya, namuhay siyang kalinis-linisan at karapat-dapat sa Iyong itinakda kaya't pinagpala Mo siyang iniakyat sa kalangitan taglay ang kaluluwa't katawan. Ibinigay Mo sa amin siyang Ina at huwaran.

Sa tulong ng kanyang mga panalangin at sa pagsasaloob namin ng mga bagay sa kaitaasan, pagintapatin Mong kami'y mamuhay rin sa kalinisan at karapat-dapat sa Iyong mga itinakda at kaisa niya'y magtamasa sa Iyong piling ng kaningningang walang maliw, sa pamamagitan ni Jesukristo, kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. Amen.

Nuestra Señora de la Asuncion, ipanalangin mo kami.

14/08/2026

15 AGOSTO 2026 | 6:30 NG UMAGA | BANAL NA MISA

Banal ang kanyang pangalan!
Kinahahabagan niya ang mga may takot sa kanya, sa lahat ng sali’t saling lahi.
Lucas 1, 39-56

Halina at magsama-sama tayo bilang isang nagkakaisang sambayanan ng Diyos online sa ating page (www.facebook.com/SNPBustos) at YouTube channel (youtube.com/c/SNPBustos



13/08/2026

14 AGOSTO 2026 | 6:30 NG UMAGA | BANAL NA MISA

Paggunita kay San Maximiliano Maria Kolbe, pari at martir

"Sa sandaling ipatawad ko ang lahat mong kasalanan, matitikom ang bibig mo dahil sa laki ng kahihiyan." -Ezekiel 16, 59-63

Halina at magsama-sama tayo bilang isang nagkakaisang sambayanan ng Diyos online sa ating page (www.facebook.com/SNPBustos) at YouTube channel (youtube.com/c/SNPBustos).



12/08/2026

13 AGOSTO 2026 | 6:30 NG UMAGA | BANAL NA MISA

Paggunita kina San Ponciano, papa, at San Hipolito, pari, mga martir

“Tunay na kayo ang Anak ng Diyos!” Mateo 14, 22-33

Halina at magsama-sama tayo bilang isang nagkakaisang sambayanan ng Diyos online sa ating page (www.facebook.com/SNPBustos) at YouTube channel (youtube.com/c/SNPBustos).



Address

San Pedro
Bustos
3007

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nuestra Señora de Lourdes de Bustos posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share