Nuestra Señora Delas Flores de Cambaog

Nuestra Señora Delas Flores de Cambaog Official page ng Nuestra Señora Delas Flores de Cambaog 🫶💐

HULYO 19, 2026 | ARAW NG LINGGOIKALABING-ANIM NA LINGGO SA KARANIWANG PANAHONMayroon pong Banal na Misa sa ating Bisita ...
18/07/2026

HULYO 19, 2026 | ARAW NG LINGGO
IKALABING-ANIM NA LINGGO SA KARANIWANG PANAHON

Mayroon pong Banal na Misa sa ating Bisita Bukas sa Ganap na Ika 6:30 NG UMAGA alin sabay po ang Buwanang Pagdedebosyon sa ating Mahal na Patron San Jose de Cambaog

Ang Lahat po ay Inaanyayahan na Makiisa Para sa Pagdriwang ng Banal na Misa Bukas Araw ng Linggo at Araw ng DEBOSYON kay San Jose de Cambaog


HULYO 12, 2026 | ARAW NG LINGGOIKALABINLIMANG LINGGO SA KARANIWANG PANAHONPagdiriwang ng Banal na Misa sa Bisita ni San ...
11/07/2026

HULYO 12, 2026 | ARAW NG LINGGO
IKALABINLIMANG LINGGO SA KARANIWANG PANAHON

Pagdiriwang ng Banal na Misa sa Bisita ni San Jose de Cambaog sa Ganap na Ika 6:30 ng Umaga


PABATID...Mayroon po tayong banal na misa bukas IKA 05 NG HULYO SA GANAP NA IKA 6:30 NG UMAGA sa Bisita ni San Jose de C...
04/07/2026

PABATID...

Mayroon po tayong banal na misa bukas IKA 05 NG HULYO SA GANAP NA IKA 6:30 NG UMAGA sa Bisita ni San Jose de Cambaog



PABATID...Mayroon po tayong banal na misa bukas IKA 28 NG HUNYO SA GANAP NA IKA 6:30 NG UMAGA sa Bisita ni San Jose de C...
27/06/2026

PABATID...

Mayroon po tayong banal na misa bukas IKA 28 NG HUNYO SA GANAP NA IKA 6:30 NG UMAGA sa Bisita ni San Jose de Cambaog


,Tatay, ,Papa, ,Daddy, ,Ama,Katulad ni San Jose sana ay Matularan ng mga Ama ang Kanyang mga Mabubuting Gawa at Pag Mama...
21/06/2026

,Tatay, ,Papa, ,Daddy, ,Ama,

Katulad ni San Jose sana ay Matularan ng mga Ama ang Kanyang mga Mabubuting Gawa at Pag Mamahal sa Kanyang Banal na Mang Anak 💚💛

PANALANGIN PARA SA LAHAT NG MGA AMA

Panginoong Diyos, sa araw pong ito ay aming itinataas sa iyo ang lahat ng mga Ama, ang mga haligi ng bawat tahanan. Gabayan po Ninyo sila upang matularan nila si San Jose bilang modelo. Ingatan po Ninyo sila sa kanilang paghahanap-buhay at ilayo po Ninyo sila lahat ng uri ng tukso. Sa Ngalan ni Hesus, Amen.

Happy Father’s day po sa Lahat ng mga Ama daddy tatang Papa Tatay


HUNYO 19, 2026  | BUWANANG PAGDEDEBOSYON KAY SAN JOSE DE CAMBAOGPANALANGIN KAY SAN JOSEDakilang Patriarkang San Jose, ul...
19/06/2026

HUNYO 19, 2026 | BUWANANG PAGDEDEBOSYON KAY SAN JOSE DE CAMBAOG

PANALANGIN KAY SAN JOSE

Dakilang Patriarkang San Jose, ulirang ama ng tahanan, amang turing ni Jesus at kalinis-linisang kabiyak ng puso ng Birheng Maria,kami po ay dumudulog sa inyong makaamang pagmamahal at tanging pag-aampon.

Mahal naming San Jose, itinataas po namin sa Diyos Ama ang aming mga pangangailangan sa buhay at mga hangarin sa buhay esprituwal, na sa iyong tulong ay makamit ang pagpapala ayon sa kalooban ng Panginoon

(banggitin ang mga panalangin)

Pagindapatin mo po, na ihatid sa Diyos Amang bukal ng awa ang aming taos pusong panalangin na may lubos na pasasalamat sa lahat ng mga biyayang kaloob.

San Jose, nabuhay po kayo sa piling ni Jesus. Sa lagi kong naaalala, na habang Siya ay dinuduyan sa iyong mga bisig at nakahimlay sa iyong dibdib, yakapin mo Siya at gawaran mo ng halik sa noo para sa akin, sa gayong po ang halik na yaon ay madama ko ngayon at sa oras ng aking kamatayan.
Amen.

SAN JOSE DE CAMBAOG
ipanalangin mo kami.

PABATID...Bukas po ay Ika 19 ng Hunyo 2026 Araw ng Biyernes Buwanang Pagdedebosyon sa Mahal na Patrong San Jose de Camba...
18/06/2026

PABATID...

Bukas po ay Ika 19 ng Hunyo 2026 Araw ng Biyernes Buwanang Pagdedebosyon sa Mahal na Patrong San Jose de Cambaog Mayroon po tayong Pagdriwang ng Banal na Misa sa ating Bisita sa Ganap na Ika 5:00 ng Hapon


UNANG SABADO NG BUWAN NG HUNYO | PANALANGIN SA NUESTRA SEÑORA DE LAS FLORESO Maria, Virgen delas Flores,Katangi-tanging ...
06/06/2026

UNANG SABADO NG BUWAN NG HUNYO | PANALANGIN SA NUESTRA SEÑORA DE LAS FLORES

O Maria, Virgen delas Flores,
Katangi-tanging bulaklak ng sanlibutan.
Kami ay nasa iyong harapan at lumuluhog
na kami ay ipanalangin at turuan
na mapalago ang aming mumunting buhay.
Mamukadkad nawa ito ng mga bulaklak
ng mabubuting gawa at maging kalugud-lugod
na aming handog sa dambana ng Ama.
Akayin mo kami, aming Ina sa tamang landas
nang 'di kami maligaw sa mundong ito.
Ilapit mo sa iyong Anak ang aming pagsamo...

(Banggitin ang kahilingan)

Tanggapin mo ang pagmamahal
Na handog namin sa iyo, O aming Reyna.
Ingatan mo kaming lagi habang tinatahak ang buhay na ito
At nawa sa bawat araw ng aming buhay,
Kabutihan ang maibahagi namin sa aming kapwa.

Amen.

Nuestra Señora de las Flores
Ipanalangin mo kami!

31/05/2026

MAYO 31, 2026 | PISTANG PANAPOS PARA SA PAGDRIWANG NG FLORES DE MARIA 2026

Paalam Inang Birhen,
Kasing ningning ng buwan,
Paalam na paalam,
Kami ay bendisyunan.
Kami ay bendisyunan

Kami ay pagpalain,
Birheng maawain,
Kami ay kalingain
Mahal na ina namin.
Mahal na ina namin.

Oh, Maria Virgen Delas Flores
Ipanalangin mo kami.

Address

Cambaog Bustos Bulacan
Bustos

Opening Hours

Tuesday 9am - 7pm
Wednesday 6am - 5pm
Thursday 8am - 2pm
Friday 12pm - 5pm
Saturday 9am - 8:30pm
Sunday 6am - 6:30pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nuestra Señora Delas Flores de Cambaog posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share