Sto. Niño Parish - Bustos, Bulacan

Sto. Niño Parish - Bustos, Bulacan Sto. Niño Parish is located along C.L. Hilario Highway, Poblacion, Bustos, Bulacan, Philippines, headed by Msgr. Leocadio P. De Jesus P.C. Established 1867. Niño.
(3)

This is the new official page of Sto. Niño Parish, Bustos, Bulacan managed by the Parish Social Communications and Multimedia Ministry in cooperation with the parish office staff.

---------------------------------------------------------

A short history of Bustos and the Parish of Sto. The tranquil town of Bustos was once a part of the municipality of Baliuag. The three barangays of Bon

ga, Tanawan, and Talampas were situated across the river of Angat. the faithful in these barangays had to dare the raging water of the river, riding on a "placeta" to go to Saint Augustine parish for their spiritual needs. But one unfortunate Sunday morning in 1862, a big crowd of parents, children, and sponsors were crossing the river when their "planceta" was smashed by violent waves that caused it to overturn. The tragedy roused the people to beseech the Parish Priest of Baliuag to establish them their own town and parish so that the tragedy won't happen again. The chose the Holy Child Jesus (Sto. Niño) as their patron saint in honor of those infants that died in the river. Bustos also gained its independence from Baliuag in 29 April 1867 and got its name from Don Jose Pedro de Busto[s] who was appointed tenyente heneral alkalde of Bulacan during the late 1700s. The town became part of Baliuag again during the American period. It regained its independence and became a distinct municipality on 1 January 1916 during the Philippine Assembly. The following year, it inaugurated its municipal hall with Leon Prado as its first local leader. Padre Gabriel Alvarez served as the first parish priest of the institutionalized Sto. Niño Parish Church. The Parish of San Isidro Labrador in Liciada, Bustos was established on 1981 as her first daughter parish to meet the spiritual needs of those situated in the barangays of: Buisian, Camachilihan, Catacte, and Malawak.

22/08/2026

23 AGOSTO 2026 | 8:00 NG UMAGA | BANAL NA MISA

Ika-Dalawampu't Isang Linggo sa Karaniwang Panahon

“Kayo po ang Kristo, ang Anak ng Diyos na buhay.”- Mateo 16: 13-20

Halina at magsama-sama tayo bilang isang nagkakaisang sambayanan ng Diyos online sa ating page (www.facebook.com/SNPBustos) at YouTube channel (youtube.com/c/SNPBustos).



22/08/2026

23 AGOSTO 2026 | 6:30 NG UMAGA| BANAL NA MISA

Ika-Dalawampu't Isang Linggo sa Karaniwang Panahon

“Kayo po ang Kristo, ang Anak ng Diyos na buhay.”- Mateo 16: 13-20

Halina at magsama-sama tayo bilang isang nagkakaisang sambayanan ng Diyos online sa ating page (www.facebook.com/SNPBustos) at YouTube channel (youtube.com/c/SNPBustos).



ANG SALITA NG DIYOSLINGGO | ika-23 ng Agosto 2026Ikadalawapu’t-isang Linggo sa Karaniwang PanahonUNANG PAGBASAIsaias 22,...
22/08/2026

ANG SALITA NG DIYOS

LINGGO | ika-23 ng Agosto 2026
Ikadalawapu’t-isang Linggo sa Karaniwang Panahon

UNANG PAGBASA
Isaias 22, 19-23

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Sinabi ng Panginoon kay Sabnang katiwala sa palasyo:
“Aalisin kita sa iyong katungkulan,
at palalayasin sa iyong kinalalagyan.
Tatawagin ko sa araw na iyon ang aking lingkod,
si Eliaquim na anak ni Helcias.
Siya ang pagsusuutin ko ng iyong buong kasuotan,
ibibigay ko sa kanya ang iyong kapangyarihan,
siya ang magiging pinakaama ng Jerusalem at ng Juda.
Ibibigay ko sa kanya ang susi ng bahay ni David;
ang kanyang buksa’y walang makapagsasara
at walang makapagbubukas ng ipininid niya.
Itatayo ko siyang parang haligi ng tolda
itatayo ko nang matibay sa isang matatag na lugar
at siya’y magiging marangal na luklukan
para sa sambahayan ng kanyang ama.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 137, 1-2a. 2bk-3. 6 at 8bk

Pag-ibig mo’y di kukupas,
gawain mo’y magaganap.

Ako, P**n, buong pusong aawit ng pasalamat,
sa harap ng mga anghel, pupurihin kitang ganap.
Sa harap ng iyong templo ay yuyuko at gagalang,
pupurihin kita roon, pupurihin ang ‘yong ngalan.

Pag-ibig mo’y di kukupas,
gawain mo’y magaganap.

Dahilan sa pag-ibig mo at sa iyong katapatan,
ika’y tunay na dakila, pati iyong kautusan.
Noong ako ay tumawag, tinanggap ko ang tugon mo,
sa lakas mong itinulong ay lumakas agad ako.

Pag-ibig mo’y di kukupas,
gawain mo’y magaganap.

Dakila man ang P**ng D’yos, mahal din niya ang mahirap
kumubli ma’y kita niya yaong hambog at pasikat.
Ang dahilan nito, P**n, pag-ibig mo’y di kukupas.
at ang mga sinimulang gawain mo’y magaganap.

Pag-ibig mo’y di kukupas,
gawain mo’y magaganap.

IKALAWANG PAGBASA
Roma 11, 33-36

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Napakasagana ng kayamanan ng Diyos! Di matarok ang kayamanan, karunungan at kaalaman ng Diyos! Hindi malirip ang kanyang mga panukala at pamamaraan! Gaya ng nasusulat:

“Sapagkat sino ang nakaalam sa pag-iisip ng Panginoon,
O sino ang nakapagkaloob ng anuman sa Diyos
para siya nama’y gantimpalaan?”

Sapagkat mula sa kanya at sa pamamagitan niya at sa kanya ang lahat ng bagay. Sa kanya ang karangalan magpakailanman! Amen.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Mateo 16, 18

Aleluya! Aleluya!
Ikaw, Pedro, ang saligan
ng aking simbahang banal
na daig ang kamatayan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 16, 13-20

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, dumating si Hesus sa lupain ng Cesarea ng Filipos. Tinanong niya ang kanyang mga alagad, “Sino raw ang Anak ng Tao, ayon sa mga tao?” At sumagot sila, “Ang sabi po ng ilan ay si Juan Bautista kayo. Sabi naman ng iba, si Elias kayo. At may nagsasabi pang si Jeremias kayo o isa sa mga propeta.” “Kayo naman, ano ang sabi ninyo? Sino ako?” tanong niya sa kanila. Sumagot si Simon Pedro, “Kayo po ang Kristo, ang Anak ng Diyos na buhay.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Mapalad ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang katotohanang ito’y hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng aking Amang nasa langit. At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking simbahan, at hindi makapananaig sa kanya kahit ang kapangyarihan ng kamatayan. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot sa langit.” At mahigpit niyang tinagubilinan ang kanyang mga alagad na huwag sabihin kaninuman na siya ang Kristo.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.



PANALANGIN SA ARAW-ARAWSa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo, Amen.Panginoong Diyos, maraming salamat po sa ...
22/08/2026

PANALANGIN SA ARAW-ARAW

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo, Amen.

Panginoong Diyos, maraming salamat po sa bawat araw na Iyong ipinagkakaloob at sa mga biyayang aming tinatanggap. Patuloy Mo po kaming gabayan sa aming mga gawain at pagkalooban ng sapat na pangangailangan. Basbasan Mo ang aming mga pamilya at ingatan kami sa anumang pagsubok na aming haharapin. Nawa’y manatili kaming may pusong marunong magpasalamat at laging umaasa sa Iyo. Turuan Mo rin kaming ibahagi ang aming mga biyaya sa mga nangangailangan.
Amen.


22/08/2026

Quiapo Church 12:15 PM LIVE MASS
22 August 2026; Memorial of THE QUEENSHIP of the Blessed Virgin Mary

Paggunita sa PAGKA-REYNA ng Mahal na Birheng Maria
Tagapagdiwang: Rev. Fr. Jupiter D. Diloy, MMSJ

Walang hanggang pasasalamat,
Mahal na P**ng Jesus Nazareno!

QUIAPO CHURCH MOBILE APP
For Android: https://bit.ly/3nXUz4Q
For IOS: https://apple.co/3k9nfFH

IKA -22 NG AGOSTO | PAGGUNITA SA PAGKA-REYNA NG MAHAL NA BIRHENG MARIAPANALANGIN:Ama, Iyong ibinigay sa amin ang ina ng ...
22/08/2026

IKA -22 NG AGOSTO | PAGGUNITA SA PAGKA-REYNA NG MAHAL NA BIRHENG MARIA

PANALANGIN:

Ama, Iyong ibinigay sa amin ang ina ng Iyong Anak para maging aming reyna at ina. Sa tulong ng kanyang mga panalangin, makamtan nawa namin at maipamahagi ang kaluwalhatian ng Iyong mga anak sa kaharian ng langit. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ng Panginoong Hesukristo, Iyong Anak, na nabubuhay at naghahari kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos magpasawalang hanggan . Amen.

Mahal na Birheng Maria, aming Ina at Reyna, ipanalangin mo po kami!



21/08/2026

22 AGOSTO 2026 | 6:30 NG UMAGA| BANAL NA MISA

Paggunita sa Pagka-reyna ng Mahal na Birheng Maria

“Huwag kang matakot, Maria, sapagkat kinalulugdan ka ng Diyos. Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki, at siya’y tatawagin mong Hesus - Lucas 1, 26-38

Halina at magsama-sama tayo bilang isang nagkakaisang sambayanan ng Diyos online sa ating page (www.facebook.com/SNPBustos) at YouTube channel (youtube.com/c/SNPBustos).



ANG SALITA NG DIYOSSABADO | ika-22 ng Agosto 2026Paggunita sa Pagka-reyna ng Mahal na Birheng MariaUNANG PAGBASAIsaias 9...
21/08/2026

ANG SALITA NG DIYOS

SABADO | ika-22 ng Agosto 2026
Paggunita sa Pagka-reyna ng Mahal na Birheng Maria

UNANG PAGBASA
Isaias 9, 1-6

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Nakatanaw ng isang malaking liwanag
ang bayang malaon nang nasa kadiliman,
namanaag na ang liwanag
sa mga taong namumuhay sa lupaing balot ng dilim.
Iyong pinasigla ang kanilang pagdiriwang,
dinagdagan mo ang kanilang tuwa.
Tulad ng mga tao sa panahon ng anihan,
tulad ng mga taong naghahati ng nasamsam na kayamanan.
Nilupig mo ang bansang umalipin sa iyong bayan
tulad ng pagkalupig sa hukbo ng Madian.
Binali mo ang panghambalos ng mga tagapagpahirap sa kanila.
Sapagkat ang panyapak ng mga mandirigma,
ang lahat ng kasuotang tigmak sa dugo ay susunugin.
Sapagkat ipinanganak para sa atin ang isang sanggol na lalaki
at siya ang mamamahala sa atin.
Siya ang Kahanga-hangang Tagapayo, ang Makapangyarihang Diyos,
Walang hanggang Ama, ang Prinsipe ng Kapayapaan.
Malawak na kapangyarihan at walang hanggang kapayapaan
ang ipagkakaloob sa trono ni David at sa kanyang paghahari
upang matatag ito at papanatilihin sa katarungan at katwiran ngayon at magpakailanman.
Isasagawa ito ng Makapangyarihang Panginoon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 112, 1-2. 3-4. 5-6. 7-8

Ngalan ng D’yos ay idangal
ngayon at magpakailanman.

o kaya: Aleluya.

Dapat na magpuri ang mga alipin,
ang ngalan ng P**n ay dapat purihin.
Ang kanyang pangalan ay papupurihan,
magmula ngayo’t magpakailanman.

Ngalan ng D’yos ay idangal
ngayon at magpakailanman.

Buhat sa silangan, hanggang sa kanluran,
ang ngalan ng P**n, pupurihing tunay.
Siya’y naghahari sa lahat ng bansa,
lampas pa sa langit ang pagkadakila.

Ngalan ng D’yos ay idangal
ngayon at magpakailanman.

Walang makatulad ang Panginoong Diyos,
na sa kalangitan doon naluluklok;
buhat sa itaas siya’y tumutunghay,
ang lupa at langit kanyang minamasdan.

Ngalan ng D’yos ay idangal
ngayon at magpakailanman.

Mula sa alabok ang mga mahirap,
sa pagkalugami ay itinataas.
Sa mga prinsipe ay isinasama,
nagiging prinsipe ang mga lingkod n’ya.

Ngalan ng D’yos ay idangal
ngayon at magpakailanman.

ALELUYA
Lucas 1, 28

Aleluya! Aleluya!
Aba, Ginoong Maria,
napupuno ka ng grasya,
D’yos ay kapiling mo t’wina.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 1, 26-38

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Nang ikaanim na buwan na ng pagdadalantao ni Elisabet, ang anghel Gabriel ay sinugo ng Diyos sa Nazaret, Galilea, sa isang dalaga na ang pangala’y Maria. Siya’y nakatakdang ikasal kay Jose, isang lalaki buhat sa lipi ni Haring David. Paglapit ng anghel sa kinaroroonan ng dalaga, binati niya ito. “Matuwa ka! Ikaw ay kalugod-lugod sa Diyos,” wika niya. “Sumasaiyo ang Panginoon.” Nagulumihanan si Maria sa gayong pangungusap, at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan niyon. Kaya’t sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat kinalulugdan ka ng Diyos. Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki, at siya’y tatawagin mong Hesus. Magiging dakila siya, at tatawaging Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David. Maghahari siya sa angkan ni Jacob magpakailanman, at ang kanyang paghahari ay walang hanggan.”

“Paanong mangyayari ito, gayong ako’y dalaga?” tanong ni Maria. Sumagot ang anghel, “Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan. Kaya’t banal ang ipanganganak mo at tatawaging Anak ng Diyos. Natatandaan mo ang iyong kamag-anak na si Elisabet? Alam ng lahat na siya’y baog, ngunit naglihi siya sa kabila ng kanyang katandaan. At ngayo’y ikaanim na buwan na ng kanyang pagdadalantao – sapagkat walang hindi mapangyayari ang Diyos.”

Sumagot si Maria, “Ako’y alipin ng Panginoon. Mangyari sa akin ang iyong sinabi.” At nilisan siya ng anghel.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.



PANALANGIN SA ARAW-ARAWSa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo, Amen.Panginoong Diyos, salamat po sa Iyong pat...
21/08/2026

PANALANGIN SA ARAW-ARAW

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo, Amen.

Panginoong Diyos, salamat po sa Iyong patuloy na pagmamahal at sa mga biyayang araw-araw Mong ipinagkakaloob sa amin. Patuloy Mo po kaming pagpalain sa aming mga pangangailangan, gawain, at mga pangarap sa buhay. Ingatan Mo ang aming mga pamilya at bigyan kami ng lakas, mabuting kalusugan, at kapayapaan. Nawa’y manatili kaming mapagpasalamat at laging magtiwala sa Iyong kabutihan.
Amen.


21/08/2026

Quiapo Church 12:15 PM LIVE MASS
21 August 2026; Memorial of SAINT PIUS X, Pope

Paggunita kay SAN PIO X, Papa
Tagapagdiwang: Most Rev. Teodoro Bacani, Jr., D.D.
Bishop Emeritus of Novaliches

Araw ng BIYERNES • Araw ng DEBOSYON
Araw ng mga DEBOTO • Araw ng QUIAPO
Ang bawat DEBOTO ay MISYONERONG DISIPULO

Walang hanggang pasasalamat,
Mahal na P**ng Jesus Nazareno!

QUIAPO CHURCH MOBILE APP
For Android: https://bit.ly/3nXUz4Q
For IOS: https://apple.co/3k9nfFH

Address

C. L. Hilario Hi-way, Poblacion
Bustos
3007

Opening Hours

Tuesday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Wednesday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Thursday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Friday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Saturday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Sunday 9:30am - 12pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sto. Niño Parish - Bustos, Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Sto. Niño Parish - Bustos, Bulacan:

Shortcuts

Share