23/05/2026
πππππ πππππ π
πππππ ππ πππππ ππππ
Kapistahan ng Virgen delas Flores de Bonga Mayor
Ang Buwan ng Mayo ay isang natatanging panahon ng paggunita, pagdiriwang, at pagbibigay-parangal sa Mahal na Birheng Maria β ang Pinakamarikit na Bulaklak at Ina ng ating Dakilang Tagapagligtas.
Sa diwang ito, muli nating sariwain ang makabuluhang tradisyon ng pananampalataya at debosyon sa Mahal na Birhen sa pamamagitan ng Flores de Maria.
Kaugnay nito, malugod po namin kayong inaanyayahan sa pagdaraos ng Flores de Maria 2026, na gaganapin sa ika-23 ng Mayo sa Bisita ni Sta. Monica, Bonga Mayor, Bustos, Bulacan.
Pangungunahan ang pagdiriwang ng Banal na Misa sa ganap na ika-6:30 ng gabi, na susundan ng maringal na prusisyon ng mga sagala na kakatawan sa ibaβt ibang titulo at sagisag bilang pagpupugay at pagpaparangal sa Mahal na Birheng Maria.
Handog ng Hermandad delas Flores de Maria 2025-2026, sa pangunguna nina Bb. Via Maria Magdaraog at Bb. Ann Geline Santos.
Viva la Virgen delas Flores de Bonga Mayor!