Ang Pagtanggap ni Hesus sa Kanyang Krus

Ang Pagtanggap ni Hesus sa Kanyang Krus Ang Pagtanggap ni Hesus ng Kanyang Krus | Bulusan, Sorsogon
Camarero: FUGEN- GOMECERIA FAMILY
2023

Happy Easter Sunday,  He is Risen! Wishing you a day filled with love, joy and hope. - Pagtanggap ni Hesus sa Kanyang Kr...
05/04/2026

Happy Easter Sunday,
He is Risen! Wishing you a day filled with love, joy and hope.

- Pagtanggap ni Hesus sa Kanyang Krus

Sa ngalan po ng Fugen-Gomeceria Family, taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng tumulong at nakisama sa debosyon ng ...
04/04/2026

Sa ngalan po ng Fugen-Gomeceria Family, taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng tumulong at nakisama sa debosyon ng Pagtanggap ni Hesus sa Kanyang Krus, mula Day 1 hanggang kahapon.

Maraming salamat po:

✨ Tita Maricar at Cleng – sa mga donasyong bulaklak
✨ Tita Alma – sa ambag para mapaganda at mapagawa ang karusa
✨ Sir Benjamin at Ma'am Beb Suod- Fuaso & Family – sa nagpahiram ng battery para sa ilaw ng karusa
✨ Tita Lilia Zerhamae Frades & Family, Gomeceria Family, Barrameda Family, at M. Vacion Nayat & Family – sa masasarap na pagkain para sa lahat ng kasama sa prusisyon
✨ Lola Agnes – sa donasyong tela
✨ Ate Lanie – sa maamong kamay na nagtahi ng damit
✨Raine Mark- para sa pagpanday ng karusa

At syempre, sa lahat ng matatapang na taga-tulak, at sa buong pamilya Fugen, Frago, at Gomeceria Family – walang naging imposible dahil sa inyong pagtutulungan at pagmamahal.

Pagpalain nawa kayo lahat ng ating Panginoon at balikatin ni Hesus ang inyong mga dalahin bilang sukli sa inyong kabutihan. 🙏❤️

- Fugen-Gomeceria Family

H O L Y    W E D N E S  D A Y | 04-01-26Saint James the Greater ParishBulusan, Sorsogon
01/04/2026

H O L Y W E D N E S D A Y | 04-01-26
Saint James the Greater Parish
Bulusan, Sorsogon

Panalangin sa Pagtanggap ni Hesus sa Kanyang KrusSa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.Aming Mahal na Pa...
01/04/2026

Panalangin sa Pagtanggap ni Hesus sa Kanyang Krus

Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Aming Mahal na Panginoong Hesus,
Nais naming yakapin ang kalakip na kabutihan sa iyong payapang pagtanggap sa krus. Sa kabila ng matinding sakit, hirap, at kalungkutan na iyong tiniis, hindi mo binitawan ang pag-ibig mo sa amin. Ipinakita mo sa amin na ang tunay na lakas ay nasa pagpapasakripisyo at pagtitiis para sa ikabubuti ng iba.

Turuan mo po kaming tanggapin ang mga pagsubok sa aming buhay na may katulad na lakas ng loob at pagtitiwala sa Inyong plano. Gabayan mo kami na gamitin ang mga "krus" na aming dinadala bilang daan patungo sa paglago, pagbabago, at mas malapit na ugnayan sa Inyo.

Ipasalamat po namin ang inyong sakripisyo na nagbigay sa amin ng pag-asa at kaligtasan. Itaguyod mo po kami na mamuhay ng buhay na karapat-dapat sa inyong kabutihan.

Ipinagdarasal namin ito sa pamamagitan ng Inyong Pangalan, Amen.

Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

29/03/2026

Address

BARANGAY SAN RAFAEL
Bulusan
4704

Telephone

+639499214491

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Pagtanggap ni Hesus sa Kanyang Krus posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Ang Pagtanggap ni Hesus sa Kanyang Krus:

Shortcuts

Share