Ang Sinag - Bahay Dalanginan ng Senyor Sto. Cristo ng Pulo

Ang Sinag - Bahay Dalanginan ng Senyor Sto. Cristo ng Pulo Ang opisyal na pahina ng Senyor Sto. Cristo ng Pulo - Purok 6 Bambang Bulakan, Bulacan.

PAALAM AT SALAMAT SA IYONG BUHAY, KAPATID LYKASa pangunguna ng mga bumubuo ng Bahay Dalanginan ni Señor Sto. Cristo ng P...
20/07/2026

PAALAM AT SALAMAT SA IYONG BUHAY, KAPATID LYKA

Sa pangunguna ng mga bumubuo ng Bahay Dalanginan ni Señor Sto. Cristo ng Pulo, Ipinaaabot po namin ang aming taos pusong pakikiramay sa mga naulilang mga mahal sa buhay ni Lyka.

Paalam sa iyo kapatid naming yumao, sa paraiso tayo ay mag kikitang muli, samahan ka nawa ng mga anghel sa iyong pag lalakbay patungo sa ating Panginoon.

PAHAYAG NG BABALAIpinaaalam po sa lahat na may isang indibidwal na nagpapanggap na miyembro ng Bisita ng Sto. Cristo Pul...
02/06/2026

PAHAYAG NG BABALA

Ipinaaalam po sa lahat na may isang indibidwal na nagpapanggap na miyembro ng Bisita ng Sto. Cristo Pulo at nangongolekta ng pera para sa pansariling interes.

Ang insidenteng ito ay naiulat na naganap noong Hunyo 2, 2026, sa pagitan ng alas-2:00 hanggang alas-3:00 ng hapon.

Nais naming linawin na walang pahintulot o awtorisasyon mula sa pamunuan ng Bisita ng Sto. Cristo Pulo ang naturang pangongolekta ng pera. Ang anumang donasyon o kontribusyon para sa Bisita ay dapat lamang ibigay sa mga opisyal na kinatawan at sa mga awtorisadong pamamaraan ng pangangalap ng pondo.

Pinapayuhan ang lahat na maging mapagmatyag at agad na iulat sa pamunuan ang anumang kahina-hinalang gawain na may kaugnayan sa usaping ito.

Maraming salamat sa inyong kooperasyon at pag-unawa.

Pamunuan ng Bisita ng Sto. Cristo Pulo
Hunyo 2, 2026

Maligayang Kapistahan ng Banal na Krus! ✨Kaisa ang buong Bisita ng Mahal na Poong Sto. Cristo sa pagdiriwang ng Dakilang...
16/05/2026

Maligayang Kapistahan ng Banal na Krus! ✨

Kaisa ang buong Bisita ng Mahal na Poong Sto. Cristo sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ngayong Mayo 17, 2026. Nawa’y patuloy tayong gabayan, pagpalain, at pagbuklurin ng ating Mahal na Poong Sto. Cristo sa pananampalataya, pagmamahalan, at paglilingkod.

Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng paghahanda at pagdiriwang ng ating kapistahan. Viva Señor Sto. Cristo!

MAKISAYA SA “COLOR FUN RUN Kasama ang 3J Drum Beaters Community BandBukas na, May 17, 2026 | 1:00 PMIsang makulay at mas...
16/05/2026

MAKISAYA SA “COLOR FUN RUN Kasama ang 3J Drum Beaters Community Band

Bukas na, May 17, 2026 | 1:00 PM

Isang makulay at masayang handog para sa Kapistahan ng Mahal na Poong Señor Sto. Cristo.

Tara na at makiisa sa saya, takbuhan, at makukulay na alaala kasama ang pamilya at mga kaibigan!

Lubos po kaming nagpapasalamat sa Jogima Nature Farm and Resort sa pangunguna ni Mrs. Mary Ann Milan sa inyong tulong at...
16/05/2026

Lubos po kaming nagpapasalamat sa Jogima Nature Farm and Resort sa pangunguna ni Mrs. Mary Ann Milan sa inyong tulong at walang sawang suporta para sa darating na Kapistahan ng Mahal na Señor Sto. Cristo.

Malaking bahagi po kayo sa tagumpay ng aming pagdiriwang. Nawa’y patuloy kayong pagpalain at gabayan ng Poong Sto. Cristo.

Maraming salamat po!

Maraming salamat po kay Bulakan vMayor Aron Ronald R. Cruz sa inyong taos-pusong tulong at suporta para sa nalalapit na ...
15/05/2026

Maraming salamat po kay Bulakan vMayor Aron Ronald R. Cruz sa inyong taos-pusong tulong at suporta para sa nalalapit na Kapistahan ng Mahal na Poong Sto. Cristo ngayong ika-17 ng Mayo 2026.

Lubos po naming pinahahalagahan ang inyong kabutihan at pakikiisa sa aming pagdiriwang. Nawa’y pagpalain pa po kayo ng Poong Sto. Cristo at patuloy na gabayan sa inyong paglilingkod sa bayan ng Bulakan.

Maraming salamat po!

Maraming salamat sa Marby Philippines thru Mr. Jurie sa inyong taos-pusong tulong at suporta para sa Kapistahan ni Señor...
15/05/2026

Maraming salamat sa Marby Philippines thru Mr. Jurie sa inyong taos-pusong tulong at suporta para sa Kapistahan ni Señor Sto. Cristo.

Lubos po naming pinahahalagahan ang inyong ipinagkaloob na Super Loaf Bread na bahagi ng magiging tagumpay na pagdiriwang. Nawa’y patuloy kayong pagpalain at gantimpalaan ng Poong Señor Sto. Cristo sa inyong kabutihan at malasakit.

Maraming salamat po!

Ang Bisita ng Mahal na Poong Señor Sto. Cristo ay tao-pusong nagpapasalamat po kay Gov. Daniel Fernando sa inyong agaran...
14/05/2026

Ang Bisita ng Mahal na Poong Señor Sto. Cristo ay tao-pusong nagpapasalamat po kay Gov. Daniel Fernando sa inyong agarang aksyon, suporta, at tulong para sa Kapistahan ng aming Bisita.

Malaking bagay po ang inyong malasakit at pakikiisa sa aming pagdiriwang. Maraming salamat po at pagpalain kayo ng Poong Sto. Cristo.

Narito ang opisyal na iskedyul ng mga nakatakdang gawain para sa nalalapit na pagdiriwang. Inaanyayahan ang lahat na mak...
13/05/2026

Narito ang opisyal na iskedyul ng mga nakatakdang gawain para sa nalalapit na pagdiriwang. Inaanyayahan ang lahat na makiisa, makibahagi, at magtulungan upang maging matagumpay at makabuluhan ang ating selebrasyon.

Maraming salamat sa inyong suporta at pakikiisa. 🙏✨

📢 PAALALA SA MGA MOTORISTA AT RESIDENTE 📢Magkakaroon po ng pansamantalang ROAD CLOSURE sa kalsada sa kahabaan ng ating b...
13/05/2026

📢 PAALALA SA MGA MOTORISTA AT RESIDENTE 📢

Magkakaroon po ng pansamantalang ROAD CLOSURE sa kalsada sa kahabaan ng ating bisita mula alas 3 ng hapon ng ika-16 ng Mayo 2026 hanggang ika-17 ng Mayo 2026 matapos ang sagalahan. Ito po ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Mahal na Poong Señor Sto. Cristo.

Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at pakikipagtulungan. Maaaring dumaan sa mga alternatibong ruta upang maiwasan ang matinding trapiko at abala.

📍Tayo po ay nakipag ugnayan na sa ating Kapitan Moffat Roque at sa Sangguniang Barangay ukol dito.

Maraming salamat po at makiisa sa matagumpay na pagdiriwang! 🙏🚧

Address

Purok 6 Bambang Bulakan
Bulacan
3017

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Sinag - Bahay Dalanginan ng Senyor Sto. Cristo ng Pulo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share