St. Joseph Chapel -Sapang Putik, San Ildefonso,Bulacan

St. Joseph Chapel -Sapang Putik, San Ildefonso,Bulacan We are born to love, we live to love, and we will die to love still more.

-St. Joseph

26/08/2026

๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ•, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐‡๐ฎ๐ฐ๐ž๐›๐ž๐ฌ ๐ง๐  ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง (๐ˆ๐ˆ)

๐˜—๐˜ข๐˜จ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜š๐˜ต๐˜ข. ๐˜”๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ค๐˜ข, ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜š๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ˆ๐˜จ๐˜ถ๐˜ด๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ

๐Ÿ“– UNANG PAGBASA
1 Corinto 1, 1-9

Ang Salita ng Diyos mula sa simula ng unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mula kay Pablo na tinawag ng Diyos upang maging apostol ni Kristo Hesus, at mula sa ating kapatid na Sostenes โ€“

Sa simbahang nasa Corinto โ€“ sa mga hinirang ng Diyos upang maging kanya sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Kristo Hesus kasama ng mga hinirang sa lahat ng dako, na tumatawag sa pangalan ng Panginoong Hesukristo, ang Panginoon nating lahat:

Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Hesukristo.

Lagi akong nagpapasalamat sa Diyos dahil sa mga pagpapala niya sa inyo sa pamamagitan ni Kristo Hesus. Sapagkat sa inyong pakikipag-isa sa kanya, kayoโ€™y umunlad sa lahat ng paraan, maging sa pananalita at kaalaman. Ang katotohanang ipinangaral namin tungkol kay Kristo ay malinaw na nakikita sa inyo anupat hindi kayo nagkulang sa anumang kaloob na espirituwal, habang hinihintay ninyong mahayag ang ating Panginoong Hesukristo. Kayoโ€™y aalalayan niya hanggang sa wakas upang matagpuan kayong walang kapintasan sa Araw ng ating Panginoong Hesukristo. Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo upang kayoโ€™y makipag-isa sa kanyang Anak na si Hesukristong ating Panginoon.

Ang Salita ng Diyos.

๐Ÿ™ SALMONG TUGUNAN
Salmo 144, 2-3. 4-5. 6-7

Pupurihin ko ang ngalan
ng P**n magpakailanman.

Pupurihin koโ€™t pasasalamatan ang Diyos araw-araw, di ako titigil ng pasasalamat magpakailanman.
Dakila ang P**n, at karapat-dapat na siyaโ€™y purihin; ang kadakilaan niya ay mahirap nating unawain.

Pupurihin ko ang ngalan
ng P**n magpakailanman.

Sa alinmang lahi, ang iyong ginawa ay papupurihan, ihahayag nila ang mga gawa mong makapangyarihan.
Ang karangalan mo at pagkadakilaโ€™y ipamamalita, at isasaysay ko ang mga gawa mo na kahanga-hanga.

Pupurihin ko ang ngalan
ng P**n magpakailanman.

Ang mga gawa mong makapangyarihaโ€™y ipamamalita; sa lahat ng taoโ€™y aking sasabihing ikaw ay dakila.
Ihahayag nila ang lahat ng iyong mga kabutihan, aawitin nila ang kabutihan moโ€™t iyong kabaitan.

Pupurihin ko ang ngalan
ng P**n magpakailanman.

๐Ÿ™ ALELUYA
Mateo 24, 42a. 44

Aleluya! Aleluya!
Lagi tayong magtanod
sapagkat di natin talos
ang pagbabalik ni Hesus.
Aleluya! Aleluya!

๐Ÿ“œ MABUTING BALITA
Mateo 24, 42-51

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, โ€œKaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam kung anong araw paririto ang inyong Panginoon. Tandaan ninyo ito: kung alam lamang ng puno ng sambahayan kung anong oras ng gabi darating ang magnanakaw, siyaโ€™y magbabantay at hindi niya pababayaang pasukin ang kanyang bahay. Kaya maging handa kayong lagi, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na di ninyo inaasahan.

โ€œAng tapat at matalinong alipin ang siyang pinapamahala ng kanyang panginoon sa ibang mga alapin, upang bigyan sila ng kanilang pagkain sa karampatang panahon. Mapalad ang aliping iyon, kapag dinatnan siyang gumagawa ng gayun sa pagbabalik ng kanyang panginoon! Sinasabi ko sa inyo: pamamahalain siya ng kanyang panginoon sa lahat ng kanyang ari-arian. Ngunit kung masama ang aliping iyon, sasabihin niya sa sarili, โ€˜Matatagalan pa bago magbalik ang aking panginoon,โ€™ at sisimulang bugbugin ang kanyang mga kapwa alipin, at makipagkainan at makipag-inuman sa mga lasenggo. Babalik ang panginoon ng aliping iyon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam. Buong higpit na parurusahan siya ng Panginoon, at isasama sa mga mapagpaimbabaw. Dooโ€™y tatangis siya at magngangalit ang kanyang ngipin.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

๐Ÿ™ PAGNINILAY

Sa paglilingkod, what motivates you para kumilos nang tama at tapat? Magkaiba ba ang performance mo kung may nagmamatyag at walang nakatingin? Kung ipinagkatiwala naman sa iyo ang pamamahala, paano ka maglingkod? Namomotivate ka ba sa kung ano ang mapapakinabangan mo, o namamahala ka dahil may malasakit ka para sa sambayanan?

Bukod pa rito, dapat gising, matiyagaโ€ฆ maalaga ang pagiging lingkod. Hindi para sa sarili, kundi para sa karamihan. Sa Senado naging lantad sa mata ng mundo ang mga maling asal ng mga Senador. Nagmamatigas sa baluktot na prinsipyo. Kumakapit sa posisyon dahil sa maitim na motibasyon. Kahit na wala sa lugar, gustong makipagtunggali. Hello. Di ba may consequence ang ganyang manners? Mawawala ang tiwala ng sambayanan, at mawawalan ng pag-asa ang tao sa pamahalaan. Mawawala rin ang tiwala ng mundo. Baka wala na ring mag-invest sa Pilipinas dahil sa kawalan ng integridad. At higit sa lahat, baka magkawatak-watak ang ating bayan.

Sana sa ating simpleng paraan ng paglilingkod, i-double natin ang ating work. Hindi sa kung ano ang masusungkit natin bilang kapalit, kundi gawin natin itong offering. Magsacrifice tayo para sa ikapagbabagong-loob ng mga kapatid natin na mambabatas. Lagi rin nating i-check, tama ba ang aking motibasyon sa paglilingkod?

Mapapatunayan natin na tunay tayong naglilingkod sa paghele ng natutulog na sanggol, sa paghawak sa kamay ng nalulungkot, sa pagdalaw sa maysakit, kung wala tayong hinihintay na kapalit.

-Sr. Gemma dela Cruz, fsp | Daughters of St. Paul
Awit at Papuri Communications
Paulines Multimedia PH

25/08/2026

๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ”, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐Œ๐ข๐ฒ๐ž๐ซ๐ค๐ฎ๐ฅ๐ž๐ฌ ๐ง๐  ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง (๐ˆ๐ˆ)

๐Ÿ“– UNANG PAGBASA
2 Tesalonica 3, 6-10. 16-18

Ang Salita ng Diyos mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Tesalonica

Mga kapatid, iniuutos namin sa inyo sa pangalan ng Panginoong Hesukristo, na layuan ang mga tamad at ayaw mamuhay ayon sa mga tagubilin namin sa inyo. Alam naman ninyo na dapat ninyong tularan ang aming ginawa. Hindi kami nahiyang magtrabaho nang kamiโ€™y nariyan pa. Hindi kami tumanggap ng anumang bagay kaninuman nang hindi namin binabayaran. Nagpagal kami araw-gabi upang hindi maging pasanin ng sinuman sa inyo. Ginawa namin ito hindi dahil sa wala kaming karapatang maghintay ng inyong tulong kundi upang kayoโ€™y bigyan ng halimbawang dapat sundan. Nang kasama pa namin kayo, ito ang tagubiling ibinigay namin sa inyo: โ€œHuwag ninyong pakanin ang sinumang ayaw gumawa.โ€

Ang Panginoon na bukal ng kapayapaan ang siya nawang magkaloob sa inyo ng kapayapaan sa lahat ng pagkakataon. Nawaโ€™y sumainyong lahat ang Panginoon.

Akong si Pablo ang sumulat ng pagbating ito: Binabati ko kayo. Ito ang aking lagda sa lahat ng sulat ko. Ganito ako sumulat.

Nawaโ€™y sumainyong lahat ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo.

Ang Salita ng Diyos.

๐Ÿ™ SALMONG TUGUNAN
Salmo 127, 1-2. 4-5

Mapalad ang sumusunod
na taong may takot sa Dโ€™yos.

Mapalad ang bawat tao na sa Diyos ay may takot, ang maalab na adhikaโ€™y sumunod sa kanyang utos.
Hindi siya magkukulang sa anumang kailangan, ang buhay ay maligayaโ€™t uunlad ang kanyang buhay.

Mapalad ang sumusunod
na taong may takot sa Dโ€™yos.

Ang sinuman kung ang Diyos buong pusong susundin, buhay niya ay uunlad at laging pagpapalain.
Mula sa Sion, pagpapala nawa ng Diyos ay tanggapin, at makita habang buhay, pag-unlad ng Jerusalem.

Mapalad ang sumusunod
na taong may takot sa Dโ€™yos.

๐Ÿ™ ALELUYA
1 Juan 2, 5

Aleluya! Aleluya!
Lubos na magtatamasa
ng pag-ibig ng Dโ€™yos Ama
ang sumunod sa Anak nโ€™ya.
Aleluya! Aleluya!

๐Ÿ“œ MABUTING BALITA
Mateo 23, 27-32

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, โ€œSa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ang katulad ninyoโ€™y mga libingang pinaputi, magaganda sa labas, ngunit sa loob ay puno ng kabulukan at buto ng mga patay. Ganyang-ganyan kayo! Sa paningin ng taoโ€™y mabubuti kayo, ngunit ang totoo, punung-puno kayo ng pagpapaimbabaw at kasamaan.

โ€œSa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ipinagtatayo ninyo ng mga libingan ang mga propeta at ginagayakan ang mga puntod ng mga taong namuhay nang matuwid. At sinasabi ninyo, โ€˜Kung kami sanaโ€™y nabuhay sa kapanahunan ng aming mga ninuno, hindi namin ipapapatay ang mga propeta.โ€™ Sa sinabi ninyong iyan, inaamin ninyong kayoโ€™y mga anak ng mga nagpapatay sa mga propeta! Sige! Tapusin ninyo ang pinasimulan ng inyong mga ninuno!โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

๐Ÿ™ PAGNINILAY

Natutuwa ka bang makipagrelate sa mga taong mapagbalatkayo? Siguradong hindi, ano po? Hindi mo kasi alam kung ano ang nasa likod ng kanilang mga papuri at ngiti. Parang ahas na nagpapalit ng balat at kulay.

Sa ebanghelyong napakinggan natin ngayon pati ang Panginoong Jesus ay galit na galit sa kanila. Samantalang panatag ang ating kalooban kapag bata ang ating kausap. Kasi ang mga bata. they say yes for a yes and no for a no.

Ang taong namumuhay sa katotohanan ay parang malinaw na batis na nagsasalamin ng kalangitan. Maligaya siya at kaayaaya sa mga nakapaligid sa kanya. Ang pagmamahal sa katotohanan ay pagmamahal sa Diyos dahil ang Diyos ay Katotohanang walang hanggan. May mga yumayaman dahil sa pangungurakot at pandaraya.

Pakinggan natin ang sinasabi ng Panginoon: โ€œAng gumagawa ng pandaraya ay hindi mananahan sa aking bahay. Ang nagsasabi ng kasinungalingan ay hindi magtatagal sa harap ko. Ang aking mga mata ay nakatunghay sa mga matapat sa lupa na tumatahan sa piling ko.โ€ (Salmo 100:6-7).

Kaya, sulit ba ang mag-enjoy ng karangyaan sa lupa kung hindi ka makakapasok sa kaharian ng Diyos? Sikapin nating maging totoo sa ating mga pananalita, pakikipag-ugnayan, at trabaho. Alagaan natin ang pusong dalisay.

Panalangin:
Panginoong Jesus, katotohanang walang hanggan, turuan Mo kaming tahakin ang landas ng kalinisang-budhi upang maangkin namin ang buhay na walang hanggan. Amen.

- Sr. Vangie Canag, fsp | Daughters of St. Paul

Awit at Papuri Communications
Paulines Multimedia PH

24/08/2026

๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ“, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐Œ๐š๐ซ๐ญ๐ž๐ฌ ๐ง๐  ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง (๐ˆ๐ˆ)

๐˜—๐˜ข๐˜จ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜š๐˜ข๐˜ฏ ๐˜“๐˜ถ๐˜ช๐˜ด ๐˜๐˜Ÿ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜š๐˜ข๐˜ฏ ๐˜‘๐˜ฐ๐˜ด๐˜ฆ ๐˜ฅ๐˜ฆ ๐˜Š๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜ป, ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช

๐Ÿ“– UNANG PAGBASA
2 Tesalonica 2, 1-3a. 14-17

Ang Salita ng Diyos mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Tesalonica

Tungkol naman sa pagparito ng ating Panginoong Hesukristo at sa pagtitipon niya sa atin, ipinamamanhik namin sa inyo, mga kapatid, na huwag kayong magugulat agad o mababahala sa balitang dumating na ang Araw ng Panginoon. Huwag kayong maniniwala kahit sabihin nilang itoโ€™y hula o pahayag, o kayaโ€™y sulat na galing sa amin o sa anumang paraan, huwag kayong padadaya kaninuman.

Tinawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahayag namin sa inyo upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Hesukristo. Kaya nga, mga kapatid, manatili kayong matatag sa mga katotohanang itinuro namin sa inyo, maging sa salita o sa sulat.

Aliwin nawa kayo ng ating Panginoong Hesukristo at ng ating Diyos at Ama na umibig sa atin at sa kanyang habag ay nagbigay sa atin ng walang pagbabagong lakas ng loob at matibay na pag-asa. Bigyan nawa kayo ng matatag na kalooban upang inyong maipahayag at maisagawa ang lahat ng mabuti.

Ang Salita ng Diyos.

๐Ÿ™ SALMONG TUGUNAN
Salmo 95, 10. 11-12a. 12b-13

Panginooโ€™y paririto
upang hatulan nโ€™ya tayo.

โ€œPanginooโ€™y siyang hari,โ€ sa daigdig ay sabihin, โ€œsanlibutaโ€™y matatag na, kahit ito ay ugain; sa paghatol sa nilikha, lahat ay pantay sa paningin.โ€

Panginooโ€™y paririto
upang hatulan nโ€™ya tayo.

Lupaโ€™t langit ay magsaya, umugong ang kalaliman, lahat kayo na nilikhang nasa tubig ay magdiwang.
Ang bukirin at ang lahat ng naroon ay sumisigaw.

Panginooโ€™y paririto
upang hatulan nโ€™ya tayo.

Pati mga punongkahoy sa galak ay mag-awitan.
Ang P**n ay pupurihin, pagkat siya ay daratal, paririto sa daigdig, upang lahat ay hatulan.
Tapat siya kung humatol at lahat ay pantay-pantay.

Panginooโ€™y paririto
upang hatulan nโ€™ya tayo.

๐Ÿ™ ALELUYA
Hebreo 4, 12

Aleluya! Aleluya!
Buhay ang salita ng Dโ€™yos,
ganap nitong natatalos
tanang ating niloloob.
Aleluya! Aleluya!

๐Ÿ“œ MABUTING BALITA
Mateo 23, 23-26

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, โ€œSa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ibinibigay ninyo ang ikapu ng gulaying walang halaga ngunit kinaliligtaan ninyong isagawa ang lalong mahahalagang aral sa Kautusan: ang katarungan, ang pagkahabag, at ang katapatan. Tamang gawin ninyo ang mga ito, ngunit huwag naman ninyo kaliligtaang gawin ang iba. Mga bulag na taga-akay! Sinasala ninyo ang niknik sa inyong inumin, ngunit nilulunok ninyo ang kamelyo!

โ€œSa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Nililinis ninyo ang labas ng tasa at ng pinggan ngunit ang loob nitoโ€™y puno ng mga nahuthot ninyo dahil sa kasakiman at pagsasamantala. Bulag na Pariseo! Linisin mo muna ang mga nasa loob ng tasa at ng pinggan, at magiging malinis din ang labas nito!โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

๐Ÿ™ PAGNINILAY

Ano ba talaga ang ibig sabihin ng maging banal? Palaging nananalangin? Maraming oras sa simbahan? O baka naman mabait sa kapwa, maraming good deeds?
Ipinapaalala sa atin ni Hesus sa Ebanghelyo ngayon na ang pananampalataya ay hindi para magmukhang banal. Tungkol ito sa pagiging banal sa puso, at sa kilos natin.

Madali lang kasing magmukhang "relihiyoso". Nagsisimba, nagdarasal, sumusunod sa mga patakaran; pero sa loob, taglay pa rin ang pride, walang pasensya, o selfish pa rin tayo minsan. Kagaya ng mga Pariseo, nililinis lang natin ang labas ng baso, pero hindi naman laging malinis ang loob.

โ€ฆ Naalala ko isang beses, nasa LRT ako. Nakita ko ang isang babaeng puno ng tattoo ang katawan. Naisip ko, "bakit kaya hindi niya pinahalagahan ang katawang binigay sa kanya ng Diyos?" Alam ba niyang templo ng Diyos ang katawan natin? Nilikha tayo ng Diyos na unique at maganda, bakit kailangang sirain?

Pero may sorpresa pala ang Diyos. Napansin ko ang kabilang kamay niya: may hawak siyang rosaryo at taimtim siyang nagdarasal.

โ€ฆ Hindi tungkol sa panlabas na anyo ang pananampalataya. Baka ito ang paalala sa atin ngayon: suriin natin ang sarili. Baka gusto ng Diyos na mamuhay tayo nang tapat, hayaan nating awa ang gumabay sa mga desisyon natin, at mabuhay tayo sa katarungan.

Kapag nakasalubong natin ang taong tunay na namumuhay para kay Kristo, nararamdaman natin agad ang kapayapaan at pag-ibig sa kilos nila. Kapag dalisay ang puso ng isang tao, natural lang na lalabas ang pag-ibig ng Diyos, kasi totoo ang pananampalataya niya.
Kapanalig, malinis ba ang labas at loob ng baso mo?

Sr. Imelda Samuing, fsp | Daughters of St. Paul

Awit at Papuri Communications
Paulines Multimedia PH

23/08/2026

๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐‹๐ฎ๐ง๐ž๐ฌ ๐ง๐  ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง

๐˜’๐˜ข๐˜ฑ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜ˆ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ๐˜ญ ๐˜š๐˜ข๐˜ฏ ๐˜‰๐˜ข๐˜ณ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฆ

๐Ÿ“– UNANG PAGBASA
Pahayag 21, 9b-14

Ang Salita ng Diyos mula sa aklat ng Pahayag

Wika ng anghel sa akin, โ€œHalika, at ipakikita ko sa iyo ang Babaing makakaisang-dibdib ng Kordero.โ€ Nilukuban ako ng Espiritu, at inihatid ako ng anghel sa ibabaw ng isang napakataas na bundok. Ipinakita niya sa akin ang Jerusalem, ang Banal ng Lungsod, na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos. Nagliliwanag ito dahil sa kaningningan ng Diyos; kumikislap na gaya ng hiyas na haspeng sinlinaw ng kristal. Ang pader nitoโ€™y makapal at mataas at may labindalawang pinto, bawat isaโ€™y may bantay na anghel. Nakasulat sa mga pinto ang pangalan ng labindalawang lipi ng Israel. Tatlo ang pinto ng bawat panig: tatlo sa silangan, tatlo sa timog, tatlo sa hilaga, at tatlo sa kanluran. Ang pader ng lungsod ay may labindalawang saligang-bato at nakasulat dito ang pangalan ng labindalawang apostol ng Kordero.

Ang Salita ng Diyos.

๐Ÿ™ SALMONG TUGUNAN
Salmo 144, 10-11. 12-13ab. 17-18

Talastas ng mga tao
dakilang paghahari mo.

Magpupuring lahat sa iyo, O Panginoon, ang iyong nilalang; lahat mong nilikha ay pupurihin kaโ€™t pasasalamatan.
Babanggitin nilang tunay na dakila ang โ€˜yong kaharian, at ibababalitang tunay kang dakilaโ€™t makapangyarihan.

Talastas ng mga tao
dakilang paghahari mo.

Dakila mong gawaโ€™y upang matalastas ng lahat ng tao, mababatid nila ang kadikalaan ng paghahari mo.
Ang paghahari moโ€™y sadyang walang hanggan, hindi magbabago.

Talastas ng mga tao
dakilang paghahari mo.

Matuwid ang Diyos sa lahat ng bagay niyang ginagawa; kahit anong gawin ay kalakip doon ang habag at awa.
Siyaโ€™y nakikinig at handang tumulong sa lahat ng tao sa sinumang taong pagtawag sa kanyaโ€™y tapat at totoo.

Talastas ng mga tao
dakilang paghahari mo.

๐Ÿ™ ALELUYA
Juan 1, 49b

Aleluya! Aleluya!
G**o, Anak na Butihin
ng Diyos Amang masintahin,
ikaโ€™y hari ng Israel.
Aleluya! Aleluya!

๐Ÿ“œ MABUTING BALITA
Juan 1, 45-51

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, hinanap ni Felipe si Natanael, at sinabi rito, โ€œNatagpuan namin si Hesus na taga-Nazaret, ang anak ni Jose. Siya ang tinutukoy ni Moises sa kanyang sinulat sa Kautusan, at gayun din ng mga propeta.โ€ โ€œMay magmumula bang mabuti sa Nazaret?โ€ Tanong ni Natanael. Sumagot si Felipe, โ€œHalikaโ€™t tingnan mo.โ€

Nang malapit na si Natanael ay sinabi ni Hesus, โ€œMasdan ninyo ang isang tunay na Israelita; siyaโ€™y hindi magdaraya!โ€ Tinanong siya ni Natanael, โ€œPaano ninyo ako nakilala?โ€ Sumagot si Hesus, โ€œBago ka pa tawagin ni Felipe, nakita na kita nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos.โ€ โ€œRabi, kayo po ang Anak ng Diyos! Kayo ang Hari ng Israel!โ€ wika ni Natanael. Sinabi ni Hesus, โ€œnanampalataya ka ba dahil sa sinabi ko sa iyong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos? Makakikita ka ng mga bagay na higit kaysa rito!โ€ At sinabi niya sa lahat, โ€œTandaan ninyo: makikita ninyong bukas ang langit, at ang mga anghel ng Diyos ay manhik-manaog sa kinaroroonan ng Anak ng Tao!โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

๐Ÿ™ PAGNINILAY

Nagtanong si Natanael, na kilala ring Bartolome: "May mabuti bang maaaring magmula sa Nazaret?" Nag-alinlangan siya. Hindi siya agad naniwala. Pero sa halip na makipagtalo, inanyayahan siya ni Felipe: "Halika't tingnan mo."
Napakaganda ng aral na ito. Hindi nagsisimula sa katiyakan ang pananampalataya. Madalas, nagsisimula ito sa pagiging bukas na lumapit kay Jesus. Hindi sinabi ni Felipe: "Maniwala ka agad." Ang sabi niya: "Halika." Hindi nakukuha sa pakikipagtalo kundi sa personal na karanasan ang tunay na pagkilala kay Kristo. Paglapit ni Natanael, nagulat siya sa sinabi ni Jesus: "Nakita na kita." Bago pa man makilala ni Natanael si Jesus, kilala na pala siya ni Jesus.

Ganito rin tayo. Minsan iniisip nating walang nakakaunawa sa ating pinagdaraanan. May mga lihim tayong pagluha, mga takot na hindi masabi, at mga panalanging tayo lang ang nakakaalam. Ngunit bago pa natin hanapin ang Diyos, kilala na Niya tayo. Nakikita Niya ang ating puso, ang ating mga sugat, at ang ating mga pangarap.
Sa Kapistahan ni San Bartolome, tinatawag tayong maging tapat tulad niya. Sinabi ni Jesus na "walang anumang pagkukunwari" si Bartolome. Sa mundong puno ng pagpapanggap at pagbuo ng magandang image, hinahanap ng Diyos ang mga pusong totoo. Hindi perpekto, ngunit tapat.

At tulad ni San Bartolome, inaanyayahang tayong bigkasin rin natin: "Kayo nga po ang Anak ng Diyos." Hindi lamang sa salita kundi sa paraan ng ating pamumuhay. Mga kapanalig, tanggapin natin ang paanyaya ni Felipe: "Halika't tingnan mo."
Lumapit ka kay Kristo araw-araw. Sapagkat kapag tunay mo Siyang nakilala, matutuklasan mong mas matagal ka na pala Niyang minahal, bago ka nagsimulang magmahal sa Kanya.

Sr. Deedee Alarcon, fsp | Daughters of St. Paul
Awit at Papuri Communications
Paulines Multimedia PH

๐€๐†๐Ž๐’๐“๐Ž 22 | Banal na Misa para sa Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon, sa Pangunguna ni Rev. Fr. Jose Jay Santos
23/08/2026

๐€๐†๐Ž๐’๐“๐Ž 22 | Banal na Misa para sa Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon, sa Pangunguna ni Rev. Fr. Jose Jay Santos

๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ‘, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง (๐€)๐Ÿ“– UNANG PAGBASAIsaias 22, 19-23Ang Salita ng Diyos mula sa akla...
21/08/2026

๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ‘, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง (๐€)

๐Ÿ“– UNANG PAGBASA
Isaias 22, 19-23

Ang Salita ng Diyos mula sa aklat ni propeta Isaias

Sinabi ng Panginoon kay Sabnang katiwala sa palasyo:
โ€œAalisin kita sa iyong katungkulan, at palalayasin sa iyong kinalalagyan. Tatawagin ko sa araw na iyon ang aking lingkod,
si Eliaquim na anak ni Helcias. Siya ang pagsusuutin ko ng iyong buong kasuotan, ibibigay ko sa kanya ang iyong kapangyarihan, siya ang magiging pinakaama ng Jerusalem at ng Juda. Ibibigay ko sa kanya ang susi ng bahay ni David; ang kanyang buksaโ€™y walang makapagsasara at walang makapagbubukas ng ipininid niya. Itatayo ko siyang parang haligi ng tolda itatayo ko nang matibay sa isang matatag na lugar at siyaโ€™y magiging marangal na luklukan para sa sambahayan ng kanyang ama.โ€

Ang Salita ng Diyos.

๐Ÿ™ SALMONG TUGUNAN
Salmo 137, 1-2a. 2bk-3. 6 at 8bk

Pag-ibig moโ€™y di kukupas,
gawain moโ€™y magaganap.

Ako, P**n, buong pusong aawit ng pasalamat, sa harap ng mga anghel, pupurihin kitang ganap.
Sa harap ng iyong templo ay yuyuko at gagalang, pupurihin kita roon, pupurihin ang โ€˜yong ngalan.

Pag-ibig moโ€™y di kukupas,
gawain moโ€™y magaganap.

Dahilan sa pag-ibig mo at sa iyong katapatan, ikaโ€™y tunay na dakila, pati iyong kautusan.
Noong ako ay tumawag, tinanggap ko ang tugon mo, sa lakas mong itinulong ay lumakas agad ako.

Pag-ibig moโ€™y di kukupas,
gawain moโ€™y magaganap.

Dakila man ang P**ng Dโ€™yos, mahal din niya ang mahirap kumubli maโ€™y kita niya yaong hambog at pasikat.
Ang dahilan nito, P**n, pag-ibig moโ€™y di kukupas.
at ang mga sinimulang gawain moโ€™y magaganap.

Pag-ibig moโ€™y di kukupas,
gawain moโ€™y magaganap.

๐Ÿ“– IKALAWANG PAGBASA
Roma 11, 33-36

Ang Salita ng Diyos mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Napakasagana ng kayamanan ng Diyos! Di matarok ang kayamanan, karunungan at kaalaman ng Diyos! Hindi malirip ang kanyang mga panukala at pamamaraan! Gaya ng nasusulat:

โ€œSapagkat sino ang nakaalam sa pag-iisip ng Panginoon, O sino ang nakapagkaloob ng anuman sa Diyos para siya namaโ€™y gantimpalaan?โ€

Sapagkat mula sa kanya at sa pamamagitan niya at sa kanya ang lahat ng bagay. Sa kanya ang karangalan magpakailanman! Amen.

Ang Salita ng Diyos.

๐Ÿ™ ALELUYA
Mateo 16, 18

Aleluya! Aleluya!
Ikaw, Pedro, ang saligan
ng aking simbahang banal
na daig ang kamatayan.
Aleluya! Aleluya!

๐Ÿ“œ MABUTING BALITA
Mateo 16, 13-20

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, dumating si Hesus sa lupain ng Cesarea ng Filipos. Tinanong niya ang kanyang mga alagad, โ€œSino raw ang Anak ng Tao, ayon sa mga tao?โ€ At sumagot sila, โ€œAng sabi po ng ilan ay si Juan Bautista kayo. Sabi naman ng iba, si Elias kayo. At may nagsasabi pang si Jeremias kayo o isa sa mga propeta.โ€ โ€œKayo naman, ano ang sabi ninyo? Sino ako?โ€ tanong niya sa kanila. Sumagot si Simon Pedro, โ€œKayo po ang Kristo, ang Anak ng Diyos na buhay.โ€ Sinabi sa kanya ni Hesus, โ€œMapalad ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang katotohanang itoโ€™y hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng aking Amang nasa langit. At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking simbahan, at hindi makapananaig sa kanya kahit ang kapangyarihan ng kamatayan. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot sa langit.โ€ At mahigpit niyang tinagubilinan ang kanyang mga alagad na huwag sabihin kaninuman na siya ang Kristo.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

๐Ÿ™ PAGNINILAY

Ang mga pagbasa sa Linggong ito ay may temang naka-sentro sa pagiging โ€œGood Stewardshipโ€ na ang lahat ang ay pag-aari ng Panginoong Diyos at tayo ay mga hamak na katiwala lamang. Katulad ng sinabi ni Job ng mamatay ang kanyang mga anak at mawala ang kanyang mga kayamanan na siya ay nagpuri at nagpasalamat sa Panginoon sa lahat ng mga pinahiram Niyang ipinagkatiwala kay Job.
Ang Panginoon ang nagbibigay, at Siya rin ang kukuha. Purihin natin ang Panginoon (Job 1:21) Mararamdaman sa mga pagbasa ang kapangyarihan ng Diyos na may lalang at may-ari ng lahat lahat na nasa ibabaw, ilalim at nasa himpapawid ng mundo. Kung Siya ang nagbigay Siya din ang may kapangyarihan na bumawi nito.

Sa unang pagbasa sa aklat ni propeta Isaias napakinggan natin na aalisin ng Panginoong si Sabna ang katiwala ng palasyo ng hari ng Israel noon na si haring Ezequias. Bilang kaparusahan hindi lang siya aalisin kundi babawiin at huhubarin sa kanya ang lahat na kaakibat ng kanyang posisyon bilang katiwala ng palasyo. Ito ay dahil sa kanyang pagmamalabis sa kapangyarihang ibinigay sa kanya na daig pa niya mismo ang hari kung umasta, kumbaga may power abuse siyang pinaiiral sa pamumunong ipinagkatiwala sa kanya. Ang aral, wala dapat ipagmayabang o ipagmalaki sa dahilan na isang pitik o kisapmata lang ay pwedenh bawiin ng Diyos ang kung mayroon na ipinahiram lamang sa atin. Sa madaling salita, huwag magmayabang at magmalaki sa halip habang itinataas ka ng Diyos ay lalo kang magpakababa.

Sa ikalawang pagbasa ang pinaka-sentro na sinabi ni San Pablo sa mga taga-Roma ay ganun din na ang Panginoong Diyos ang Makapangyarihang babawi ng lahat ng mga biyayang kaloob Niya. โ€œSapagkat mula sa Kanya at sa pamamagitan Niya at sa Kanya ang lahat ng bagayโ€(Roma 11:36). Katulad ng tinuran ni Job, ang winika ni Apostol San Pablo ay isang paalala sa ating lahat na ang Diyos ay ang may-ari ng ating mga nakikita sa mundo kaya lagi natin Siya papurihan at pasalamatan sa lahat ng mga ito. Kasama ng paalalang ito tayo ay mga katiwala lamang ng kung anong mayroon tayo sa buhay na ito.

Kaya huwag sayangin ang pagkakataon na tayo ay pinagkatiwalaan ng mga biyayang kaloob Niya sa atin. Kung isa kang namumuno gawin ang pamumuno na may prinsipyong maka-Diyos. Kung Ikaw ay pinagkatiwalaan ng yaman maging pilantropo ka bilang pagbabalik loob, kung Ikaw ay pinagkatiwalaan maglingkod, gawin ang paglilingkod na naka-sentro sa Diyos at maging epitomeโ€™ ng Kristiyanisnong paglilingkod. O kahit sa isang maliit na bagay na ipinagkatiwala sa atin ay gamitin ito ng naayon sa panukala ng Diyos, sabi nga ni St. Mother Theresa of Calcutta โ€œThereโ€™s no little thing done with great loveโ€.

Sa Mabuting Balita, sa kabila ng tatlong ulit na pagkakanulo at sa pagiging agresibo ni Apostol San Pedro, ipinakita din naman nya na Siya ay ang pinaka-masugid na alagad, at kinilala niya si Hesus bilang Anak ng Diyos. Ipinagkatiwala sa kanya ang susi ng kaharian ng langit. Ito ay patunay ng kapangyarihang ibinigay ng Diyos kay Apostol San Pedro bilang unang Santo Papa ang Simbahang Katoliko na si Hesus mismo ang nagtatag at ang mga sumunod pang humalili sa kanya bilang kinatawan o bikaryo sa mundong ito. Ipagpapatuloy ng Simbahan sa pangunguna ng Bikaryo ni Kristo Hesus na walang iba kundi ang Santo Papa ang Kaniyang pagmimisyon na ipalaganap sa mukha ng mundo ang Mabuting Balita ng kaligtasan.

Dapat maunawaan natin kung bakit tayo din ay binigyan ng pagkakataon na maging mabuting katiwala ng mga kaloob na biyaya ng Diyos. Sa Salmong tungunan ay ipinaliwanag ito kung bakit ginawa ang pasiya na iyo ng Diyos na Ang sabi, โ€œPagibig Mo'y di kukupas, gawain Moโ€™y magaganapโ€(Salmo 137-8bk). Dahil sa pag-ibig ng Diyos, niloob Niyang bigyan ng pagkakataon ang bawat isa sa atin na maging katiwala sa mga biyayang kaloob sa atin. Idalangin nating nawaโ€™y gamitin natin ang biyayang ito sa lahat ng mabuti sa ating kapwa bilang kabahagi ng Simbahang itinayo ng Panginoong Hesukristo. Amen.

Mel Mendoza
Awit at Papuri Communications

21/08/2026

๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐’๐š๐›๐š๐๐จ ๐ง๐  ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐ŸŽ ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง (๐ˆ๐ˆ)

๐˜—๐˜ข๐˜จ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜—๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข-๐˜ณ๐˜ฆ๐˜บ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜”๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜‰๐˜ช๐˜ณ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜”๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ข

๐Ÿ“– UNANG PAGBASA
Ezekiel 43, 1-7a

Ang Salita ng Diyos mula sa aklat ni propeta Ezekiel

Dinala ako ng lalaki sa tarangkahan sa gawing silangan. Doon, nakita kong dumarating mula sa silangan ang kaningningan ng Diyos ng Israel, parang ugong ng malaking baha. Nagliwanag ang lupa dahil sa kaningningang yaon. Ang pangitaing ito ay tulad ng nakita ko nang wasakin ang Jerusalem. Tulad din ito noong nakita ko sa Ilog Kebar. Akoโ€™y sumubsob sa lupa. Ang nakasisilaw na liwanag ay nagdaan sa pintuan sa silangan at pumasok sa templo. Itinayo ako ng Espiritu at ipinasok sa patyo sa loob. Nakita kong ang buong temploโ€™y punung-puno ng kaningningan ng Panginoon.

Magkatabi kaming nakatayo noong lalaki. Maya-maya, may narinig akong nagsasalita sa akin mula sa templo. Ang sabi, โ€œTao, ito ang aking trono, at ito ang tuntungan ng aking mga paa. Ito ang magiging tahanan ko sa aking paninirahan sa gitna ng Israel.โ€

Ang Salita ng Diyos.

๐Ÿ™ SALMONG TUGUNAN
Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14

Sa atiโ€™y mananatili
paglingap ng P**n lagi.

Aking naririnig magmula sa P**n ang sinasalita; sinasabi niyang ang mga lingkod nโ€™yaโ€™y magiging payapa, kung mangagsisisi at di na babalik sa gawang masama.
Ang nagpaparangal sa pangalan niyaโ€™y kanyang ililigtas, sa ating lupain ay mananatili ang kanyang paglingap.

Sa atiโ€™y mananatili
paglingap ng P**n lagi.

Ang pagtatapatan at pag-iibigaโ€™y magdadaup-palad, ang kapayapaan at ang katwiraโ€™y magsasamang ganap.
Sa balat ng lupaโ€™y pawang maghahari yaong pagtatapat, at ang katarungan namaโ€™y maghahari mula sa itaas.

Sa atiโ€™y mananatili
paglingap ng P**n lagi.

Gagawing maunlad ng Panginoong Diyos itong ating buhay, ang mga halaman sa ating lupaiโ€™y bubungang mainam; sa harapan niya yaong maghahariโ€™y pawang katarungan, magiging payapaโ€™t susunod ang madla sa kanyang daan.

Sa atiโ€™y mananatili
paglingap ng P**n lagi.

๐Ÿ™ ALELUYA
Mateo 23, 9b. 10b

Aleluya! Aleluya!
Tayoโ€™y may iisang Ama,
at g**o natiโ€™y iisa:
Si Kristo na Anak niya.
Aleluya! Aleluya!

๐Ÿ“œ MABUTING BALITA
Mateo 23, 1-12

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao at sa kanyang mga alagad, โ€œAng mga eskriba at ang mga Pariseo ang kinikilalang tagapagpaliwanag ng Kautusan ni Moises. Kayaโ€™t gawin ninyo ang itinuturo nila at sundin ang kanilang iniuutos. Ngunit huwag ninyong tularan ang kanilang gawa, sapagkat hindi nila isinasagawa ang kanilang ipinangangaral. Nagbibigkis sila ng mabibigat na dalahin at ipinapasan sa mga tao; ngunit ni daliri ay ayaw nilang igalaw upang tumulong sa pagdadala ng mga iyon. Pawang pakitang-tao ang kanilang mga gawa. Nilalaparan nila ang kanilang mga pilakterya at hinahabaan ang palawit sa laylayan ng kanilang mga damit. Ang ibig nilaโ€™y ang mga upuang pandangal sa mga piging at ang mga tanging luklukan sa mga sinagoga. Ang ibig nilaโ€™y pagpugayan sila sa mga liwasang-bayan, at tawaging g**o. Ngunit kayo โ€” huwag kayong patawag na g**o, sapagkat iisa ang inyong G**o, at kayong lahat ay magkakapatid. At huwag ninyo tawaging ama ang sinumang tao sa lupa, sapagkat iisa ang inyong Ama, ang Amang nasa langit. Huwag kayong patawag na tagapagturo, sapagkat iisa ang inyong Tagapagturo, ang Mesias. Ang pinakadakila sa inyo ay dapat maging lingkod ninyo. Ang nagpakakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

๐Ÿ™ PAGNINILAY

Kung isa kang g**o at sinabihan ng inyong principal ang mga mag-aaral ng ganito: โ€œSundin at gawin ninyo ang lahat ng sinasabi niya; ngunit huwag ninyong tularan ang kanyang mga gawa,โ€ ano ang mararamdaman mo? Matutuwa ka ba o maiinsulto? Maaaring ganyan din ang naramdaman ng mga Pariseo at tagapagturo ng batas sa pananalitang ito ni Jesus. Masakit. Nakakainsulto. Nakakagalit. Bakit? Kasi may talim ang Salita ng Diyos. Tumatagos sa puso ng tinatamaan. Hindi ito nagpapatahimik at nagpapatulog. Ang mga salitang ito ni Jesus ay hindi lamang hamon sa mga g**o at magulang. Hamon ito para sa ating lahat na isabuhay ang mga sinasabi natin. Ang kabutihang asal ay hindi lamang itinuturo sa pamamagitan ng mga salita. Mas madaling matutunan ito kung nakikita sa gawa. Bago tayo mag-demand ng katapatan sa iba, sikapin muna nating maging tapat at totoo.

Ginugunita rin natin ngayon ang Pagka-Reyna ng Mahal na Birheng Maria. Siya ay Reyna dahil anak niya si Kristong Hari. At tiyak kong una niyang isinabuhay ang anumang itinuro niya sa kanyang Anak. Sabi nga, nakikilala ang puno sa bunga nito. Ang katapatan ni Jesus sa kanyang misyon, kahit na ang buhay niya ang naging kapalit nito, ay nagpapakita kung paano siya pinalaki at tinuruan ng kanyang ina.

Sr. Lou Ranara, fsp | Daughters of St. Paul

Awit at Papuri Communications
Paulines Multimedia PH

Address

Sapang Putik, San Ildefonso
Bulacan
3010

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St. Joseph Chapel -Sapang Putik, San Ildefonso,Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share