25/07/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐
Mahal na Patron naming Santiago Apostol, mula sa pagiging mangingisda tinawag ka ng Panginoon upang mamalakaya ng sangkatauhan na bubuo ng Kristyanong Sambayanan. Tulungan Mo kami na madinig ang tawag ni Kristo sa aming buhay. Naging saksi ka sa mga mahahalagang pangyayari sa buhay ni Hesus, makita nawa namin sa aming paligid ang masaganang pagpapala ng Panginoon. Sa Iyong buhay, tinanggap Mo Ang kalis ng paghihirap, tulungan Mo kami na maging matatag sa gitna ng mga pagsubok at hamon ng buhay. Tulungan Mo kami sa aming mga pangangailangan
(Banggitin ang sariling kahilingan)
Pagalingin Mo ang aming karamdaman, patatagin Mo kami sa gitna ng aming kahinaan. Dinala mo ang Mabuting Balita sa ibang bayan, makatulong nawa kami sa pagpapalaganap ng Simbahan. Sa aming paglalakbay, Ikaw nawa ay aming maging gabay upang ang lahat ng tukso at kapahamakan na dulot ng kasalanan ay aming mapagtagumpayan, nang sa gayon kami ay makarating sa makalangit na tahanan. Makasunod nawa kami kay Kristo, tulad ng pagsunod Mo ng buong katapatan hanggang sa huling sandali ng aming buhay.
Amen
Apostol Santiago el Mayor, Ipanalangin mo kami!