L.I.G.H.T Sunday School (Learning In God's House Together)

L.I.G.H.T Sunday School (Learning In God's House Together) Near Assumpta Academy :)
Senora Dela Asuncion Parish Church :) Learning In God's House Together

Induction 😊
03/07/2016

Induction 😊

Hunyo 24  Kapistahan ni San Juan Bautista   San Juan Bautista, Ipanalangin Mo Kami       Patron ng SPPC at Brgy. Balubad...
24/06/2016

Hunyo 24 Kapistahan ni San Juan Bautista San Juan Bautista, Ipanalangin Mo Kami Patron ng SPPC at Brgy. Balubad Bulakan, Bulacan

30/12/2015

Sunday schoolers

20/12/2015
Simbang Gabi 3
17/12/2015

Simbang Gabi 3

"Unawain ang Pagbabagong Hangad"

Sa darating na kapaskuhan isang magandang regalo natin sa ating sarili ay ang magbago. Unti-unti nating baguhin ang ating sarili bilang isang matuwid gaya ni Jose na tinanggap ang malaking pagbabago na mangyayari sa kanyang buhay. Tunay na mahirap magbago ngunit kapag unti-unti, at sinabayan natin ng panalangin, ang dating maling gawi ay atin nang maitatama at maisasabuhay. Ang pagbabago ay panghabangbuhay. Hindi sa isang iglap mangyayari ang ninanais mong pagbabago. Isa itong proseso. Kaya ano pa ang hinihintay mo, halina at sama-sama tayong magbago upang maunawan nating ang tunay na kahulugan ng Pasko at tayo'y maging tunay na karapatdapat makinabang sa mga biyaya ng ating Panginoon.


Simbang Gabi 2: Tuparin ang Pangako ng Kaligtasan.
17/12/2015

Simbang Gabi 2: Tuparin ang Pangako ng Kaligtasan.

"Tuparin ang Pangako ng Kaligtasan"

Ang kaligtasan ay kabutihan. Sa pagtupad ng ating Panginoon sa kanyang pagliligtas sa atin, ay tungkulin din nating tuparin ang pangako ng kaligtasan. Pangako na ating binitawan ng tayo ay maging kasapi ng lipi ng ating Diyos. Tayong lahat ay nagmula sa iba't ibang bansa, lugar o parte ng daigdig ngunit iisang lahi, iisang kulay lang ng dugo ang dumadaloy sa atin. Kaya tayong lahat ay dapat mag-akayan tungo sa pangakong kaligtasan. Maging mabuting halimbawa sa ating mga kapatid. Magbahagi ng kabutihan sa bawat isa. Magmahalan gaya ng pagmamahal ng ating Panginoon. Tayo ay isang pamilya, iisa ang ating Ama. Isang pamilya na pinagbuklod ng dakilang pag-ibig at paniniwala. Pamilyang taglay ang kaligtasan bunga ng kabutihan ng mapagmahal na Ama.


Simbang Gabi 1: Itaguyod ang Kabanalan
17/12/2015

Simbang Gabi 1: Itaguyod ang Kabanalan

"Itaguyod ang Kabanalan"

Ang kabanalan ay pagmamahalan. Tayong lahat ay hinahamon na magbahagi ng pag-ibig hindi lang sa panahon ng kapaskuhan kundi sa buo nating buhay. Ang kabanalan ay ang pagsunod sa nais ng Ama. Pagsunod na may pagmamahal, na may pag-ibig na taglay. Lahat tayo marunong magmahal, ngunit pili lang ang kayang magmahal. Kaya sana sa pagsisimula ng simbang gabi puspusin natin ang bawat araw na lilipas ng puno ng pagmamahalan, puno ng kabanalan upang maging karapatdapat ang ating mga puso na maging sabsaban na pagsisilangan ng ating dakilang tagapagligtas, si Hesus.


Sabi na nga ba :) Sisikat uli ang araw. Si Lord pa ba? Mahal kaya Nya tayo. Thanks God. :*
17/12/2015

Sabi na nga ba :) Sisikat uli ang araw. Si Lord pa ba? Mahal kaya Nya tayo. Thanks God. :*

Magandang Gabi :)
Gaano man kadilim ang gabi kapag nanalig ka sa Panginoon, makikita mo ang liwanag na iyong inaasam . . .

Greatest love of all :') ©
11/12/2015

Greatest love of all :')

©

Goodmorning :)©
11/12/2015

Goodmorning :)

©

pistang bayan 2015
01/08/2015

pistang bayan 2015

Pistang Bayan 2015
01/08/2015

Pistang Bayan 2015

Address

Nuestra Señora De La Asunción Parish Church Bulakan
Bulacan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when L.I.G.H.T Sunday School (Learning In God's House Together) posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share