26/02/2023
SANDIGAN OBITUARIO
Sa diwa ng pag-asa sa muling pagkabuhay ni Kristo, ipinababatid ang pagpanaw ni Rdo. Msgr. Vicente Amado B. Manlapig ngayong hapon, ika-26 ng Pebrero 2023.
Narito po ang nakatakdang gawain ukol sa burol at sa paglilibing:
Ang kanyang mga labi ay ilalagak sa Parokya ng Inmaculada Concepcion Katedral at Basilica Minor, Malolos, Bulacan mula Pebrero 27, 2023 (6:00 N.U.) hanggang Marso 02, 2023
Ang Misa ng Paglilibing ay gaganapin sa Marso 02, 2023 sa ganap na ika-10:00 ng umaga sa Katedral ng Malolos.
Siya ay ililibing sa Libingang Bantayog, Pambansang Dambana at Parokya ni Santa Ana, Hagonoy, Bulacan.
Kapayapaan kailanman ay igawad ng Maykapal sa yumao naming mahal na si Msgr. Teng.
Siya nawa ay silayan ng ilaw na walang hanggan.