16/08/2026
Makaraan ang 7 araw ng ating Pansamantalang Panunuluyan sa ating designated Evacuation Center-kaninang 12:00noon ay atin na itong sinara.
Sa ngalan po ng Sangguniang Barangay ng Taliptip sa Pangunguna ni PB Pholly M. Ramos at BDRRMC Chairman Andrew Ramos lubos po kaming nagpapasalamat sa DepEd Bulakan sa pamamagitan ni Sir Joey Javier at lahat ng G**o ng TES sa kanilang malawak na pangunawa at pagmamahal sa ating mga kabarangay. sa ating Working Mayor Vergel C. Meneses at Kons. Roni Meneses na hindi pinabayaan ang ating mga Evacuees at mga kabarangay, sa ating ABC Kap. Mario Bernardino sa walang sawang pagtulong at pakikinig, sa ating MSWDO Mam Marivic Morelos at MDRRMO Mam Puso Mariano sa palagiang pagyakap sa amin ng mahigpit.
at Special na Pasasalamat sa ating mga Brgy. VOLUNTEER sa kanilang paglilingkod ng higit pa sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin. hindi matatawaran ang inyong paglilingkod sa ating mga kabarangay sa oras ng kalamidad. at pang huli sa Lahat ng nagbahagi ng kanilang oras at tulong (mga nagpakain) para sa ating mga evacuees.