Itinatag noong taong 1915 sa sabana ng Taliptip at Bambang (Sa kasalukuyan ay Barangay Perez). Bago pa man maitayo ang bisita ng sabana ay nagdiriwang na ito ng pista sapamamagitan ng paghiram ng imahen sa bisita ng Sto. Nagkaroon sila ng paghahangad na magkaroon ng sariling patron na ipagpipista, kung kaya't nagtungo ang mga taga nayon sa Parokya ng Santa Maria Asumpta upang humiling ng patron, s
a kasamaang palad ay hindi sila pinayagan na magkaroon ng ibang patron ngunit mayroong isang Imahen ng birhen sa sakristiya ng simbahan, ito na lamang ang ibinigay ng kasalukuyang Kura Paroko noon at hiningan na lamang sila ng abuloy na nagkakahalaga ng dalawamput limang piso (25php). Dito na nagsimula ang ibat ibang pagtugon sa mga panalangin at mga himala na naganap sa bisitang ito. Ayon sa kwento ng mga matatanda, noong ginagawa ang bisita ay mayroong isang magandang babae ang naglalakad sa kalye, kumakatok at humihingi ng tulong pampagawa na kanyang bahay. Kapag nagtanong ang kanya daw na mga nalapitan ay sinasabi ng magandang babae ang eksatong lugar kung saan nakatayo ang nasabing bisita. Dumating ang Ikalawang digmaang pandaigdig, ang sabana ay nasakop ng mga hukbong hapon. Ang mga taga-nayon ay tumakbo sa bisita upang hingin ang tulong ng Panginoong Diyos na sila ay iligtas. Dahil sa takot inilagay nila ang imahen ng birhen sa gitna ng bisita at sila ay lumugar sa likuran ng imahen. ayon sa kwento ng mga nakasaksi, pinagbabaril sila ng mga hapones ngunit walang ni isang namatay o tinamaan. dahil dito, sinubukan ng mga hapon na sirain ang imahen ngunit hindi ito nangyari dahil napakiusapan ng isang taga nayon ang nasabing sundalo. Inilikas nila ang imahen patungo sa bisita ng San Isidro, Sitio Capol, Taliptip upang mapangalagaan doon. Ibinalik lamang ang imahen sa nayon nang matapos ang digmaan. Taong 1960's sinasabing nagpakita ang nasabing imahen sa bahay ni G. Abner Villanueva at nagpakilala bilang STA. LUCIA na kanyang kapistahan ay tuwing ika13 ng Disyembre. Dahil sa pagpapakitang ito ipinagawa ni G. Villanueva ang Altar na arko ng bisita. Taong 1960's din ay may isang babae ang nakapanaginip sa imahen at nagpakilala bilang STA LUCIA, sinabi rin niya na ang kanyang kapistahan ay ipagdiwang tuwing ika- 13 ng Disyembre at ang kanyang kanang kamay lagyan ng mata. Dito na nagsimulang tawagin ang imahen na dating tawag ay Mahal na Birhen at naging Sta. Maraming mga himala pa ang nangyari sa pamamagitan ng pananalangin sa kanya. Mayroong isang bulag na lalaki ang nagnobena sa kanya, siyam na araw siyang nagdarasal sa harap ng imahen. ayon sa mga nakasaksi sa ika siyam na araw ng kanyang pagdarasal di umano ay nagbalik ang paningin ng nasabing lalaki. Taong 1980's may isang lalaking protestante na taga-Brgy Perez ang nag-barko sa ibayong dagat, ayon sa kanya, noong sya ay nasa barko ay napanaginipan niya ang nasabing santa. dahil dito, pinagpagawaan niya ng bagong buhok ang imahen na gawa sa buhok ng tao. Taong 2000, muling gumawa ng milagro ang nasabing imahen, may isang taga-Valenzuela ang nakapanaginip sa kanya, siya ay nagpakilalang Sta. Napuntahan nang nasabing lalaki ang maraming simbahan na namimintuho kay Sta. Lucia ngunit hindi iyon ang kanyang napanaginipan. Minsan isang araw ay may nakilala siya na taga-Brgy Perez na kwento nitong lalaki na siya nakapanaginip ng imahen na pangalan ay Sta. Agad-agad na sinabi ng taong ito na ang patron sa amin ay si Sta. Lucia, pag may oras ka, sasamahan kita at gayon nga ang nangyari. Pagdating sa bisita ay laking gulat ng lahat na ito yung imahen na nagpakita sa kanyang panaginip, iyong iyon. bilang pasasalamat ay naghandog siya ng Imahen ng Mahal na Poong Nazareno na hanggang sa kasalukuyan ay ginagamit ng bisita. Hanggang sa kasalukuyan ay maraming mag-asawa na di magkaanak ang nagnobena sa kanya at nabiyayaan ng Anak. Maraming mga propesyunal ang humingi ng tulong sa kanya at sila ay nakapasa sa minimithing lisensya. Maraming mga panalangin at kagalingan ang gumaling at natupad. Tara na, hingin natin ang tulong ng mapaghimalang santang si Sta.