Ang Uhay - Parokya ng San Isidro Labrador, Bambang

Ang Uhay - Parokya ng San Isidro Labrador, Bambang Ang Official page ng Parokya ng San Isidro Labrador - Bambang, Bulakan, Bulacan na nasa ilalim ng Diyosesis ng Malolos Si Rdo. P. Bautista. Rdo. Enrico C.

Ang Parokya ng San Isidro Labrador ay masasabing itinatag para sa mga magsasaka at mangingisda. Ito ay sa kadahilang noong itinatag ang parokya, ang dalawang industriyang ito ang pangunahing kabuhayan ng karamihan sa mga naninirahan sa bahaging ito ng lalawigan ng Bulacan. Ang parokya ay dating visita na nakapailalim sa Parokya ng Nuestra Seรฑora de la Asunciรณn na nasa kabayanan ng Bulakan, Bulacan

na ngayon ay isa ng Pandiyosesis na Dambana (Diocesan Shrine). Naging ganap na parokya ang dating visita simula noong dekada sisenta (1960s) nang magpetisyon ang mga mamamayan ng Bambang sa pangunguna nina Hermana Lucilla Carreon, Hermana Raymunda Burgos, at Amanda Burgos, na magkaroon ng bagong parokya na sasaklaw sa mga barrio na nasa katimugang bahagi ng Bulakan, Bulacan. Pormal na tinupad ang kanilang petisyon ng Diyosesis ng Malolos noong ika-7 ng Pebrero, 1963. Ang seremonyas ng pagiging isang ganap na parokya ay naganap sa Purok 1 (Uno) sa lugar na kinatatayuan ngayon ng lumang simbahan ng Bambang na mas kilala sa katawagan nito na 'Bisitang Malaki.'

Tatlong barangay ang nasasakupan ng parokya, ang mga barangay ng Bambang, Perez, Taliptip at ilang mga maliliit na sitio na nasa Manila Bay. Si San Isidro Labrador, kinikilalang patron ng mga magsasaka, ang hinirang na pintakasi ng bagong parokya. Melchor Barcelona naman ang unang itinalagang kura paroko sa bagong tatag na parokya. Sa tulong ng mga angkan ng Meneses, Enriquez, at Molina, at sa paghimok ni Don Ireneo Carreon, na pawang mga nakatira sa barrio Bambang, naipagkaloob ang donasyon ng lupang pagtatayuan ng bagong simbahan sa Purok 3 (Tres). Ang nangasiwa sa pagtatayo ng simbahan ay si Inhinyero Artemio M. Natapos ang pagtatayo nito sa panahon ni Rdo. Enrique Mag-isa. Ipinagpatuloy ang pagsasaayos, pagdadagdag, at pagpapaganda ng simbahan ng mga sumunod pa na mga kura paroko. Ang Kapistahan ng Parokya ay ipinagdiriwang tuwing Mayo 15. Ang Pistang Pasasalamat kay San Isidro Labrador sa masaganang ani ay karaniwang ginagawa tuwing huling Linggo ng Pebrero. Ang kapistahan ng Mahal na Ina ng Kagalingan ng mga maysakit ay ipinagdiriwang tuwing Nobyembre 16. Narito ang nagsilbing mga Kura Paroko at Paring Tagapamahala ng Parokya mula noong Pebrero 1963:

1. P. +Melchor Barcelona (Pebrero 1963 - Hunyo 1970)
2. P. +Enrique Mag-isa (Hunyo 1970 - Mayo 1978)
3. Luciano Galman (Hunyo 1978 - Mayo 1980)
4. Danilo de los Reyes (Mayo 1980 - Oktubre 1987)
5. P. +Mario Mendiola (Oktubre 1987 - Hunyo 1996)
6. Ventura Galman (Hunyo 1996 - Nobyembre 2000)
7. P. +Francisco J. Vistan (Nobyembre 2000 - Nobyembre 2013)
8. Norberto A. Gagui (Nobyembre 2013 - Pebrero 2021)
9. Lamberto C. Tomas (Pebrero 2021 - Enero 2023)
10. Crisostomo (Enero 2023 - Hunyo 2023) - Paring Tagapamahala
11. Leonard R. Hernandez (Hulyo 2023 - Kasalukuyan)

Mayo 01 | (Malalaktawang) PAGGUNITA KAY SAN JOSE, manggagawa Patron ng mga Manggagawa at ng Simbahang UnibersalManalangi...
01/05/2026

Mayo 01 | (Malalaktawang) PAGGUNITA KAY SAN JOSE, manggagawa
Patron ng mga Manggagawa at ng Simbahang Unibersal

Manalangin tayo:

Ama naming makapangyarihan,
ikaw ang Maygawa sa tanang umiiral
at ang nagtakda sa batas ng paggawa para sa sangkatauhan.
Ipagkaloob mo, pakundangan sa pagkauliran at pagdalangin ni San Jose,
na maganap namin ang mga gawaing inyong inatas
at makamtan namin ang gantimpala na iyong ipinangako
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.

San Jose, ipanalangin mo kami.


*************
Maaari niyo rin po kaming i-follow sa mga sumusunod na Social Media Platforms!
Facebook: https://www.facebook.com/sanisidrolabradorbambang
Youtube: https://www.youtube.com/
TikTok: https://www.tiktok.com/

๐—จ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—œ๐—ฌ๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—˜๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—•๐—จ๐—ช๐—”๐—ก | ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ฒ๐—ฏ๐—ผ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น-๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐˜‚๐˜€๐—ผ ๐—ป๐—ถ ๐—›๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐˜€ + Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espir...
30/04/2026

๐—จ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—œ๐—ฌ๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—˜๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—•๐—จ๐—ช๐—”๐—ก | ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ฒ๐—ฏ๐—ผ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น-๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐˜‚๐˜€๐—ผ ๐—ป๐—ถ ๐—›๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐˜€

+ Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo, Amen.

Hesus, Diyos ko, Iyong nasabi,
โ€œHumingi, at kayoโ€™y bibigyan;
maghanap, at matatagpuan ninyo;
kumatok, at bubuksan ang pinto para sa inyo.โ€

Tunghayan Mo po akong nakaluhod sa may paanan Mo, napupuno ng buhay na buhay na pananampalataya at tiwala sa Iyong mga pangakong pinabatid ng Iyong Kabanal-banalang Puso at sinambit ng Iyong mga labi.
Narito po ako upang hilingin ito:

(banggitin ang kahilingan.)

Kanino pa po ako tutungo kung hindi sa Iyo na ang puso ay pinagmumulan ng lahat ng grasya at kabutihan?
Saan pa po ako maghahanap kung hindi sa baul na naglalaman ng kayamanan ng Iyong habag?
Saan pa po ako kakatok kung hindi sa pinto kung saan ibinibigay ng Diyos ang sarili Niya sa amin at kung saan kamiโ€™y makapupunta sa Diyos?
Sa Iyo po ako dumudulog, Puso ni Hesus.
Sa Iyo po ako nakatatagpo ng aliw kapag nahihirapan, pagtatanggol kapag inuusig, lakas kapag nabibigatan sa pagsubok, at liwanag sa dilim at pagdududa.

Minamahal kong Hesus, maigting po akong naniniwala na kaya Mong ipagkaloob ang biyayang aking hinihiling, kailanganin man nito ang isang himala! Naisin Mo lang ito, at matutupad na ang aking panalangin. Inaamin kong akoโ€™y hindi karapat-dapat sa Iyong mga biyaya, ngunit hindi ito dahilan para panghinaan ako ng loob. Ikaw ay Diyos ng habag at hindi Mo tatanggihan ang isang pusong nagsisisi. Tingnan Mo nawa ako nang may habag, at mababatid ng Iyong puso sa aking mga kasiraan at kahinaan ang dahilan upang pagkalooban ang aking mga panalangin.

O Banal na Puso, anuman ang Iyong pasya sa aking hiling, hindi po ako titigil na sambahin, ibigin, purihin, at pagsilbihan Ka. Hesus ko, ikalugod Mo nawang tanggapin ang pagsasagawa ko ng ganap na pagsang-ayon sa mga atas ng Iyong kaibig-ibig na Puso na aking tunay na hinahangad na matupad, kasama ng Iyong sangnilikha magpakailanman.

Kabanal-banalang Puso ni Hesus, alam kong may iisang bagay na hindi Mo kayang gawin: ang mawalan ng habag sa mga naghihirap o nababalisa. Tingnan Mo po ako, nagmamakaawa po ako, minamahal kong Hesus. Ipagkaloob Mo ang grasyang aking hinihiling sa Iyo sa pamamagitan ng Kalinis-linisang Puso ng Iyong nagdadalamhating Ina.
Ipinagkatiwala Mo ako sa kanya bilang kanyang anak, at ang kanyang mga panalangin ay napakamakapangyarihan sa Iyo.
Amen.

Kamahal-mahalang Puso ni Hesus, mapasaamin ang kaharian Mo.


*************
Maaari niyo rin po kaming i-follow sa mga sumusunod na Social Media Platforms!
Facebook: https://www.facebook.com/sanisidrolabradorbambang
Youtube: https://www.youtube.com/
TikTok: https://www.tiktok.com/

๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐ƒAng cut-off para sa unang canvassing ng Little Prince and Princess Raffle ay sa Mayo 1, 2026, hanggang 05:00 ng h...
30/04/2026

๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐ƒ

Ang cut-off para sa unang canvassing ng Little Prince and Princess Raffle ay sa Mayo 1, 2026, hanggang 05:00 ng hapon.

Sa araw din pong ito magaganap ang unang raffle draw na mapapanood ng LIVE sa ating page.

Maraming salamat po.


*************
Maaari niyo rin po kaming i-follow sa mga sumusunod na Social Media Platforms!
Facebook: https://www.facebook.com/sanisidrolabradorbambang
Youtube: https://www.youtube.com/
TikTok: https://www.tiktok.com/

30/04/2026
Abril 30 | (Malalaktawang) PAGGUNITA KAY SAN PIO V, papaPatron ng Valletta, Malta at ng Congregation for the Doctrine of...
30/04/2026

Abril 30 | (Malalaktawang) PAGGUNITA KAY SAN PIO V, papa
Patron ng Valletta, Malta at ng Congregation for the Doctrine of the Faith

Manalangin tayo:

Ama naming makapangyarihan,
hinirang mo si Papa San Pio upang sa iyong Simbahan
ang pananampalataya ay pangalagaan
at ang pagsamba sa iyo ay maging marangal.
Bilang tugon sa kanyang pagdalangin
maganap nawa namin ang pagdiriwang ng iyong pagliligtas
nang may pananampalatayang buhay at pag-ibig na nagbubunga
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Amen.

San Pio V, ipanalangin mo kami.

----
Nasa Larawan: Ang imahen ni San Pio V na nasa pangangalaga ni G. Christian Daet ng nayon ng Taliptip.


*************
Maaari niyo rin po kaming i-follow sa mga sumusunod na Social Media Platforms!
Facebook: https://www.facebook.com/sanisidrolabradorbambang
Youtube: https://www.youtube.com/
TikTok: https://www.tiktok.com/

๐—›๐—จ๐—ช๐—˜๐—•๐—˜๐—ฆ | ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ๐—ธ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ฒ๐—ฏ๐—ผ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—๐—ผ๐˜€๐—ฒ+ Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo, Amen. Panalang...
29/04/2026

๐—›๐—จ๐—ช๐—˜๐—•๐—˜๐—ฆ | ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ๐—ธ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ฒ๐—ฏ๐—ผ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—๐—ผ๐˜€๐—ฒ

+ Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo, Amen.

Panalangin kay San Jose

Kapuri-puring San Jose, tumayong ama at tagapag-alaga ng Panginoong Jesukristo, itinataas namin sa iyo ang aming mga puso at mga kamay upang hingin ang iyong kakayahang mamagitan. Nawaโ€™y makamtan namin mula sa kagandahang-loob ni Jesukristo ang tulong at mga biyayang kailangan naming pangkaluluwa at pangkatawan. Hinihiling namin ang maligayang kamatayan at ang natatangi naming kahilingan na nais naming makamtan... (ating banggitin ang mga natatanging kahilingan.)

Tagapangalaga ng Salitang Nagkatawang-tao, nadarama namin ng buong pananalig na ang aming panalangin ay mapakinggan sa Dakilang Trono ng Diyos.

O Kapuri-puring San Jose, mula sa pag-ibig mong taglay kay Jesus, at sa kaluwalhatian ng Kanyang Ngalan, dinggin mo ang aming panalangin at makamtan nawa ang aming kahilingan.

San Jose, kabiyak ng puso ng Mahal na Birheng Maria, ipanalangin mo kami.


*************
Maaari niyo rin po kaming i-follow sa mga sumusunod na Social Media Platforms!
Facebook: https://www.facebook.com/sanisidrolabradorbambang
Youtube: https://www.youtube.com/
TikTok: https://www.tiktok.com/

๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐ ๐๐ˆ ๐’๐€๐ ๐ˆ๐’๐ˆ๐ƒ๐‘๐Ž ๐‹๐€๐๐‘๐€๐ƒ๐Ž๐‘๐๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ญ๐ซ๐จ๐ง, ๐๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ซ๐จ๐ค๐ฒ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Mayo 06-15, 2026๐™ˆ๐™–๐™œ๐™™๐™ž๐™ฌ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™– ๐™—๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™ช๐™ข๐™ž๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™ฉ๐™–๐™ ๐™–๐™จ๐™ž ๐™จ...
29/04/2026

๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐ ๐๐ˆ ๐’๐€๐ ๐ˆ๐’๐ˆ๐ƒ๐‘๐Ž ๐‹๐€๐๐‘๐€๐ƒ๐Ž๐‘
๐๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ญ๐ซ๐จ๐ง, ๐๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ซ๐จ๐ค๐ฒ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
Mayo 06-15, 2026

๐™ˆ๐™–๐™œ๐™™๐™ž๐™ฌ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™– ๐™—๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™ช๐™ข๐™ž๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™ฉ๐™–๐™ ๐™–๐™จ๐™ž ๐™จ๐™– ๐™™๐™ช๐™ ๐™๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™œ๐™จ๐™–๐™จ๐™–๐™ ๐™–, ๐˜ผ๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™ช๐™ก๐™–๐™ง๐™–๐™ฃ ๐™จ๐™ž๐™ฎ๐™–'๐™ฎ ๐™ฉ๐™ช๐™ฃ๐™œ๐™ค ๐™จ๐™– ๐™ ๐™–๐™—๐™–๐™ฃ๐™–๐™ก๐™–๐™ฃ; ๐™ข๐™–๐™ฅ๐™–๐™ก๐™–๐™™ ๐™ ๐™–!

Narito ang talatakdaan ng ating mga gawain sa pagdiriwang natin ng Dakilang Kapistahan ng Ulirang Patron ng ating parokya -- San Isidro Labrador! Sa kabila ng nagbabagong panahon, hindi matatawaran ang ating pagsusumikap na tularan pa rin ang halimbawa ng ating Santong Patron, upang balang-araw, may pag-asa nating makamit ang pagpapala ng Diyos Ama sa langit.

ยกViva Apo Idro! ๐ŸŒพ๐ŸŒพ๐ŸŒพ

๐— ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐˜† ๐—ผ๐—ณ ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐˜€
LecCom San Isidro Labrador Parish Bambang
Hermandad 2026

Abril 29 | PAGGUNITA KAY SANTA CATALINA DE SIENA, dalaga at pantas ng Simbahan Patron ng Italya at ng EuropaManalangin t...
29/04/2026

Abril 29 | PAGGUNITA KAY SANTA CATALINA DE SIENA, dalaga at pantas ng Simbahan
Patron ng Italya at ng Europa

Manalangin tayo:

Ama naming makapangyarihan,
sa pagsasaloob ng pagtitiis ng aming Panginoong Hesukristo
si Santa Catalina ay pinag-alab mo sa iyong pag-ibig
at sa masigasig na paglilingkod sa iyong Simbahan.
Bilang tugon sa kanyang pagdalangin
ang iyong Sambayanan nawaโ€™y laging magalak
sa pakikiisa kay Kristo at sa pagpapahayag ng kanyang pagkabuhay
bilang aming Tagapamagitan kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Amen.

Santa Catalina de Siena, ipanalangin mo kami.

-----
Nasa Larawan: Ang imahen ni Santa Catalina de Siena na nasa pangangalaga ng Pamilya Felix ng nayon ng Bambang.


*************
Maaari niyo rin po kaming i-follow sa mga sumusunod na Social Media Platforms!
Facebook: https://www.facebook.com/sanisidrolabradorbambang
Youtube: https://www.youtube.com/
TikTok: https://www.tiktok.com/

๐— ๐—œ๐—ฌ๐—˜๐—ฅ๐—ž๐—จ๐—Ÿ๐—˜๐—ฆ | ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ฒ๐—ฏ๐—ผ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—œ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ธ๐—น๐—ผ๐—น๐—ผ+ Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo, Amen. Panala...
28/04/2026

๐— ๐—œ๐—ฌ๐—˜๐—ฅ๐—ž๐—จ๐—Ÿ๐—˜๐—ฆ | ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ฒ๐—ฏ๐—ผ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—œ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ธ๐—น๐—ผ๐—น๐—ผ

+ Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo, Amen.

Panalangin sa Ina ng Laging Saklolo

Mahal na Ina ng Laging Saklolo, buhat sa krus ibinigay ka sa amin ni Jesus upang maging Ina namin, Ikaw ang pinakamabait, pinakamasintahin sa lahat ng mga Ina, buong giliw mong tunghayan kaming iyong mga anak na ngayon ay humihingi ng Iyong tulong sa lahat ng aming pangangailangan lalong lalo na ang biyayang ito:

(tumigil at sabihin ang iyong mga hangarin)

Noon ikaw ay nasa lupa minamahal na Ina ikaw buong pusong nakiramay sa paghihirap ng iyong Anak. Sa tulong ng iyong pananalig at pagtitiwala sa maka-amang pagmamahal ng Diyos tinanggap mo ang Kanyang mahiwagang kalooban. Mayroon din kaming mga krus at mga tiisin sa buhay, kung minsan ang mga ito'y parang hindi na namin kayang pasanin, bahaginan mo kami ng iyong malaking pagtitiwala sa Diyos. Ipaunawa mo na walang katapusan ang pagmamahal ng Diyos sa amin at tinutugon Niya ang lahat ng aming panalangin sa paraang makabubuti sa amin. Palakasin mo ang aming loob na pagpapasan ng krus tulad ng iyong banal na Anak. Tulungan mong maunawaan namin na sinumang nakikibahagi sa krus ni Kristo ng kanyang muling pagkabuhay.

Pinakamamahal na Ina habang kami ay nababahala sa sarili naming mga suliranin huwag sana naming malimutan ang mga pangangailangan ng iba. Mahal na mahal mo sila, tulungan mong maging ganito rin ang aming pagmamahal sa kanila samantalang idinalangin namin ang aming mga adhikain at ang mga adhikain ng lahat ng narito ngayon, mataimtim sa loob na hinihiling namin sa iyo aming ina tulungan mo kami makapagdulot ng aliw at ginhawa sa mga may sakit at sa mga malapit nang sumakabilang buhay, magpahilom mong sugat ng mga pusong wasak, inaapi at turuan ng katarungan ang mga sa kanila'y nang aapi at ibalik sa Diyos ang lahat ng mga nagkasala sa Kanya.

Pinakamamahal na Ina tulungan mo kaming umiwas sa kasalanan na naglalayo sa amin sa aming Ama sa langit at sa isa't isa buong tiwala naming isinasalaysay ang aming sarili sa iyong pagkalinga at lubos na umaasang kami'y iyong tutulungan.
Amen.

Masintahing Ina, tulungan at ipanalangin mo kami.


*************
Maaari niyo rin po kaming i-follow sa mga sumusunod na Social Media Platforms!
Facebook: https://www.facebook.com/sanisidrolabradorbambang
Youtube: https://www.youtube.com/
TikTok: https://www.tiktok.com/

Address

Bambang
Bulacan
3017

Telephone

+63447605167

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Uhay - Parokya ng San Isidro Labrador, Bambang posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Ang Uhay - Parokya ng San Isidro Labrador, Bambang:

Share